Chapter 7: Slumber

100K 798 126
                                    

Micah's Pov

~~~~~~~~

" Uy foodtrip naman tayo? Yung mga kakaibang food!" Si Pau. Short for Pauline. Isa sa mga close friends ko since first year. Oh diba, kala niyo si Russell lang ang friend ko. Marami rin naman akong friends dito sa school. Bukod sa kaisa isang best friend kong girl nung high school na nasa Palau na ngayon. Si Shane. Missionary ang mga parents nito sa sumunod siya at dun na siya nagpatuloy ng pag aaral.

Nawalan lang ako ng time sa kanila nung naglayas ako at kumuha ng part time job. Nakakamiss din sila. Hindi sila mahilig uminom. Mahilig silang kumain. Pati ako, matakaw kaya ako. Hindi pala, sabi ni Russell patay gtuom daw ako. O di ba ang sosyal ng tawag niya saken.

"Gusto ko ng Indian food. Hindi pa ako nakakatikin nun eh." suggest naman ni Jayvi.

" Yuck! Ayoko nga ng mga food dun. Amoy putok!" sabat ko.

Nagtawanan sila. Pero totoo naman. No offense ha. Opinion ko lang ito. Yung iba naman gusto ito. Pero ayoko talaga ng amoy ng Indian resto. Para kasing lahat ng food nila nilalagyan nila ng curry powder. Kaya pagpasok mo sa lood ng resto nila whoaaah! Ayoko nang magsalita hahaha!

"Sama kami." sabi ni Karen na kararating lang kasama nito ang boyfriend niyang si Roy. Mukhang  narinig nito ang pinag uusapan namin. Nakasunod naman si Blaise at Don.

" Ganito na lang, tutal may activity naman tayo, ba't di na lang tayo mag sleepover kila Pau." sabi ni Jayvi.

" Oo nga no! Tapos magluto na lang tayo. Bili tayo ng konting beer." napakamanginginom talaga nito ni Karen.

"Oo nga, tutal minsan lang naman tayong uminom at least nasa bahay tayo, wala tayo sa bar kaya okay lang." sabi ni Jayvi. Hindi kasi sanay uminom to.

"Sama rin kami." sabi ni Blaise.

" Hindi pwede sa bahay. Andun papa ko." sabi ni Pau. Architect kasi ang papa nito. Provincial based ang mga project kaya madalas out of town ito. Nagkataon siguro na tapos na ang project nito kaya umuwi ang papa niya.

"Eh san tayo. Para double purpose sana ang sleepover na natin. Ma eenjoy pa natin ang pag gawa ng project kasi hindi tayo nagmamadali." nanghihinayang na sabi ni Jayvi.

Hmn....ano kaya kung....

"Sa bahay na lang tayo." bigla kong sabi.

Napatingin sila lahat saken.

"Talaga?!" kulang na lang tumalon si Jayvi sa tuwa.

"Oo nga. Wala naman akong kasama ngayon dun. Hindi na umuuwi yung may ari ng condo." sabi ko.

Parang may bahagyang kirot akong naramdaman nung sinabi ko yun.

"Yeheey!" sabi ni Jayvi. " Excited na ako. Bigay mo samin address susunod na lang kami after class."

Sa sobrang tuwa nila hindi man lang nila inalam kung sino ang kasama ko sa condo. Kung ano pala, babae ba o lalaki. Siguro inaassume nila na babae.

So after nang class dumerecho agad ako sa condo para magprepare at magligpit ng konti. Maayos naman ito lung tutuusin. Gusto ko lang icheck kong may mga importanteng gamit si Hans sa labas. Naalala ko na naman siya. Nalulungkot ako pa naiisip ko si Hans. Simula nung nagkita kami sa bar hindi ko na ulit ito nakita. Almost one month na. Yun din ang huli naming pag uusap.

Pumasok si Hans sa bar kasama ang babaeng yun. Mukhang familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na ito sa TV at magasin. Mukhang isang celebrity ito. O baka kamukha lang ng isang celebrity. Kasi bakit siya pupunta dito sa ganitong lugar. Baka pagkaguluhan siya pag nakilala siya. At isa pa bakit dito siya dinala ni Hans. Alam ko sikat tong bar na'to pero hindi bagay para sa isang celebrity.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon