Epilogue

4.1K 133 28
                                    

MICAH

Lagi kong pinagmamasdan ang kwarto naming dalawa, misan ang buong sala, ang kitchen, maging ang garahe, lahat ng parte ng bahay. This is our own house as a married couple. It's still surreal. Hindi pa rin ako nakapag-adjust na nakikita ko siya lagi. Especially in the morning, pag gising ko, kundi mukha niya agad ang nakikita ko, madalas nagigising ako nakahilig sa dibdib niya, o kaya naman ay nakayakap siya sa akin.

Aside from that, share kami ng closet, ng bathroom, lahat. Though we used to live together, well,  I lived with him, but we still have our own rooms and have separate stuff.  But now, it's different.

Kapag naghiwalay pala kayo then nagkabalikan kayo, everything is overwhelming. Parang first time ulit.  Or maybe ako lang ang ganito, siguro dahil sa rush ng mga hormones ko kasi buntis ako. All my emotions are intensified. Sometimes, I just couldn't tell if this is a good or a bad thing.

Ngayong kasal na kami, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari. Kahit alam ko na paulit-ulit ko mang balikan ang nakaraan, hindi na ito mababago. Kung nasaktan man ako noon, nakabangon na'ko at heto ako ngayon. I realized, may mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan nating mamili. Kahit mahirap, kailangan. That's what Hans did. And that changed our lives in a 360-degree spin.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko noon, kung may pag-asa pa kayang mabuo ang bukas para sa aming dalawa? Because what we had was so much memories of pains and tears. Hanggang sa kusang sumuko na ang katawan ko sa luha at sakit. May mga pagkakataong, tuyo na ang mga luha mo pero ang sakit, hindi pa rin nawawala. And all you can do is cry harder, hoping it'd stop. Pero hindi parin. Hanggang sa mapagod ka at wala nang iluluha pa.

Isa pang natutunan ko, no matter how bad your day is, there will always be tomorrow. And it's only you to change it. Whether it has to be the same bad day as you had, or a happy one. Kundi man pwedeng kalimutan ang mga nangyari, pwedeng isantabi mo muna ang mga ito. At the end of the day, darating sa point na wala kang choice kundi mag-move on.

May mga taong darating sa buhay natin. And it's up to us if we're going to welcome them and share a piece of our lives. Or turn our backs and close our doors and go back to the same misery brought by yesterday.

It's okay to be angry or to blame anyone. Tao lang tayo. But you can never live blaming and getting angry at someone for the rest of your life. Anger can destroy you. And also the relationship you have with people around you. Ang mga pagkakataong ma-rerealize mo na hindi mo na maibabalik pa ang mga panahong sinayang mo, dahil lang sa galit mo sa isang tao.

"Mommy! Let's play!" Sigaw ni Johann sa baba. Tanaw ko sila ni Chloe sa garden mula sa terrace ng kwarto namin ni Hans.

Hindi pa lubos na maunawaan ni Johann na magkapatid sila ni Chloe. Pero masaya siya kasi magkasama sila palagi. Gusto niya si Chloe dahil pretty daw ito. Napangiti ako. Malakas ang lukso ng dugo sa pagitan nilang dalawa.

"Tita, madaya si Johann, gusto niya siya lagi ang nag-shoshoot ng ball," reklamo ni Chloe.

"Johann, let ate Chloe shoot, c'mon."

Nakasimangot pero inabot naman nito ang bola kay Chloe.

She called me tita, kasi sa umpisa pa lang 'yun na ang tawag niya sa akin. That's fine. Gusto kong maramdaman niya na isa lang ang Mommy niya at magkaiba kami. I will love her as my own and make sure she will feel that. Hindi man ako ang real mom niya, at least maramdaman niya na may mother figure sa bahay na'to na magmamahal sa kanya.

Alam kong hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang role ko sa buhay ng Daddy niya sa ngayon pero sisikapin kong maging masaya ang tahanang ito, para hindi niya maramdaman na may kulang sa buhay niya.

Nagulat nang maramdaman ang mga bisig niya mula sa likuran ko. Napangiti akong hinaplos ito.

"Ano pong iniisip niyo, misis?" Pabirong sabi nito.

Napangisi ako sa narinig. Yesterday he called me Mrs. Saavedra. Napakasarap pakinggan. Ang pangarap na inaasam asam ko noon, heto na ngayon. At wala na akong mahihiling pa.

"Iniisip ko kung ano'ng kakainin ko," sagot ko.

At tuluyan akong humarap sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mata. His hair has grown, at 'yon ay ayaw kong magpagupit siya. I like it that way. Nagiging mysterious ang mukha niya kapag nakatago ang ilang features nito, like his eyes and brows.

"Kakakain mo pa lang 30 minutes ago," natatawang sabi nito.

'Yun na nga, OA ang katakawan ko ngayon. Siguro iba-iba ang cravings ng bawat buntis. Pero maya't maya akong kumakain. 

"Ako, hindi mo tatanungin kung ano ang gusto kong kainin?" 

The way his eyes smile, I know where exactly this conversation is heading to. And I'm amazed na hindi lang ako sa food nagke-crave. Even sex. Sabi nila normal lang daw 'yun. Siguro naninibago ako kasi I never experienced this nu'ng pinagbubuntis ko si Johann.

At dahil in the mood ako, I responded in the same manner. "Saan mo muna gustong kumain?"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, he lifted me at dinala sa kama. At napatili ako.

"Wag ka ngang maingay, baka kung ano'ng isipin ni Anne, ang aga-aga," kunwari saway nito sa akin.

And he started kissing my neck. When he kissed my lips, bahagya ko siyang naitulak. 

"Bakit naman?" Tila maiiyak na tanong nito.

"Parang nawala ako sa mood, later na lang kaya," palusot ko.

Tinitigan niya ako ng ilang seconds, to check kung seryoso ba ako. And he held my two hands above my head, pinning them down. 

"Mrs. Saavedra, I want you to remember this, you may rule over this house and my life, but in this bedroom, ako ang masusunod."

At natatawa ako na napapatili nang pabiro niyang hatakin ang blouse ko. Well, willing naman akong sumunod since marunong naman siyang makiusap. 

And all I do is just close my eyes and let him rule his bedroom.

What happened betweeen me and Hans changed my life. It changed me. Nu'ng nakilala ko pa lang siya at magkasama pa kami, alam kong magbabago ang buhay ko dahil sa kanya. At doon, natututo akong magmahal, magpaubaya, umasa, matakot, magalit at masaktan.

I was hurt and I can heal. I can love again. But I can't replace him. The book about me and Hans are no more chapters left to it. It was written and done. But we can always add chapters to it. Or another book. Of another story about us. Sabi nga nila, the heart wants what it wants, and I will always give my heart back to him no matter what.

We'll move on to better things. I learned from my bad experience and used that to rebuild what's left. 

We all are broken people and at some point in our lives, we need compassion and love from others. And it's hard to accept that you don't get it from people you cared for.

My life was miserable thinking he didn't love me. And he's here wanted to change that.

I'm happy he's here trying to embrace the future.

Kung hindi ko siya pipiliin, magiging masaya ba ako? Is that what I want? Ang mabuhay ng hindi siya kasama?

Maibabalik ba sa dati ang lahat kapag nawala siya sa buhay ko? Maalis ba ang sakit na naramdamdaman ko noon?

Hindi.

Everything was so wrong from the beginning. I forgot how I lost him in such a terrible manner. Pero ang tanging alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya. Masaya ako dahil mahal niya ako. Kapag masaya ka, kaya mong kalimutan ang mga panahong nasaktan at nalungkot ka.

Even our past left us on bad terms, I can't seem to not love him. I just don't want to survive. I want to live my life with the person I love.

"I love you with all my life..." Bulong nito.

"I love you too, Mr. Saavedra.

The End

***

Thank you so much for reading! ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon