Chapter 11: Status - In A Relationship

93.4K 839 104
                                    

Micah's POV

~~~~~~~~~~

Hindi ako mapakali. Itatali ko ba ang buhok ko o ilulugay ko na lang. Hay....kanina pa ako dito sa CR pero hindi ako matapos tapos sa pag aayos ng sarili ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na susunduin ako ni Hans. Pero tuwing susunduin niya ako lagi na lang ganito. Natataranta ako. Paano ba naman baka laitin na naman ako nun kung hindi niya magustuhan ang ayos ko.

Kinausap ko ang sarili ko sa salamin. Yun ba talaga ang dahilan. Na kaya gusto mong maganda ang ayos mo kasi ayaw mong laitin ka ni Hans? Or you want to look good for him? Tinitigan ko ang mukha ko. At parang sinagot nito ang tanong ko. Nakakainis! Oo na sige na, gusto ko maganda ako sa paningin niya. Masama ba yun? Pero sa totoo lang hind na niya ako nilait  after nung nangyari...nung Christmas.

Napapangiti ako pag naalala ko ito. At parang may kiliting bumabalot sa buong katawan ko. Parang sinisikmura ako na nabibingi na ewan. Actually, hindi lang nung pasko, we spent the rest of the holiday in Tagaytay. Umalis kami nung gabing yun. We stayed at his friend's place. And we spent the rest of the evening, err, well the rest of the week, exploring each other's body. Ampu. Sinabi ko ba yun? Inexplore din naman namin yung place. Err, nang konti. Namasyal kami sa nearby town para mamili ng souveneirs at pasalubong.

Nakakahiya mang aminin pero para kaming bagong kasal na nasa honeymoon stage. And we were at the right place, malamig ang lugar at napaka romantic. And I couldn't believe na ang mapang asar na Hans at akala mo laging galit ay may tinatago rin palang ka sweetan sa katawan. Pag matutulog gusto niya nakaunan ako sa dibdid niya. And when I moved to a different side of bed, nagigising siya at niyayakap niya ulit ako. Parang nasanay na siya na katabi niya ako sa pagtulog. At ganun din ako. Lagi akong natutulog ng may ngiti sa labi. At sa loob ng maikling panahon ngayon lang ako sumaya ng ganito.

Pero minsan pag mag isa lang ako, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Na nagawa ko ang isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko sukat akalain na magagawa ko. Sa isang tao na hindi ko lubos na kilala. Sino ba talaga si Hans Saavedra? Bukod sa kapatid siya ni Haley na asawa ng bestfriend ko na si Russell, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.

Di ko maiwasang hindi malungkot. Gusto ko rin minsan na magkaroon kami ng time sa isa't isa. Yung mag uusap lang kami. Para makilala ko siya kahit papano. Busy rin kasi siya at minsan late na umuuwi. Kaya wala rin kaming time. Pag sinusundo lang niya ako doon lang kami nagkakausap. Pero madalas ding may kausap siya sa cellphone pag magkasama kami. Kaya parang wala rin.

Yes, everything changed after that. Isang iglap lang nagbago ang buhay ko. Pakiramdam ko hindi na ako ang dating si Micah. Para akong isang kakaibang nilalang. Pati na sa kilos at pananamit. Mahilig na akong magsuot ng dress at skirt. Bigla akong naconscious sa ayos at susuotin ko. Ngayon ko lang nappreciate ang mga sexy lingerie na binili ni mommy para saken when I turned 18. Kasi dalaga na daw ako. Pati ang mga dress na matagal ng nakatambak sa closet ko nagagamit ko na. Sabi ni Hans mas bagay daw saken naka dress.

Oo na lahat na ng pagbabago sa akin may kinalaman kay Hans. Kasi gusto ni Hans. Kasi sinabi ni Hans. Malaki na ako para maging sunud sunuran. At hindi ako ganun. Hindi ko gagawin ang isang bagay kong ayaw ko. Ibig sabihin lahat ng nangyari...lahat ng pagbabago...ginusto ko. And I now share room with him. That's what he wants. Pero siya lang ba ang may gusto nun? Siguro gusto ko na rin. Oo na nga sige na, gusto ko naman talaga. Napag isip isip ko lang parang nagpaplastikan lang kami kung after nung nangyari nung Christmas eh matutulog pa rin kami sa hiwalay na kwarto eh kung tutuusin nakatira kami sa iisang bubong.

Tsaka isa pa para tipid sa bedsheet. Sa paglilinis. Para isang kwarto na lang ang lilinisin ko. Tipid sa ilaw. Tipid sa tubig, kasi lagi kaming sabay naliligo. Wahhh! Ano ba Micah? Tigilan mo na ang pag jajustify sa ginawa mo.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon