Mistake.13 - Hormones

159K 2.8K 66
                                    

Warning: SPG AHEAD! Haha ;)

》CHEYNE《


"Wala ka uling pasok?" tanong ko ng mapansin ko si Enzo na nagtitimpla ng kape. Galing kasi ako sa likod ng bahay tinignan ko yung mga tamin ko doon.


"Wala namang ganung trabaho ngayon... kaya hindi nalang ako pumasok." Kaswal na sagot nya. I just shrugged my shoulder at dumiretso sa refrigerator para uminom ng tubig. Tsk! Palibhasa sya ang Boss kaya papasok lang kung kailan gusto.


"Have you already eaten breakfast?" Tanong nya at lumapit din sa ref. Umiling lang ako bilang sagot na hindi pa, umiinom kasi ako kaya hindi ako makapag salita.


"I'll cook. What do you want to eat?" Tanong nya ulet habang nagi'inspection ng laman ng ref na pwede nyang lutuin... i think.


"You know how to cook?" nanlalaking matang tanong ko. Kasi naman wala sa itsura nyang marunong sya magluto. Isa pa anak mayaman sya kaya sure ako lumaki yang laging may katulong at taga luto.


"What's with the reaction? How old do you think i am? More importantly i been living on my own since i was a college student...so i learned stuff like cooking and doing house hold chores. Those are requirements of being independent." he explained rising an eyebrow at me.


"It's just... never mind. Can you cook fried rice for me? Gusto ko yung maraming bawang." Okay pahiya konti... masyado ko ata syang minaliit. Sorry naman diba? Malay ko ba. It's kinda rare for guys specially bachelor like him to know how to cook.


Ngayong pinapanuod ko syang magluto habang suot ang pink na apron ko. Ang sexy nya tignan! Joke!


Seryoso napaisip ako. I think I'm starting to know the real Enzo Levesque.kasi before sa news at magazine ko lang nababasa ang tungkol sa kanya. Then hindi naging maganda ang impression ko sa kanya sa personal. When he talk to me about the baby and me about moving in with him. Naisip ko na, ang Impulsive nya... Bossy! Irritating! Demanding! Inconsiderate and thoughtless. Puro negative diba? Pero ano magagawa ko ganun ang tingin ko sa kanya!


Pero ngayon, sa halos ilang linggo ko syang nakasama dito sa bahay. Sa ilang linggo pag'aalaga nya sa amin ni baby nagbago ang pananaw ko sa kanya. I take him now as a Kind, Caring, Thoughtful, Polite, Generous and Charming man! I'm sure that he will make a wonderful father. I also think that he's trustworthy.


Moments later... kumakain na kami. After nya gumawa ng fried rice, nagluto rin sya ng bacon and egg tipical break fast, small difference is gumawa din sya ng vegetables salad. He said and i qoute 'You have to eat healthy food for the baby'. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain. Gutom na kasi talaga ako, isa pa nakakainis kung makapagsalita akala mo hindi ko alam yun. Like hello! Nurse nga ako diba alam ko naman na dapat puro healthy foods ang kinakain ko. Hindi lang talaga maiiwasan minsan lalo na pag nagca-crave ako. Alangan namang pigilan ko ang cravings ko diba? That's absurd!


"What are your plans for today? Do you want to go out?" Tanong nya habang naghuhugas ng pinagkainan namin. Tapos na kasi kami kumain at nag prisinta syang maghugas habang ako naka'upo pa rin dito. I'm actually watching him while doing the dishes. At ang hahalay na naman ng mga naiisip ko! Sino ba naman kasing hindi kung naka suot lang sya ng fitted na sandong puto. Kitang kita ko ang paggalaw ng mga muscles nya lalo na ang bicep nya! Huhu nagiging perverted ang thoughts ko pag sya ang kasama ko eh!


"Ahm... I don't have plans for today." sagot ko na hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa likod nya. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa pwet nya! Bakit parang ang sexy nun tignan! Napailing ako sa nga naiisip ko. Naku po nagkakasala na naman ako!


Unlikely Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon