Chapter 12: His Past

88.3K 856 118
                                    

See Callie's pic on the right side ----->

 ~~~~~~~~~

Micah's POV

~~~~~~~~~

Kanina pa ko nakatingin sa phone ko. May missed call na naman. Number lang. Ibig sabihin hindi ito nakasave sa phone ko. Pero alam na alam ko kung kanino ito. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang number ko kahit bago ito at prepaid lang. Wala siyang hindi pwedeng malaman kung gugustuhin niya. Kahit na nung naglayas ako. Alam ko na kahit matagalan pa ay mahahanap pa rin niya ako.

At natuwa ako sa nangyayari ngayon. Bago pa niya matuklasan na nagpapanggap lang kami ni Hans na may relasyon eh nagkakamabutihan na talaga kami. At pakiramdam ko higit pa dun ang kung anong meron kami ni Hans ngayon. At hindi lang parang magboyfriend lang gaya ng sabi niya dun sa babae na nakita namin sa restaurant. Pakiaramdam ko para na kaming tunay na mag asawa.

Pero pag naalala ko ito, parang kinikilabutan ako. Ayoko pa kasing magkaroon ng anak. First boyfriend ko si Hans. Ngayon pa lang ako nag eenjoy. Hindi pa ako ready. And speaking of that, I  have an  appointment tomorrow with my OB for my shots. Kinabahan kasi ako. Nadelayed ako ng one week at the beginning of the year. Sa sobrang takot ko sinabi ko agad ito kay Hans.

I was gonna suggest that we need to sleep separately but he said we'll consult an OB for contraception. But he made it clear na hindi niya gusto ito. He's just doing it for my peace of mind. At para daw hindi kami matulog sa hiwalay na room. At pinahabol pa talaga niya yun. Napapangiti ako tuwing naalala ko ito. Hindi na kasi siya sanay matulog ng hindi ako katabi. Nung magpaalam ako na may overnight outing kami hindi ito pumayag. Kaya pumayag na rin ako sa desisyon niya to take safety measures. Naiintindihan ko na hindi ito major concern para sa kanya. Kasi at his age ready na siyang magpamilya. Pero ako parang nagsisimula pa lang ako. Ngayon pa nga lang ako nagka boyfriend tapos magkaaanak ako agad.

Napatingin ulit ako sa phone ko. Ano kaya ang kailangan ni daddy. Bahala siya. Kung importante ito pwede naman niya akong puntahan kung gusto niya. Ayoko ng isipin pa ito at iba ang focus ng utak ko ngayon. It's Hans' parents anniversary at kinakabahan ako. I've met them nung kasal nina Haley at Russell. But this is the first time that I will see them again....but with Hans. Andun din sina Haley at Russell I'm sure. Si Haley alam na niya siguro ang status namin ni Hans. Pero si Russell, hindi ko alam. Parang nahihiya ako sa kanya. Alam nito na nakatira kami sa iisang bahay ni Hans. Ah basta bahala na.

 "Are you ready?" kalalabas lang ni Hans sa kwarto at inaayos nito ang sleeve ng polo na suot niya. Natigilan siya ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit. Ganun din ako nung makita siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya na nakasuot ng formal pero ganun pa rin ang reaksyon ko tuwing nakikita ko siya. Napapanganga ako. At para siyang may magnet na hinihigop ako palapit sa kanya.

Lumapit ako. Inayos ko ang kwelyo ng suot niya. " Kanina pa. Ang tagal mong magbihis para kang babae." asar ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina. " May kausap kasi ako kanina kaya ako natagalan. " sagot nito.

Na naman. Sino ba ang lagi niyang kausap at umaabot sila ng ilang minuto sa telepono. Minsan gusto ko na ngang icheck ang phone niya. Minsan dis oras ng gabi may nagtetext o kaya tumatawag. Hindi naman siya umaalis kaso, wala lang. Napapraning lang siguro ako. After nung incident sa restaurant hindi na ako natahimik.

Inayos ko ang pagkakatuck in ng damit niya. Pagtapos lumayo ako ng konti para pagmasdan siya. Napako ang tingin ko sa parte ng dibdib niya. Hindi naman masikip ang suot niyang polo pero parang bakat na bakat ang dibdib niya. Maalaga sa katawan si Hans. Pag marami siyang kinain, he burns it with treadmill and some push ups bago matulog. Parang si Russell, hindi rin ito mahilig mag gym. But they maintain their good physique.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon