♡ChApTeR~96♡

444 27 2
                                    

♡SEAN THEO POV.♡

SA MEDYO MAHABANG pag iisip ko. Si Felex talaga ang may kasalanan sa paningin ko. Maling mali ang ginawa nya. Maling mali talaga!.

Sabay kaming natulog ni Mckenzie.

Nang sumapit ang madaling araw ay...

"Babe....babe!" Tinapik tapik nya pa ako sa pisngi. Nag mulat ako ng mata at kinunutan ko siya ng noo. "Samahan mo ako" tugon nya.

"Saan?" Bumangon ako at nag kusot ng mata.

"HAHAHAH!" bigla nalang syang humalakhak ng habang naka turo siya saake.

(-_-)

"Tsk!" Hindi ko siya maintindihan kaya naman akmang matutulog na ulit ako ng humabol sya.

"Hindi pa natin alam kung sino ang may gawa nun kila Loree at Mary samahan akong pasukin ang SSU" Bulong at pahabol nya. Tinignan ko ang whole clock at 1:10AM palang.

Oo nga ano?

Hindi pa kasi alam kung ano nga bang dahilan nun at kung bakit ginawa nya yun.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya papuntang closet. Agad na nag bihis sya at ganun narin ako. Pulos itim ang suot namin walang tabing ang mukha namin. Ayun nanaman ang maingay na sapatos na itim ang isinuot nya. May takong ito na para bang boots. Tyaka nya lang yan gagamitin kapag kailangan o sa mga ganitong bagay.

Itinali nya ang mahaba at kulot sa dulo nyang buhok.

Tatawa tawa pa siyang sinuklayan ako habang nag sasapatos ako. Malamang ay heto rin yung tinatawanan nya kanina lang. Nakaturo pa siya saaken tsk!.

"Ayan cute kana!" Tinapik nya pa ang pisngi ko gamit yung comb.

"Guwapo ako" seryusong sambit ko. Bumungisngis naman ito. Ubod ng katupakan tung girlfriend ko (-.-).

Hindi na nya kailangan pang mag lagay ng kulorete sa kanyang mukha dahil talagang maganda sya. Ni hindi manlang ata nag lipstick umalis na.

Sabay kaming naka baba sa elevator.

Pasulyap sulyap pa ako. Pero yung kasama ko. Dere deretso. Kinuha nya yung baril sa drawer at inilagay sa kanyang sapatos. Dun ko nakitang may pag lagyan pala sya ng baril doo. Gilid ng kanyang sapatos.

"Bakit kailangan mo pang kunin yan?" Tanong ko.

"May kailangan pa kasi akong asikasuhin pag katapos nun" usal nya. Hinila nya ako at ibinigay ang susi ng kotse kung itim. Kumunot pa ang noo ko dahil motor ang una nyang hinawakan at sinakya.

"Doon na ako magpapa andar maingay tuh" senyas nya at bulong nya. Tumango ako at kinuha yung kotse ko palabas.

Hindi manlang nagising yung nag babantay na guard Tsk!.

Maya maya pa.

*Broom! Broom!*

Nag mamayabang pa yung kasama ko.

*brooooooooooooooommm!!*

Pumaharurot ang motor ni Mckenzie. Umiling ako dahil sa yabang nya. Agad akong sumunod sa kanya.

Nakarating kami sa SSU pero huminto siya. Malayo palang ang SSU. Pinark nya sa gilid ang motor nya. Ganun narin ako kasabay ng pag baba ko.

"Bakit dito?" Tanong ko.

"May Cctv dyan oh?" Turo nya sa harapan ng SSU.

"Dito tayo wala ditong Cctv" hinila ko siya sa gilid gilid. Sabay kaming umakyat.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now