♡ChApTeR~76♡

434 31 2
                                    

♡ETHAN POV.♡

HABOL ANG HININGANG pinagmamasdan ko kung paanong makipag usap ngayun si JV.

Kagagaling lang namin sa school.
Kaya naman hindi palang kami nakakabihis ay hinarap na namin si JV na nakagapos ang mga kamay sa silyang inuupuan nya..

Lahat kami ay nakaharap sa kanya.

"Asan si Alexa?" Pag uulit ni Mckenzie sa kanina nya pa tinatanong.

"Bakit ba ako yung tinatanong mo?" Sarkastikong ani JV.

"Gago ka talaga eh nuh?, malamang ikaw talaga pagtatanungan ko ikaw kasabwat ni Ayesha eh!" Umamba pa ng batok na ani Mckenzie.

"Bakit ko sasabihin? Hindi ako tanga paulit ulit ka"

"Wala ka rin naman palang kuwenta dito sa mundong ibabaw eh. Bigti kana lang oh!" Ibinato pa ni Mckenzie ang mahabang lubid.

Iiling iling lang si JV habang nakangisi.

"Hindi ka makakaalis dito!"

"Tignan natin.. tiyak na hahanapin nila ako"

"Wala kang pakinabang kaya hindi ka nila hahanapin!"

"Yun ang akala mo" umangat ang gilid ng labi ni JV at nag angat ng tingin kay Mckenzie na masama paren ang tingin sa kanya. Halos hindi nabawasan ang galit nya.

*Blooggg!*

Malakas na sinipa ni Mckenzie ang upuan.

"Alam mo kung paano ako magalit diba?" Sarkastikong ngumiti si Mckenzie sa kanya. "Isang tanong, Isang sagot!! Kung ayaw mong sagutin yung nauna kung tanong... Anong klaseng tao si Ayesha?" Tiim bagang nyang tugon.

"Sabihin na nating mamamatay tao.. Una sa lahat hindi mo kilala ang binangga mo..ilang beses ng nakapatay ng tao si Ayesha"

"Yun ay dahil may armas sya!!!" Sigaw ni Mckenzie at kuwenelyuhan si JV. "Pag kaming dalawa ang magkaharap tititigan ko lang sya umaatras na! Ganun kaduwag yung boss mo! Tanga!!"

"Maaari ngang ganun. Pero kaya nya kang patayin sa isang putok lang ng baril." Ngumisi ulit si JV. "Ang lahat ng armas nya ay may lason. Isang putok lang nun ay kakalat ang lason mula sa katawan mo. Isang liquid potion ang pinang lilinis nya sa mga ito. Pero dun rin ako nagulat na isang lason pala yun. Hindi ka tatagal ng limang minuto" muling umangat ang gilid ng labi ni JV at sarkastikong ngumiti.

"Edi yun ang gagamitin ko pang patay sayo" ni hindi manlang natakot si Mckenzie sa pinagsasabi ni JV.

"Alam kung hindi mo kayang gawin yan. Alam ko ring malambot ang puso mo"

*bloggg!*

Sinuntok siya sa mukha ni Mckenzie.

"Pero hindi sa taong tulad mo!" Sagot ni Mckenzie. "Taena! Ang hirap mong kausap!."

"Kahit alam mo ng hindi ako magsasalita. Pinipilit mo paren ako"

"Dahil gusto kung iligtas ang inosenteng taong dinamay nyu!"

"Hindi ka superhero"

"Pero kaya kitang patayin"
May kung anong kinuha sa drawer si Mckenzie at nagulat ako ng makita ang isang baril. Kinasa nya ito sa harapan ni JV at tinutok ang nguso ng baril sa sentido nya mismo.

Shet!

Ganun nalang ang gulat ng lalaki sa inasta ni Mckenzie.

"Kilala mo ba kung kaninong baril tuh?. Ang alam ko ay naiwan ni Ayesha tuh" ipinakita nya pa ang kabuuan ng baril.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon