Mistake.40

139K 1.9K 39
                                    

Love of my Life

CHEYNE


"Saan mo nga pala ako balak dalhin?" I asked out of curiosity. Kakalabas lang namin ng village at wala talaga akong idea kung saan nya ako balak "i-date" daw kuno.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya habang nag-aantay ng sagot. Nakatukod ang siko nya sa salamin ng bintana ng sasakyan habang kagat-kagat ang hinlalaki nya.

"You'll know when we get there." He answered with a small smile, still focused on the road. Hindi ko tuloy maiwasang ikutan sya ng mata.

I don't know why guys love doing this kind of thing. Yung magtatanong ang babae kung saan sya dadalhin then the guy would say 'That's for me to know and for you to find out.' - kind of thing. Is it so hard to answer such simple question?

Hay naku! Kaya naman, instead of asking him again nanahinik nalang ako. Ayaw ko nalang basagin ang trip nya. I already promise myself na pagbibigyan ko sya sa lahat ng gusto nya ngayong gabi para naman makabawi ako kahit papaano.

Honestly, I'm still reluctant about this date dahil hindi ako sanay iwan ang anak namin. Since i gave birth to Renzo hindi pa sya nahihiwalay sa akin ng matagal kaya hindi ko mapigilang mag-alala. Lalong-lalo na at sa'akin sya dumedede. But at the same time gusto kong pagbigyan si Enzo ngayon. Minsan lang kasi sya humiling sa'akin ng ganito.

Sa klase kasi ng relasyon na meron kami ngayon puro lang ako tanggap mula sa'kanya, wala akong matandaang may ibinigay ako sa'kanya. Its kinda unfair kung iisipin. Kaya naman hangga't maari ay gusto kong makabawi o kahit pagbigyan man lang ang kagustuhan nyang lumabas kami ngayong gabi.

Aminado naman akong masyado akong focus sa pag-aalaga sa anak namin. At hindi ko sya gaanong nabibigyan ng atensyon. Pero palagi nya parin akong iniintindi and I'm thankful for that. Kasi kung katulad sya ng ibang lalaki baka kung ano-anong reklamo na ang narinig ko mula sa kanya. Or worst maisipan nyang mag hanap ng iba! Specially that we haven't done 'It' since then. Alam ko naman ang pangangailangan nya at alam ko ring hindi ko naibibigay sakanya yun.

Yes, we sometimes kissed or make out a little but nothing goes beyond that. And It's been like what? 7 or 8 months? Since that valentines night. And because of that lalo ko syang minamahal. Lalo nyang pinapatunayan sa akin na totoong mahal nya nga talaga ako.

I'm sorry to say this but sometimes i still feel a little bit insecure and doubtful about his love for me. Because he's just so good to be true! But then he would always find a way to make me erase that kind of feelings. That kind of thinking.

A long sigh escaped my lips. Kasabay ng paghinto ng makina ng sasakyan.

"We're here baby," He said. Bumaba sya ng kotse saka umikot para pagbuksan ako ng pinto. I didn't even notice na nakarating na kami dahil sa lalim ng iniisip ko.

Pagkababa ng sasakyan agad kong napansin kung nasaan kami. Ilang beses pa lang akong nakarating dito but I am sure kung nasaang lugar kami. Hinarap ko sya, saka nagtanong.

"Anong ginagawa natin dito sa tapat ng office building nyo?" Naguguluhang tanong ko. Yes, you read that right, nasa harap kami ng office builind nila. Sa LK Groups. No wonder parang ang bilis ng byahe namin!

"I thought you said you're taking me out on a date? Then how come dito mo ako dinala? Did you just forget something here? Or dadaan ka lang saglit dahil may kukunin ka? If that's the case then, maghihintay nalang ako dito sa labas mabilis ka lang naman ata." Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Then i notice na nagpipigil sya ng tawa kaya naman napakunot ang noo ko.

Unlikely Mistake ✔Where stories live. Discover now