♡ChApTeR~73♡

465 29 0
                                    

♡MCKENZIE POV.♡

PAPUNTA AKO SA LOCKER room pero bago ko pa man buksan ang locker ko ay nagugulat akong napatingin sa tagiliran ko ng makita si Ram..

Wag sana akong galawin nito masama ang pakiramdam ko ngayun.

Nakangiti ito habang nakapamulsa ang isang kamay..

"Nice to meet you again" nakangiting bati nya..

"Nice to meet you too" pilit akong ngumiti.

Ang napaka bigat na balikat ko ay sobrang nagpapahirap sa pag hinga ko. Nakakawala ng lakas.

May lagnat na ata ako (=~=)

Grabi ang saket ng ulo ko..

Hinahawak hawakan ko pa ang noo ko gamit ang likod ng palad ko sabay tingin rin sa leeg ko.

"Bakit pala hindi na kita nakikita dito nung mga nakaraang linggo?" Tanong ko pa kunware habang nag lalagay ako ng gamit sa loob ng locker ko..

Kailangan kung makuha yung loob mo para makapag salita ka sa mga sekreto mo.

"Hindi naman ako lumalabas sa room namin" sagot nya..

"Hindi mo manlang dinadalaw o hinahatiran ng makakain yung girlfriend mo?" Tanong ko..

"Ha?"

"Si Ayesha kako"

"Ayesha?.. actually hindi ko na yun nakikita dito eh"

Oo nga pala!.. kunware hindi mo alam.

"I mean si Alexa pala" pag tukoy ko kay Alexa..

Alam kong alam mo na si Alexa ay si Ayesha.!

"Ha?" Naguguluhang aniya..

"Nevermind.. una na ako ah? Masama pakiramdam ko eh" akmang tatalikod ako ng hawakan nya ang braso kunot noo akong humarap at pilit na tinanggal ang kamay nya sa braso ko..

"Ang init mo." Usal nya.."Ihahatid na kita sa room nyu puwede ba?"

"May paa naman ako" tinignan ko pa ang paa ko..

"Sige na" pag pupumulit nya..

Total! May kailangan ako sayo kaya..

"Sige" tumango ako..

Kaya naman sinabayan nya akong maglakad..

"Ano kaba. Malayo yung room namin. Baka ma late kapa" nag simula akong magsalita..

Napahawak pa ako sa batok ko dahil parang tutumba ako sa saket ng ulo.

"Hindi. Maaga pa naman eh. Ayus ka lang ba?" Tanong nya..

"Oum" pilit akong tumango ...

"Antagal nating hindi nag kita ah ? Namiss tuloy kita. Hehe biro lang" pambabawi nya pa..

"Ako rin. Namiss kita.. parang gusto kitang sapakin." Hindi biro ang sinabi kung yun pero...."Biro lang" kunwareng pambabawi ko sa sinabi ko dahil tinignan nya ako.

"Nakita ko nga kayo dito nung Cara Day eh. Nag hahabulan kayo sa gitna ng ulan" napatawa pa siya ng mahina..

"Masaya lang kami"

"Halata nga"

Maya maya pa ay nasa room na kami. Halos nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko ng makitang kasama ko si Ram..

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt