♡ChApTeR~93♡

455 25 2
                                    

♡SEAN THEO POV.♡

GUSTO KUNG SAKALIN si Ram hanggang mamatay na sya!. Pero nagawa kung makapag pigil sa galit na nararamdaman ko.

Ang coat na suot ko ay isunuot ko kay Mckenzie na kung saan halos kita na ang kaluluwa sa kanyang suot na punit punit.

Nakatitig lang sya saaken pero mugto ang mga mata. Maririnig ang kanyang marahang pag lunok. At ano mang oras ay hahagulgol na sya.

Ayukong isiping nagalaw na sya. Pero gusto kung malaman. Pero sa tingin ko naman ay hindi pa. Hindi ganun katanga si Mckenzie. Kanina lang ay nagbabanta na si Ram na bubuntisin siya kasunod ang kasal! Putangina nya!

Binutan ko siya sa likod ng tuhod nya at bewang nya. Marahan ko syang na iangat.

Madilim ang paligid. Wala akong kasamang pumunta dito. Sa ilang araw na pag pa plano ngayun lang ako naka kilos!. Mahirap, sobrang hirap dahil ang akala kung alam kuna kung nasaan sya nung una pero sobrang nadismaya ako ng wala sya sa kuta ni Ram. Antagal naming nag hintay para lang mapa sagot si Spin kung nasaan na talaga si Ram.

Nag hintay kami pero mas nag hintay pa ata tung buhat ko. Naramdaman ko nalang na sumandal ang ulo nya sa dibdib ko kaya naman nilingon ko siya. Ganun nalang ang pag iling ko ng tulog na ito.

Napa pikit ako sa kabuuan ng mukha nya. Sobrang hirap makitang bugbog sarado sya. Hindi manlang sya lumaban.

Bakit hindi ka lumaban babe?... alam kung kaya mo sya? Bakit pumayag kang saktan ka nya?.

Paulit ulit na tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Duguan ang sentido nya at halos natuyo na. Ang  braso nya naman ay may mga pasa.

Nag tiim ang bagang ko at nag langitngit ang ngipin ko. Gigil na gigil ako sa namumuong galit sa puso ko. Nangako akong pro protektahan kita! Pero puta! Asan na ngayun yun?! Asan na yun Sean?!!!

Ipinasok ko siya ng marahan sa kotse.

Pinaharurot ko yun ng mabilis!. Hindi pa tapos ang laban Ram. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ko.

Andun silang lahat. Sa may sofa nag hihintay.

"Jam!" Agad na sumalubong saamin ang kanyang Kuya.

"Diyos ko" nailing si Dianne at tumakbo sa kusina para lang kumuha ng medicine kit.

"Anong nangyare?" Tanong ni Trisha.

"Inabutan ko siyang ganyan na." Nailing ako at tinignan ang kabuuan nya. "Balak syang buntisin ni Ram bago nya pakasalan!... taena nya!" Nag tiim ang bagang ko ng itugon ko yun!

"Gago siya!" Tinig ni Kuya Aidan. Siya ang gumagamot kay Mckenzie.

"Ahhh!" Umangil si Mckenzie sa sakit. Dahil hindi napigilan ni Kuya Aidan na diinan ang sugat nya. Hindi nya rin naman sinadya.

"Sorry.."

"Ako na nga!" Ayan nanaman ang angas nya!.

Kaya naman ako ang lumapit at inagaw ang bulak na hawak nya.

"Humiga ka." Utos ko na.

"Tsk!" Inis syang humiga sa sofa.

"Hindi ka pa malakas Jam." Ani Kuya nya.

Nag iwas lang ng tingin si Mckenzie.

"Kahit hindi mo iparamdam saamin. Pero kitang kita namin. See! Look at you're body!" Naiinis na sabat ni Trisha maging sya nag aalala narin.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon