♡ChApTeR~90♡ (WAR)

399 26 0
                                    

♡ETHAN POV.♡

TIIM BAGANG KUNG tinitigan ang mukha nina Felex at Xyra. Bugbog sarado ang mga ito at kumulo talaga ang dugo ko sa nakikita ko. Gusto kung pag susuntukin ang mga tauhang nasa harapan ko ngayun para makabawi sa mga ginawa nila sa Kaibigan namin. Tulog ang mga ito at naka lagay sa isang silya.

"Susunduin nyu na ba yung mga Mahal nyung kaibigan? Hindi ba't tinaya nya na ang buhay nya?" Sarkastikong ani Spin.

Walang sumagot sa kanya. Sa halip ay tinignan nya ang kabuuan ni Mckenzie.

"Walang kupas ang ganda mo Ms. Mhyller... Ano bang gagawin mo dito? Sasayaw kaba sa harap ni Ram?"

Nag tiim ang baga nina Sean at Kuya Aidan sa gilid. Naririnig ko ang nang gigil nilang mga ngipin.

"Hindi.. Mukha ba akong dancer?" Nakangiwing sambit ni Mckenzie.

"Dancer sa club oo.."

Lalong nang gigil ang mga katabi ko.

"Grabi ka naman." Natatawa kunyareng sambit ni Mckenzie.

Marahan itong naglakad. At tanging takong ng heels lang ang naririnig namin. Umupo siya at tinignan ang kabuuan ng mukha nina Xyra at Felex.

Nakikita ko ang galit sa mga mata nya pero nagagawa nga yung pigilan sa isang nakakatakot nyang ngisi.

"Andito kana pala Mckenzie" isang boses na pamilyar ang namutawi sa gilid. Hindi sya nagawang lingunin ni Mckenzie na para bang hindi nya narinig ang tinig ni Ayesha sa halip ay tinitignan nya paren ang mukha ng mga kaibigan namin. "Sabik kana bang makita ang boyfriend ko?" Tiimbagang tugon ni Ayesha.

"Well. Wala akong paki sa boyfriend mo. Sa pag balibag sayo? Oo naman! Sabik ako." Tumayo na si Mckenzie at humarap kay Ayesha.

"Totoo nga ang sinasabi nilang. Tunay ka ngang maganda. Kaya ba nainlove sayo ang boyfriend ko?"

"Bakit hindi sya ang tanungin mo kung bakit ako ang gusto nyang pakasalan?" Umangat ang sulok ng labi ni Mckenzie.

"Bakit nga ba ikaw ang gusto kung pakasalan?" napalingon kami sa gilid ulit ng marinig ang tanong na yun. Hindi ulit lumingon si Mckenzie.

Nag tiim ang mga bagang ni Ayesha. Tyaka nya tinadyakan si Mckenzie pero nakailag ito napanganga pa si Ayesha na parang hangin lang ang kaharap nya sa sobrang bilis.

Lahat kami ay nakatingin lang sa kanila.

Bigla nalang may lumabas na mga tauhan sa gilid gilid namin. Sobrang rami!. Pulos naka maskara at halos mapuno ang lahat ng tuhan nila ang buong paligid. Malawak ang mahaba ang floor na tu na katumbas ng malawak na oval.

"Palayain nyu na ang mga ito" turo ni Mckenzie kina Felex.

"Ilang beses mo na yang ginagawa Ms. Mhyller. Uulitin ko hindi kami tanga" sambit ni Spin.

Nanlalaki ang mga mata ko ng bigla nalang dinagukan sa batok sina Sean at Kuya Aidan ng kung sinong naka maskara.

"You choose. Ang mapipili mo yun ang papakawalan namin kasama ang mga kaibigan mo. Ang hindi naman mapipili ay maiiwan dito at papatayin namin" dagdag ni Spin.

Tinignan lang sya ni Mckenzie at tinignan nya sina Sean at Kuya Aidan.

Tumagilid ang ulo nya na para bang ngayun nya lang nakita ang mga ito.

"Kung papatayin ko ba si Sean ako ang papakasalan mo?" Tanong ni Ram kay Mckenzie na ikina tagis ng bagang ko.

"Eh kung si Mckenzie ang patayin ko? Ako na ba ang papakasalan mo?" Sumulpot si Ayesha sa harap ni Ram.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now