♡ChApTeR~41♡ (BORACAY)

477 31 8
                                    

♡SEAN THEO POV.♡

SA ngayun ay pare parehas na kaming nag sisimulang kumain...

"Tsk! What are you doing? Hindi ka kakain?" Tanong ni Sheena kay Mckenzie kaya napalingon kami sa kanya..

"Ha? Kumain na ako kanina... ito nalang saaken" sambit nya sa ice cream na nasa baso nya...

"Are you sure?" Paniniguro ni Ram

"Ah.. yeah" sagot ni Mckenzie...
"Teka... ano ba ang isang yan? Mukhang dragon na walang mukha at maraming kamay" turo nya sa pusit na nasa harap namin...

"Pusit yan sira" sambit naman ni Felex...

"Hindi kapa nakakakita nyan?" Tanong ni Dianne.. umiling lang si Mckenzie...

"Teka... wag nyung ipapakita yan" sambit ng kuya nya na ikinakunot ng noo ni Mckenzie... "allergic sya dyan.. kaya simula bata sya ay hindi namin ipinapakita ang ganyang klasing laman dagat" tugon nya...

"Ha?" Nalilitong usal ni Mckenzie.

"Noong tatlong taong gulang ka ay kumain ka ng ganyan at yung allergy mo umakyat sa leeg mo tapos hindi ka nakahinga" kuwento ng kuya nya... "noong bata ka kasi ay pag nakakakita ka ng ganyan ay gusto mo na agad kainin" tugon nya....

"Bakit ngayun mo lang sinabi?" Tanong ni Mckenzie..

"Ngayun ko lang naalala" nagkibit balikat pa ang kuya nya.

"At tyaka! Bakit ko kakainin ang mukhang halimaw na yan?" Turo nya sa Pusit... "baka mabuhay yan at sakalin ako.... arrrayyy!!!" Usal nya ng batukan sya ni Felex...

"Hindi na yan gagalaw! Patay na yan! Patay na!!!!" Sambit nya kay Mckenzie

"Malay mo gumalaw.. alam mo ang mga halimaw raw ay may kapangyarihang mabuha----- ahhh!!!" Sambit nanaman nya ng batukan ulit sya ni Felex... "ikaw nakakadalawa kana ah!"

"Ang bobo mo kasi eh... " naiiritang sabi ni Felex...

"Tsk! Kakainin ko na nga lang tuh" sambit nya sa ice cream nya...

"Mag iinoman ulit tayo mamaya" sambit ni Sheena..

"Anong mag iinuma----" hindi natuloy ang sasabihin ni Mckenzie nang magsalita na si Felex..

"Oo nga sulitin na natin yung huling gabi" aniya...

"Eh?" Naguguluhang sabi ni Mckenzie....

"Maglalabas ako mamaya ng shot glass hihiram ako doon sa mini bar" prisinta ni Xyra...

"Yung red wine na mamahalin yung ilabas nyu" usal ni Sheena...

"Ikaw na ang bahala sa pulutan Ethan" sambit ni Jack...

"Ano ban----" hindi nanaman naituloy ni Mckenzie ang sasabihin nya...

"Oo.. ako na bahala...saan ba tayo pu puwesto?" Tanong ni Ethan...

"Ako na ang bahala" prisinta na ni Rjay....

"Bahala nga kayo dyan" bulong ni Mckenzie na parang nagtatampo...

"At tyaka dapat maabot tayo ng hanggang umaga " ani naman ni Jv..

"Anong-----" hindi nanaman naituloy ang sasabihin ni Mckenzie...

"Hanggang madaling araw lang uy!" Tinapik pa ni Felex ang balikat ni Jv...

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now