Chapter 19: One Last Cry

69.7K 1K 338
                                    

Micah's POV

~~~~~~~~~

Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag si Hans. Kahit email wala. It's almost two weeks. I was expecting that he would call me when he touched down to London. Alam naman niya na nag aalala ako. I waited the whole day.  But no call came.

Nag iisip ako ng magandang dahilan kung bakit hindi niya ako natawagan. Posibleng dumerecho na siya sa ospital pagdating niya. So I waited for his call the next day. Pero lumipas lang ang araw na yun na nag antay ako sa wala. Naisip ko rin na siguro hindi maganda ang lagay ni Callie. He was worried. Kaya siguro hindi niya ako natawagan.

Pero kahit anong isip ang gawin ko, ano ba naman yung dalawa hanggang limang minuto para tawagan niya ako. Na baka nag aalalala ako. Kung kumusta ba ako. Kung buhay pa ba ko. Masyado ba siyang abala at hindi man lang niya ako naisip kahit na isang saglit man lang. O masyado bang mahalaga ang oras niya at ayaw niyang sayangin ang kahit ilang minuto lang para tawagan ako at kumustahin man lang.

I was torn between missing him and felling bad about how I've been neglected. But the feeling of missing him hurts more. It hurts because I miss him, I think about him the whole time, and he didn't feel the same. I know how crucial the situation could be. Callie's life is at stake. Which I think is the most important to him than anything else. She is her daughter's mother. At naiintindihan ko rin na kaya siya nag aalala ng husto kasi kung ano man ang mangyari kay Callie malulungkot at masasaktan ang anak nila. 

Anong gagawin ko? Hanggang kelan ako mag aantay? Ako na ba ang tatawag sa kanya? Wala naman sigurong masama. Ilang araw na rin ang lumipas. Hindi naman siguro lalabas na parang demanding ako. Na obligasyon niyang tawagan ako.

I dialled his number. Hindi naman siguro siya maaabala na kausapin ako. Saglit lang naman ito.  Pumikit ako nung mag ring agad ang phone niya. After seven rings the call routed to his voicemail. But why? Is he too busy to even answer calls? I wasn't able to utter any single word after the beep. Which I was supposed to. Nagulat kasi ako. 

" Hi.....uh..It's me.... Mic."

Napangiwi ako. Umiral na naman ang katangahan ko. Of course he knows it's me.

"How's......" hindi ko masabing "how's Callie". Baka pumiyok ako. Mahahalata na labas sa ilong ang pangungumusta ko.

" How's everything goin'? "

Yun lang? Wala akong maisip. Anong sasabihin ko?

" If you have time....call me."

Ano pa ba? Baka hindi niya ako tawagan. Kailangang may sabihin ako sa kanyang importante para tatawagan niya agad ako.  Alam ko na.

" Please. I'm worried."

I ended the call. Pero sa totoo lang marami akong gustong sabihin. Pero hindi maganda kung iiwan ko lang ito sa voicemail.

Hindi ko maipaliwanag pero ang lakas ng kaba ko nitong mga nakaraang araw. Habang  tumatagal ang araw ng hindi pagtawag ni Hans lalong nadadagdagan ang aking pangamba. I just couldn't figure it out.

Gaya ngayon, parang may nararamdaman akong hindi magagandang mangyayari. Ayokong mag isip. Dapat akong mag isip kung ano ang sasabihin ko kay Hans pag tumawag ito. Yung lalabas na hindi ako nagdedemand ng oras at atensyon sa kanya. Yung hindi masasayang ang oras niya.

Pero ganun na ba ang sitwasyon ko ngayon? Isa na lang akong abala sa oras niya. At parang kailangan ko pa ng appointment para makausap siya? Muntik na akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko. At kahit hindi ko ito tingnan alam ko kung sino ang tumatawag.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon