♡ChApTeR~40♡ (BORACAY)

489 36 5
                                    

♡DIANNE POV.♡

(DAY 4)<----- BORACAY}

HANGGANG ngayun ay hindi pa gising si Mckenzie at alam naming nagpapahinga lang sya...

Wala kaming magawa kundi ang hintayin syang magising... bago kasi kami umalis dito ay kailangan mag pipicture picture muna kami..

Pag nagising naman iyon ay agad naman babangon yun..

Pinapalitan rin namin ang benda nya hanggang sa maging band aid nalang ang nasa side ng noo nya...

Humupa na ng kaunti ang lagnat nya..

Ngayun ay andito kami sa labas... naglalangoy sa malinis na malinis na tubig dagat...

Napapatawa ako dahil nakayapos nalang si Simon saaken.. nakayakap nalang siya sa bewang ko habang ang baba nya ay nakapatong sa balikat ko hanggang kanina...

Mukha syang sira! Lalo lang akong namumula sa ginagawa nya...

"Huy! Maliligo kayo o magyayakapan nalang dyan?" Sita ni Felex..

"Palibhasa walang mayakap bleh" pang aasar ko...

"Meron kaya... ito oh" tinuro nya si Jack at niyakap ito..

"Huy! Bading tumabi ka nga!" Naiinis na sabi ni Jack..

Natawa nalang ako ng sobra...

"Ngiti kayo Dianne kukuhanan ko kayo ng Picture ni Simon" usal ni Xyra habang hawak ang camera nya ngumiti ako ng napakatamis... "one.. two... *click..... wow! Ang sweet nyu" nakangiting sabi nya habang tinitignan ang kuha nya...

Ngumiti lang ako sa kanya...

Maya maya pa ay binuhusan kami ni Felex ng isang timbang tubig at halos pabalikwas kami ni Simon...

"Shit!" Mura ni Simon...

"Saan galing yang timbang yan?" Inis na sabi ko...

"Doon oh!" Itinuro nya ang nangingisdang matandang lalaki doon sa gilid..

"Luko! Ibalik mo nga iyan! Kailangan yan ng lolo oh?" Sambit ko...

"Oo na ito na.. bwhahahahhaha!!" Tumawa pa siya nang nakakaasar bago nya ibinalik yung timba sa lalaking matanda na namiming nguwit.....

"Siraulo ilunod kaya kita... babe ayus ka lang?" Sambit ko.. tumango siya habang pinupunasan yung salamib nyang basa na .. "babe ako na" kinuha ko yung salamin nya at kinuha ang laylayan ng damit ni Felex at pinagpunas doon ang basang salamin ni Simon...

"Teka! Ano bang ginagawa mo"

"Wait nga! Wag kang magulo! Kasalanan mo yan! Nananahimik kami eh!" Nang gagaliiting sabi ko...

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay dahan dahan kung inilagay sa mga mata ni Simon ang salamin nya....

Ngumiti ako sa kanya... na halos mag slomo ang lahat.. ang pag agus ng tubig mula sa buhok nya..
Nakasando lang sya pero bakat na bakat ang malaki nyang katawan.. lalong uminit ang panahon dahil sa bakat ng abs nya...

Ang isang nerd na gaya nya? Merong makisig at magandang katawan?.. napaka suwerte kuna ba dahil boyfriend na kita...

Itiniklay ko ang mga paa ko sa ilalim ng dagat at ginawaran sya ng marahan at mabilis na halik sa labi...

"Uyyyyyy!!" Pambibiro ng mga kasama namin...

Niyakap ako ni Simon na ikinabigla ko...

"Ayuko ng mawala ka sa buhay ko" bulong nya... masyadong sweet ang tunog ng boses nya sa pag bulong nya....

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now