♡ChApTeR~82♡ (TUPAK)

457 31 0
                                    

♡SEAN THEO POV.♡

"BABE!" NAIINIS NG sabi ko.

"Babe!" Pang gagaya nya rin na parang naaasar gaya ko..

"Tsk! Ano bang nangyayare sayo?!"

"Tsk! Ano bang nangyayare sayo?!"
Pang gagaya nya rin.

Inis na nag iwas ako ng tingin pero nagulat ako ng ganun din ang ginawa nya.

Arghhh! Ano bang problema nya?!

Kanina pa siyang umagang nang gagaya saaken simula nung bumaba sya dito. Hindi ko alam kung bakit(-.-).

"Lakas ng tupak ngayun ni Mckenzie ah" ayan na si Felex.

Tumawa si Kuya Aidan na andito narin sa bahay kong natutulog. In short welcome silang lahat.

Pumuntang banyo si Mckenzie kaya naman nag salita si Kuya Aidan.

"May kasalanan kaba kay Jam?" Tanong na nya. Napatingin naman ang lahat ng kaibigan ko saaken. Agad akong nag kunot noo. At wala naman akong ginawa para mag karoon ng kasalanan sa kanya.

"Hindi ko maalala eh" sagot ko.

"Alam mo bang minsan narin akong ginanyan ni Jam? Nung minsang hindi ako nakadalaw sa hospital" naiiling na kuwento ng Kuya nya."Natitiyak kung may kasalanan ka sa kanya kaya sya ganyan ngayun"

"HAHAHAHA!" Tumawa si Felex habang nakatingin saaken sinamaan ko naman sya ng tingin.

Nag isip ako kung ano nga bang kasalanan ko?.

"Wala talaga akong matandaang may kasalanan ako sa kanya" naiiling at nakahawak ako sa baba ko habang naka tingin sa floor.

"Ganyan ako nung una hanggang sa maalala ko rin" sagot ng Kuya ni Mckenzie.

Biglang lumabas sa banyo si Mckenzie. Bagong hilamos ito at mukhang bagong sipilyo.

"Huy! Wala kang balak mag luto?" Tanong ni Felex sa kanya.

"Huy! Wala kang balak mag luto?" Nang aasar na pang gagaya ng girlfriend ko sa kanya.

"Huy! Wag mo nga akong dinadamay sa pagiging tupakin mo"

"Huy! Wag mo nga akong dinadamay sa pagiging tupakin mo" pang gagaya nya nanaman. "Ewan ko sa inyo! Mamatay kayo sa gutom!" Inis nyang bulong pero rinig na rinig namin. Nailing pa siya at dumeretso sa kuwarto kung nasan si JV.

Alam narin tuh ni Kuya Aidan dahil nasabi na pala ni Sheena sa kanya.

Pag ka pasok nya ay...

*blag!!*

Malakas na tunog ang namutawi sa kuwarto. Lumabas rin agad si Mckenzie ng marinig namin ang malakas na tunog na yun.
Tunog ng silyang kinauupuan yun ni JV at nasisiguro kung sinapak nya ito o tinadyakan para matumba ang upuan na iyon.

Sa pag labas nya ay nakita ko ang nakakuyom nyang kamao bandang kanan ito. Nakita ko pa ang mga sugat nya doon nung makaharap namin ang mga tauhan ni Ayesha. Mapapansin mo ang mapula nyang buto sa kamao. Sinapak nya(-.-). Nailing akong pinagmasdan kung paano nya ikandado yun.

"Huy! Anong ginawa mo dun?" Tanong ulit ni Felex.

Nag kibit balikat lang si Mckenzie at pumihit sa elevator at hindi manlang kami nililingon.

"Tupakin" masama ang tingin ni Felex sa elevator ng bumulong ito.

"Mag order nalang kayo ng pag kain nyu. May tupak ngayun yun. Mauuna narin ako dahil may Duty ako" paalam ni Kuya Aidan.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now