Chapter 23: Choose your Battle

54.9K 922 152
                                    

Micah can't stand his fiercing look. Pero nakipagtitigan pa rin siya kay Hans. Mas gugustuhin niyang salubungin ang mga galit na mata ni Hans kesa ituon ang mga ito sa mga dokumento na nasa harap niya. Ang mga ito ay nagpapatunay na siya ang tunay na ama ni Johann. And there is no way out. And she doesn't know what to do.

Her heart was telling her to do the right thing before. Na karapatan ni Johann na malaman ang totoo. Kung gagamitin niya ang Angeles bilang apelyido ni Johann, magtataka ang lahat. Kasal sila ni Jin.  And since Jin wanted to take the full responsibility of being Johann's father, kaya siya ang nakalagay na biological father sa birth certificate ni Johann. Na pansamantala, hindi malalaman ni Johann ang tungkol sa totoo niyang ama.

Sabi ni Jin, malaman man ni Johann ang totoo in the future, at least siguro naman nasa tamang edad na siya at  hindi niya susumbatan ang ina na balak nitong itago ang tunay niyang ama.

Pero hindi rin ineexpect ni Micah na malalaman niya ang tungkol kay Hans nang ganito kaaga. Hindi pa ngayon. Masyado pang bata si Johann para unawain ang mga ganitong bagay. Ayaw niyang maconfused ang anak.

Pero ngayon nasa harap niya si Hans, dala ang mga ebidensya na nagpapatunay na tinago ni Micah sa kanya ang anak niya. Huminga ng malalim si Micah. Hindi siya magpapasindak kay Hans.

" Ganun ba talaga katindi ang galit mo sa akin para parusahan ako ng ganito?" kuyom ang palad ni Hans habang nakatingin kay Micah.

Nagbaba ng tingin si Micah. Tumayo siya naglakad papunta sa gilid ng table niya. Tila napapasong iniwasan niya ng tingin ang mga dokumento na nasa mesa niya.

" Hindi ..ko alam ang.. sinasabi mo," pautal na sagot ni Micah.

Nagtitimpi rin siya ng galit. Ganun daw ba katindi ang galit niya? Galit? This word is not enough to describe how she felt nung iniwan siya ni Hans. Pakiramdam niya, inwan siya nito at kinuha ang lahat sa kanya. She had nothing left for herself to begin with. Akala niya makakaya niyang makabawi ng ilang araw lang mula nang umalis siya sa condo ni Hans. Mula noong araw na huli silang nag usap.  But it took her weeks, then months to recover. 'Till she met Jin.

" Hindi mo alam? Damn you..." galit na lumapit si Hans sa kanya. " How could you act like you really don't know what I'm talking about?"

Napaatras si Micah. Sinalubong niya ang mga mata ni Hans. She was intimidated at first nung halos isampal sa kanya ni Hans ang mga papeles na dala nito. But now that he's talking about anger? Ganun daw ba katindi ang galit ko sa kanya? Yes, she was fuming mad before. Pero mas nasaktan siya kesa nagalit kay Hans. Kasi iniwan siya at pinili si Callie. Labis siyang nasakatan dahil mahal na mahal niya si Hans. 

Hindi siguro maiisip ni Hans yun. Oo nga naman. Dahil hindi niya alam na minahal siya ni Micah. Hindi ba niya ineexpect na mamahalin siya ni Micah sa loob ng maikling panahong nagsama sila? Yun ba ang paniniwala niya kasi siya man ay hindi niya nagawang mahalin si Micah?

Without Hans in her life, she made eveyone believe that she's moved on. Na masaya siya. But she's been pretending. Masaya siya, oo, kapiling ang anak niya at ang mapagmahal niyang asawa. Pero parang may kulang sa buhay niya. Ngayong nasa harap niya si Hans, she realized what was missing. At natakot siya sa sarili. Natakot siya sa nararamdaman niya para kay Hans. Tapos na sila. No, hindi na ito dapat. Kailangang mawala si Hans sa harap niya.

" Kung wala kang magandang sasabihin, please leave bago pa ako tumawag ng security."

Napaawang ang mga labi ni Hans. Hindi niya akalaing pagbabantaan siya ni Micah about sa security procedures. Anong gagawin niya pag hindi siya umalis? Ipapakaladkad siya sa mga guards palabas ng building? Nagsukatan sila ng tingin. Taas noong sinalubong ni Micah ang mga naghahamong mata ni Hans. At nang masiguro ni Hans na hindi nagbibiro si Micah, nagtagis ang bagang nito.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon