Chapter 38c: Tyraine dela Vega

2.4K 62 0
                                    

Chapter 38c: Tyraine dela Vega


Coline's POV

Kinuha ko ang cellphone nya..

Pero natigilan ako nung makita ang wallpaper nya sa lockscreen ng cellphone nya..

Si Tyrone na nakangiti at may kasamang magandang babae.

Sino ang babaeng ito??

---

Mas mukhang batang tignan si Tyrone sa picture na toh.. pero mukhang mas masaya.

Hindi ko alam pero kakaiba ang naramdaman ko, nalungkot ako na hindi ko maintindihan..

Bakit magkasama sila? At mukhang masayang-masaya sa picture na toh..

Samantalang picture naming dalawa ang wallpaper ko.. Ang daya!

Nagseselos ba ko?

Normal lang naman toh diba??

Yung boyfriend mo may kasamang ibang babae sa picture at ang masaklap wallpaper nya pa.. sinong matinong girlfriend ang hindi magseselos??

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone nya mabuti nalang dumating si Mae at nasalo yun..

"huy anyare sayo??" tanong ni Mae, "patingin nga.."

Huli na nung marealize ko na naagaw na pala nya ang cellphone ni Tyrone sa kamay ko..

"uuyyy nagseselos ka ano??"

Imbes na pagaanin ang loob ko, inaasar nya pa ko =.=

"ano ka ba? Mukhang mas matanda pa toh kay Tyrone oh.. pero inpeyrness ang puti at ang ganda!"

>____<

"pero hawig sila... baka ate nya?? Tss, alam mo Coline baka ka magselos or magalit, dapat making ka muna sa explanation nya okay??"

Ayokong nag-aadvice ng ganito saken si Mae.. para kasing ibang tao sya.. mas bet ko yung luka-luka mode nya..

"hey bakit mo pinapakelaman ang phone??"  tanong ni Tyrone na kalalabas lang ng cr

"pakelam mo?? Paano ko mapapakelaman toh eh may password? Hindi naman ako manghuhula." pabalang  na sagot ni Mae, "oh iyo na isaksak mo sa lalamunan mo" ibinato nya kay Tyrone ang cellphone, "etong bestfriend ko nagseselos kung sino daw yang mas maganda pa sakanya na wallpaper mo.. magpaliwanag ka! Ayusin nyo yan! dahil pag nasaktan yan ikaw ang sasaktan ko! Aakyat muna ako at matutulog.."

Waa! Ang adik mo Mae >___<

Binigyan ako ng nagtatakang tingin ni Tyrone kaya iniiwas ko nalang ang paningin ko..

"hahaha!"

Napabalik ang tingin ko sakanya nung bigla syang tumawa..

"you're jealous??" she's my sister.."

"sister?? Bakit hindi ko sya nakikita??" tanong ko

"she's sleeping?"

"eh?"

"aist. I hate explaining y'know?? Let's go.."

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay at sumakay sa kotse nya..

"san tayo pupunta??" tanong ko

"kay ate.."

Hindi na ako nagtanong.. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana..

Ano kayang klase ng tao ang ate nya??

Mabait kaya??

Magugustuhan nya kaya ako??

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now