Chapter 25: Apologize ( Part 1)

12.1K 378 68
                                    


HANS' POV

"Sir, nakahanda na po ang guest room kung sakaling gusto niyong magpahinga."

Tumango ako at ngumiti sa kasambahay ni Micah. I checked the time. It's almost 3am. Iniisip siguro nito na dito ako magpapalipas ng gabi. Ngayon lang ako inabot ng ganitong oras tuwing dumadalaw kay Johann.

"Salamat, Ann. Pero hindi ako dito matutulog. Hihintayin ko lang ang ate mo, aalis din ako."

I headed to the bar for my sixth glass of Chivas. Ayaw kong maglasing. Gusto kong nasa maayos akong pag-iisip pagdating ni Micah. It's been a month since Jin left, at laging ganito, hindi ko siya makausap nang matino. Every weekend na dumadalaw ako kay Johann, lagi itong umaalis ng bahay. Sa tingin ko, iniiwasan niya ako. I think it's about time na mag-usap kami.

"Sige po, kapag may kailangan po kayo tumawag lang po kayo sa intercom."

I nodded as I filled the glass for another shot. Matapos ubusin ang laman ng baso, pabagsak kong inilapag ito sa counter. Kung kanina, naiinip lang ako sa paghihintay, ngayon nagsimula na akong mainis.

Tumingin ulit ako sa suot na relo at sa wall clock na parang magkaiba ang oras ng mga ito. And for countless times, I checked my phone hoping to get a call, or at least a text from her. Kahit na alam kong malabong mangyari ito. Kasi simula no'ng mag-iwan ako ng calling card sa office niya, she never contacted me. Pinanindigan niya ang pagbalewala sa akin. Parang ipinapamukha nito na hindi niya ako kailangan.

Another thing that pissed me off, sabi ni Ann, a guy named Blaise fetched her. A name that rings the loudest bell.

How can I forget that guy? Kahit siguro ilang dekada ang lumipas, hindi ko ito makakalimutan. Ito ang lalaking sinabi ni Haley na kahalikan ni Micah noon. It's the same guy I caught kissing Micah in my place. Ano ito reunion? Marinig ko lang ang pangalan ng lalaking 'yon, naususka na'ko.

Nasaan sila at kailangan silang abutin ng ganitong oras? Ayokong mag-isip ng hindi maganda. Hindi ganung klaseng babae si Micah. I trust her but not him.

Kung nag-take advantage siya kay Micah noong mga estudyante pa sila, how much more kaya ngayon? Baka kung saan nito dinala si Micah. Napapikit ako nang mariin at wala sa sariling napasuntok sa counter.

I started the bottle at twelve and I think I can finish this off. Magpapalipas lang sana ako ng oras habang hinihintay si Micah. Now, it's past three in the morning, at wala akong balak ubusin ito at ang oras ko sa paghihintay. I finished my last shot and decided to leave when I heard a sound of a vehicle. Nagmadali akong sumilip sa bintana.

Isang black na Range Rover ang pumarada sa tapat ng bahay nila Micah. At nakakasisiguro akong hindi ito ang sasakyan niya. Pigil-hininga akong naghintay hanggang sa bumukas ang pinto ng driver seat. Isang pamilyar na bulto ang bumaba.

Si Blaise. Binuksan nito ang passenger seat at nakangiting bumaba si Micah. My hands are fisted as I stormed outside.

Tanaw ko mula sa balcony ang masayang pag-uusap ng dalawa at tila walang balak pumasok ni Micah. At tuluyangn naubos ang pasensya ko nang makitang halikan nito si Micah sa pisngi. Alam kong wala akong karapatang magalit sa halik na 'yon, but I don't want to see someone kissing her. Because I know exactly the feeling,  at ayokong maramdaman ito ng ibang lalaki. 

At bago ko pa abutan ang lalaki, mabilis itong sumakay sa kotse at nakangiting kumaway si Micah sa papalayong sasakyan.

Kahit na galit na galit ako sa nakita, nagpapasalamat pa rin ako at hindi ko naabutan ang lalaki. Baka kung ano ang magawa ko rito at magalit sa akin si Micah. Bisita niya ito at wala akong karapatang bastusin ito.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon