Chapter 30: "Je Fais"

5.5K 154 27
                                    

MICAH

Ilang minuto na akong nakatingin sa salamin. Kanina pa ako tapos ayusan ng make-up artist. Actually, wala naman siyang masyadong ginawa sa mukha ko. Konting foundation lang at blush on. Masyadong sensitive ang pang-amoy ko, kaya kahit na odorless ang mga cosmetics na ginagamit niya, kapag dumadaan sa ilong ko ang brush, parang may amoy ito. Naduduwal ako. Dahil din dito, thin coat lang ng lip cream ang ginamit sa akin. Just the right amount for me not to look pale.

Sa buhok ko lang siya medyo nagtagal. It was pulled up and braided at the center. I demanded it to be seamlessly done. Mabuti na lang at nagawa niya ang gusto. Kung hindi, maiinis na naman ako. At ayokong mangyari 'yon.

This is my big day. 

"Five minutes," paalala ng make-up artist.

Marahan akong tumango at inayos ang gown na suot. I'm on my first trimester of my pregnancy, kaya hindi pa halata ang umbok ng tiyan ko. Kaya hindi ako mahirapan sa mermaid style na wedding dress.

When I was pregnant with Johann, seven months na ang tiyan ko, hindi pa ito halos halata, lalo na kapag naka-loose shirt or dress ako. Noong eight months na ang tiyan ko, doon biglang lumobo ang tiyan ito, hanggang sa kabuwanan ko.

"Ready?" Sumungaw si Haley sa pinto.

"Yes," sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti. 

She's the matron of honor. Her baby pink tube gown perfectly fits her. Parang hindi pa siya nanganganak. 

Muli kong hinaplos ang harapan ng gown ko. Inayos ko rin ang fit ng veil sa mukha ko. Sa tingin ko dito ako medyo mahihirapan kasi mahaba ito. Simple lang ang gown ko, but I made sure that the veil is strikingly elegant. Ito ang magdadala. I designed this in my head long time ago. At lihim akong napangiti. Ang ganda ko talaga. 

"Pwede ka pang mag-back out," biro nito habang inaayos ang veil ko. 

Natawa ako. Hindi kaila sa kanya ang pinagdaanan namin ni Hans. At alam kong sa tingin niya, majority of what happened was his brother's fault. She's always on my side. And never niyang kinampihan ang kuya niya. 

When Hans proposed to me, hindi ito nag-sink in agad sa akin. Hindi ako makapaniwala. Ayokong intindihin ito. I thought he just did that kasi buntis. At nahulaan niya ito.

"Hindi kita niyayang magpakasal, kasi buntis ka. This is what I've been hoping for both of us. I don't want to lose you again, Mic."

One thing I realized, habang tumatanda ka, nababawasan ang pagiging romantic mo. Because you are more focused on the reality na nasa harap mo. I was then hoping for our epic reunion, kung mangyayari man. With all the mushy words I wanted to hear from him, promises and sweet nothings, ngayon, hindi na gano'n.

"Natatakot akong mangyari ulit ang nangyari noon. You were pregnant when you left and it gave me the same fear again. You may not see it, Mic, but this is chance for us to start again. Gusto kong mabuo ang pamilya natin. I want to be by your side when you give birth. Bigyan mo naman ako ng chance na makita ko ang anak natin paglabas niya. At hayaan mo sana akong samahan kang magpalaki ng mga anak natin."

Ano pa ba ang kailangan kong marinig? Ano pa ang kailangan niyang gawin? Lumuhod habang humingi ng tawad sa akin? Pahirapan ko siya, parusahan?

Kailangan pa ba ng mga mabulaklak na salita? Matatamis na pangako? This is the new chapter of my life, his life. Our life. He loves me, at mahal ko pa rin siya. 

Hans Saavedra is Hans Saavedra. He's not good with words especially on expressing how and what he feels. At alam na alam ko ito. Minsan, kailangan pa niyang makasakit ng damdamin para maiparamdam niya sa'yo that he cares. Or sometimes, he won't show any emotions or won't say anything at all.

"Please, Mic..."

So I said, "yes". Gano'n ako kabilis nagdesisyon. Mabilis ako kausap. May anak na kami't lahat at heto ako, buntis na naman. Ano pa ba ang kailangan kong pag-isipan? Kailangan ko pa bang magmaktol, magpakipot?

Kung sa tingin man ng iba kulang ang mga sinabi niya at ipinakita niya para mapapayag ako na pakasalan siya, or para mapaniwala na mahal niya ako, well, this is all it. 

Sabi nila, you can't just fall in love without getting hurt. So I still chose him. And choosing him doesn't mean I won't get hurt again. Kasama talaga 'yan. Kapag hindi ko siya pinili at nagmahal ulit ako ng iba, masasaktan pa rin naman ako. Kaya bakit pa ako magmamahal ng iba para lang masaktan ulit? 

We all have a forgiving heart, because our hearts need to let go. Like people learn and will continue learning. For all heartaches and mistakes, we all have our parts to play. And sometimes, there are happy times that remind him so much of the past. But because of the difficult and hurtful times, I refused to see how happy I'd been despite of everything. He made me happy. And I know that he always will. 

"Let's go," sabi ni Haley habang hawak ang doorknob ng pinto. The door leads directly to the aisle of the church.

Huminga ako nang malalim at tumango. Haley opened the door and I heard a soft melody filled the air. Nakangiti akong sinalubong ni Daddy. At nagsimula akong maglakad.

The music continues to play at alam kong nag-aabang ang mga tao sa paglabas ko. Gusto ko silang i-acknowledge isa-isa, pero nakapako ang tingin ko sa isang tao sa harap ng altar. Habang papalapit ako, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hans is waiting in front of the altar along side with Russell. He's wearing a black suit at napangiti ako nang makita ang bow tie niya. It's baby pink at alam kong ayaw niya ang kulay nito, pero wala siyang magagawa.

He's dashing, still the same man I fell in love with. Walang nagbago sa nararamdaman ko. Pati pagtibok ng puso ko. It beats only for him. Ang mood ko lang ang madalas magbago. Kasi buntis ako. Minsan ayokong nakikita siyang ngumingiti. Naiinis ako. Ayoko 'yong amoy niya. Nasusuka ako. Mabuti na lang at maayos ngayon ang pakiramdam ko. 

Nang malapit na kami ni Daddy sa altar, instead of waiting for Daddy na iaabot ang kamay ko sa kanya, bumaba siya ng ilang steps para salubungin kami.

Kinamayan siya ni Daddy at tinapik sa braso. Nakangiti nitong inabot ang kamay ko at pasimpleng bumulong ito.

" You are irresistibly breathtaking, Mrs. Saavedra. Thank you for making me the happiest man."

My heart is swelling in ecstacy. I wanted to say the same thing. Marahan kong pinisil ang braso niya and sumandal sa dibdib niya. 

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonya. At wala akong naintindihan kahit na isa. Paulyap-sulyap ako sa lalaking katabi ko na nakangisi habang nahuhuli akong nakatingin sa kanya. Pasalamat siya gwapo siya, at kung hindi talaga namang mabubwisit ka sa mukha niya. 

This man beside me, whom I had a hurtful past, offered a future to change our hurtful past. Do I want to spend the rest of my life with this man?

"I do."

***

Epilogue's next. 

Thank you for reading. ^_^ 

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon