♡ChApTeR~98♡ (MCKENZIE VS. AYESHA)

495 23 5
                                    

♡MCKENZIE POV.♡

GALIT NA GALIT NA tumingin ako kay Ayesha.

Hindi ko inakala na talagang sa birthday pa ni Baby Sean sya sumugod.

Pumagitna ang lahat ng tauhan ni Ayesha sa pagitan naming dalawa. Mga naka maskara at pulos itim ang suot.

Nag papaikot ikot sila sa pagitan namin. Sobrang rami nila.

Saan nya ba nakukuha ang mga taong tuh. Sa totoo lang hindi nawawalan ng tauhan si Ayesha.

Hindi na ako nagulat ng sumugod na siya sipa at suntok ang kanyang ginagawa na iniilagan ko naman.

Marunong na sya.

Napa ngisi nalang ako ng bahagya.

Ang bawat galaw nya ay naiilagan ko at napapaatras pa ako. Pero sa isang ikot sabay sipa sa kanyang dibdib ay hindi nya inasahan. Tumalsik sya sa lamesang puno ng pagkain.

Tinadyakan ko ang tauhan nyang nasa gilid ko dahil sa inis.

"Hanggang ngayun ba naman mahina ka paren?" Usal ko habang nag lalakad ako. Tinignan nya pa ang hita ko kung nasaan ang baril na nakasuksok dun.

Huminto ako ng isang dipa lamang sa kanya.

"Kayang kaya kitang patayin" tiim bagang nyang sabi at tumayo..

"Alam ko.. pero bakit ako matatakot kung kaya rin kitang patayin?" Tanong ko.

Nanlisik ang mga mata nya akmang kukunin nya ang baril na nasa tagiliran nya ng bigla kung hugutin ang baril sa hita ko. Hindi nya pa man nahugugot ang baril nya ay nakatutok na  sa kanya ang pag aari nyang baril. Ganun nalang ang gulat nya ng ganun rin ako kabilis.

Ngumisi siya at hinugot ang baril nya at tinutok rin saaken gaya ng pag kakatutok ko ng baril sa kanya.

Magaling... magaling....

Napa labi ako at isinuksok ulit ang baril sa hita ko at tinadyakan ang baril na hawak nya dahilan para tumalsik ito.

Nag pa side ako at humiga. Kasabay ng pag patid ko sa kanya. Kaya naman bumagsak sya paharap sa lupa. Maangas na tumayo ako.

"Mckenzie." Isang pamilyar na boses ang humawak sa braso ko at tinignan ko lang si Felex. Nag aalalang tingin ang binitawan nya. Agad kung sinipa ang tauhan ni Ayesha na susugod sana saaken habang nakatingin paren ako sa mata ni Felex.

Agad ko ring binawi yun sa kanya.

Sinugod ako ni Ayesha na hindi ko manlang namalayan. Isang sipa sa tiyan ang binitawan nya tumalsik ako sa lamesang nasa gilid at halos mawarak yun sa katawan ko. Ininda ko na muna ang sakit bago ako tumayo.

Ngunit agad ring napaluhod ang isang tuhod ko ng sipain yun ni Ayesha. Tuluyan na akong napa luhod ng sipain nya pa ang isa.

Bumagsak ako ng sipain nya ang mukha ko pa side.

Lintik!

Habol ko ang hiningang tumayo ulit.

Wala na akong maramdaman. Namanhid ang buong katawan ko. Tanging ang malamig na hangin na humahaplos sa balat ko ang tanging nararamdaman ko. Akmang susugod nanaman sya, nang sya ang sipain ko dahilan para sya rin ang tumalsik sa lakas nun.

Siniko ko at sinipa ang isang tauhang malapit saaken bago ako naglakad sa puwesto ni Ayesha. Naka pulos itim rin ito pero mas maganda paren ako.

Ngumisi siya ng nakakaasar kaya naman ngumisi rin ako gaya nya.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now