Chapter 4: The girl in the picture

109K 911 88
                                    

MiCaH's PoV

~~~~~~~~~~

Natigilan ako nung makita ko ang isang malaking travelling bag na nasa sala. Kauuwi ko lang galing supermarket.

Saan pupunta to si Hans? Aalis na kaya siya? Hindi pa naman nakalipat sila Russell ah.

Nakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko kung bakit. Hmp! Buti nga yun wala ng mang aasar saken. Maya maya lumabas ito ng kwarto. May bitbit pang isang bag. Tiningnan lang niya ako tapos bumalik ulit siya sa kwarto niya. Sumunod ako sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto niya, napansin ko ang mga nakakalat na damit sa sahig.

"San ka pupunta?" tanong ko.

Busy siya sa pagtutupi ng mga damit.

" Sa bahay." maikling sagot nito na hindi man lang tumingin sa aken.

Pumasok ako at umupo sa gilid ng kama niya.

"Lilipat ka na ba?" tanong ko.

Napahinto siya sa ginagawa niya.

"Hindi pa. Bakit hindi ka na ba makapag antay?" sarkastikong tanong nito.

" Hindi naman." galit na naman siya. "Nagtatanong lang ang sungit." pabulong kong sabi.

"Bubulong bulong ka diyan." sabi nito habang patuloy siya sa pagtutupi ng mga damit niya.

Narinig niya pala na bumubulong ako, buti na lang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"Ba't dadalhin mo na lahat ang mga damit mo dun di ka naman pala lilipat?" tanong ko ulit.

Pangatlong bag na siguro ito ng mga damit.

"Hindi naman lahat. Mga maruruming damit lang yan papalabhan ko sa bahay." sabi nito.

 "Lahat yan? Ang dami naman. Ilang buwan ka bang hindi nagpalaba?"

Tumingin siya saken ng masama.

"Sobra ka naman? Anong palagay mo saken bihira magpalit ng damit." padabog niyang nilagay yung mga damit sa bag. "Dalawang linggo lang akong hindi nakapagpalaba."

Dalawang linggo? Ano siya fashion model? Eh pangatlong bag na yan eh. Daig pa niya ako kung magpalit ng damit. Pero syempre hindi na ulit ako nagsalita.

Tumingin ako sa paligid. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya. Maayos ito. Maraming gamit. Parang dito na talaga siya nakatira to think na may bahay talaga siya. Napansin ko ang walk in closet kasi bahagyang nakabukas ito.

Mahilig si Hans sa mga damit. Para sa isang lalaki bihira ang magkaroon ng isang walk in closet. Mga sikat na artista lang at model ang alam kong may ganito.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" tanong nito. Napansin niya siguro na umikot ang mata ko sa buong kwarto niya. " Naghahanap ka na naman ng malalait mo." sabi nito.

Napatingin ako sa kanya. Naghahanap ng malalait? Ako? Sa tingin niya mapanlait ako? Eh siya nga tong kung laitin ako ganun ganun na lang.

"Sobra ka namang magsalita! Igaya mo ako sa iyo!" singhal ko naman sa kanya.

Tiningnan lang niya ako ng masama. "Hay makalayas na nga rito. " Tumayo ako para lumabas. May napansin ako na mga picture frames sa gilid ng kama niya. Lumapit ako para tingnan ang mga ito.

Isang picture frame na malaki. Kuha niya ito malamang nung high school siya. Naka suot siya ng jersey. No. 8. Medyo payat pa siya sa picture niya.

Tumingin ako sa kanya saglit. Busy pa rin siya sa pagtutupi ng mga damit. Parang mas cute siya noon. Ngayon kasi hindi na siya cute...hmnn..gwapo na siya. Huh? nasabi ko ba yun. Gwark! Nasusuka ata ako. Hehehe!

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon