♡ChApTeR~77♡

399 32 3
                                    

♡MCKENZIE POV.♡

KASAMA KO NGAYUN SI Khen kaya naman ganun nalang kasama tumingin si Sean mula sa kabilang lamesa. Kasama nya ang mga kaibigan namin.

"So? Bakit bigla ka ata nag yayang nag lunch?" Tanong ng kaharap ko.

"Wala trip lang. Syempre hindi naman na tayo nag kakausap eh" pagdadahilan ko.

"Weh?! Ikaw ah! Namiss mo ako nuh"

Parehas sila ni Ram(-_-) mga OA..

"Kung yun ang nakikita mo" sagot ko nalang..

"Tyaka pala. Kamusta kayo ni Sean? Bali balita kasi ditong kayo na raw"

"Kailan kapa naging chismoso?" Natatawang sambit ko.

"Ngayun lang HAHAHAH!" tumawa narin sya. Napaismid nalang ako.

"Okay lang naman... ikaw? Kamusta lablayp?" Kunware pang tanong ko dahil nawawalan na kami ng topic (-.-)

"May girlfriend rin naman kaso sa M.U sya nag aaral"

"Oh? Nice..." namamangha ko pang sabi. "Gago ka paren ba?" Doon na ako sumeryuso kaya napatingin siya saaken..

"Yung nakipag hiwalay ka saaken at nung hindi ko matanggap. Nag simula na akong magbago. Kasama ng mga kaibigan ko" ngumiti siya saaken. Mababasa mong totoo ang sinasabi nya dahil sa sinseridad nya.

Pero bakit mo tinanggap yung sobreng iniabot sayo ni Ayesha na alam ko namang pera yun Khen?

Halos mangunot ang noo ko habang nakatingin sa mga mata nya.

"Ganun ba?. Eh sa Gang? Kasali kapa sa Devil Gang?"

Umiling sya ...

"Umalis na ako sa ranggo ko.. matagal na yun simula nung iwan mo ako.. bakit mo nga ba ako iniwan?" Naging seryuso ang tingin nya saaken.

Dahil mahal ko na si Sean nun.

"Nakaraan nayun wag mo ng balikan" sagot ko nalang

"Pero gusto ko paren malaman Jam"

Nagugulat paren akong tumingin sa mata nya dahil ang tawag nya saaken noon ay tawag nya paren hanggang ngayun.

"Dati kasi sawa na ako sa mga nakikita kung kalukuhan mo. Pag nakikita ko yung ginagawa mo. Gusto kitang pigilan pero hindi ko kaya,iba ang takbo ng utak mo Khen" nag iwas ako ng tingin at sa pag iwas ko ng tingin nahagip ko si Sean na seryusong nakikinig sa mga kaibiga namin.. Bumuntong hininga nalang ako.

"Nag sisisi narin ako sa kagaguhan ko Jam. Pero kahit lagi kitang sinasaktan dati hindi paren ako sinusugod ng Kuya mo hanggang ngayun ay mabait paren sya" ngumiti sya ng pilit.."Pero pasensya na sa lahat ng ginawa ko sayo Jam kahit wala na tayo sana mapatawad mo paren ako" makikita mo ang nagmamakaawang mata nya at nagpapaka totoo siya masyado.

Paniniwalaan pa ba kita Khen?

Paniniwalaan pa ba kita?

"Matagal na kitang pinatawad ano ka ba" tinapik ko pa ang buhok nya na ikinatawa nya.."Ngayun. Makuntento kana kung anong meron ka, at baka pag nawala mag sisi ka" patungkol ko sa girlfriend nya.

"Kaya nga eh.. pero salamat paren kasi nakipag kuwentuhan kaparen saaken kahit Ex boyfriend mo ako"

"Bakit? Bawal na bang kausapin yung naging boyfriend ko dati? Tsk! Niluluko mo ata sarili mo eh" singhal ko sa kanya sa huli ay ako ang natawa...

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu