Mistake.11 - Nutella

175K 3.1K 161
                                    

》CHEYNE《


Pihit sa kaliwa... baling sa kanan... tihaya. Ikot sa paanan... balik. Ganyan lang ang kanina ko pa ginagawa dito sa king size bed simula ng mahiga ako. Isang California king bed ang eksaktong hinihigaan ko ngayon. Paikot-ikot ako dahil hindi ako makatulog!


Tama ang hula nyo! Nakalipat na ako dito sa bahay ni Enzo. Sa totoo lang ito na ang ikalawang gabi ko rito at syempre ganito rin ang nangyari nung unang gabi ko. Para akong batang namamahay. Nakakainis nga eh! Napupuyat tuloy ako.


Ang totoo nyan hindi ko inaasahan na bahay talaga yung lilipatan ko, as in house and lot. I mean akala ko kasi sa condo nya lang kami titira. Alam nyo na yung condo kung saan kami gumawa ng kababalaghan, pero hindi naman pala kasi sa isang three storey house nya ako dinala. Sinasabi ko na sainyo medyo malaki --ay hindi malaki talaga ang bahay na ito. Nakakapagtaka ngang meron syang ganito samantalang binata pa naman sya.


Merong limang kwarto ang bahay na ito, hindi pa kasama yung maids quarter ah! Sa third floor nitong bahay matatagpuan ang pool. Tama! As in swimming pool sa third floor! Hindi mo masasabing indoor pool sya kasi walang bubong ang part kung nasaan ang pool. May jacuzzi rin! Tapos meron din dung mini bar at gym, may mini stage rin dun sa bar nya! May drumset at kung ano-ano pa.  May maliit na kitchen din pala sa taas. Ang cool diba?


Sa second floor naman may mini Lounge at puro kwarto lang talaga ang meron. Pero hindi lang basta kwarto ah! Dahil may walk in closet pa! Hindi lang yun! Itong kwarto ko nga may connecting door sa kabilang kwarto, tapos yung closet at CR ay ganun din.  Yung buong apartments ko kasing laki lang ata nitong master bedroom nya!


Haha tama na naman kayo! Sa akin napunta ang Masters bedroom, well inangkin ko talaga to. Sabi ko naman eh, 'His house, but my rules.' Sinabi ko rin na hindi magiging tahimik ang buhay nya dahil nandito ako. Oo na... ako na makapal ang mukha. But is it my fault na pinilit nya kong tumira dito sa bahay nya? At nag'agree sya sa conditions ko?


Sa first floor naman syempre nandoon ang ang dining room, living room, kitchen na pagkaganda ganda! Meron ding entertainment room! Ay basta amaze na amaze ako sa bahay na to. Yung kotse nya sa garage tatlo! Grabe, sya na talaga mayaman!


Naalala ko tuloy nung araw na sinundo nya ako at unang beses ko nakita ang bahay na to.


Matapos ang mahigit kalahating oras na byahe mula sa bahay ko ay hindi ko na namalayang nakarating na kami. Hindi ko rin kasi namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Nagising lang ako ng eksaktong makaparada si Enzo sa tapat ng bahay nya ang sasakyan. Bumaba sya ng kotse at ganun din ang ginawa ko.


'Nga-nga' yan ako ng mangmakita ko ang ganda ng harap ng bahay nya. Kulay gatas at may bahid ng kulay brown ang kulay nito. Hindi ko napigilan ang sarili kong ilibot ang paningin ko sa paligid ng bahay. At ganun nalang ang pagkamangha ko. Medyo may kalawakan kasi ang harap ng bahay. May dalawang gate isang malaki at maliit. Kung sa maliiy na gate ka dadaan may pathway doon patungo sa bahay mismo. Kung sa malaki naman in-assume ko na parking space  rdahil dito si Enzo pumarada. Sa kabilang bandang naman makikita ang maliit na gazebo na napagi'gitnaan ng garden at maliit na pond. May ilang puno rin sa paligid. Ah basta maganda ang hirap mag paliwanag aba!


Pagpasok ko naman sa loob ay mas lumaki  pa ang mga mata ko, kung may ilalaki pa, bukod sa pagkaka 'nga-nga' ko. Sobrang ganda kasi talaga ng interior ng bahay at hindi ko ma-imagine na titira ako sa ganitong klaseng bahay.


Anyway... bago ko pinili itong kwarto ko ngayon sinabi ko na sa kanya ang mga rules ko. Isinulat ko pa yun at pinapirmahan sa kanya, bago ko sya  binigyan ng kopya para hindi nya malimutan. Syempre iba na ang sigurado. Simple at konti lang naman yun kaya siguro wala syang naging reklamo.


Unlikely Mistake ✔Where stories live. Discover now