Chapter 5: Meet the parent

102K 894 129
                                    

Hans' POV

~~~~~~~~

Kanina pa nakaayos lahat ang mga gamit ko pero hanggang nagyon hindi pa rin ako nakakaalis.  Pero dinala ko na yung iba sa kotse. Yung laptop bag na lang ang bibitbtin ko mamaya. Halos ubos ko na lahat ng stock ng beer sa ref. Nasaan na kaya yung babae na yun. Almost 11pm na. Tawagan ko kaya? Wag na antayin ko na lang siya. Aasarin na naman ako nun. Baka isipin pa niya concern ako . Gusto ko lang naman siyang makita bago ako umalis. Sa weekend na kasi kami ulit magkikita pag alis ko.

Kung tutuusin pwede naman akong umalis na lang kahit wala pa siya kaya lang....di ko magawa. Ang pangit naman kasi na bigla na lang akong mawawala ng di nagpapaalam sa kanya. Ayaw ko sanang umalis. Pwede naman kami dito kasi dalawa naman yung room. Kaya lang ayokong mapalapit sa kanya ng husto. It's for the best sabi nga ng daddy niya.

Hindi siya pabor sa pagtira namin sa iisang bubong. Ito ang napag usapan namin nung nakipagkita ako sa kanya. Nararamdaman ko na hindi niya ako gusto para kay Micah. Nakakatawa. Ito ang first meeting ko sa parent ng isang babae, na hindi ko pa totoong girlfriend.  Naiintindihan ko siya. Hindi ko siya masisisi kasi babae ang anak niya. Saken kasi wala namang mawawala. Isa lang siyang protective na ama sa isang rebellious na anak.

I never  thought that he'll be interested in my life. Akala ko kami lang ni Micah ang concern nito. Hindi ko ineexpect na pati personal kong buhay ay mauungkat dahil sa sitwasyon namin ni Micah. At buti na lang napaghandaan ko ang first meeting namin na yun.

" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ang totoong meron kayo ng anak ko. Ayaw ko na sanang makiaalam pero hindi ko magawa. Personal niya itong buhay at nasa tamang edad na siya. " simula nito.

" I don't like the idea of the two of you staying together nang hindi pa kayo kasal. Pero ayoko kayong pangunahan. Sarili niyong desisyon ang bagay na yan."

Mabuti naman kung ganun. Yun kasi ang una kung naisip kung bakit niya ako pinatawag. Baka ipakasal kaming dalawa. Papayag ba akong kung sakali? Pumayag din kaya si Micah?

" Gusto ko lang sanang malaman, kung seryoso ka ba sa pakikipagrelasyon sa anak ko? "

Seryoso ba ako? Hindi ko alam. Hindi ko nga siya girlfriend.

" We've just met. I just helped her kasi nga naglayas siya. What we have is probably not what you call a serious one pero magkasundo kami. And I...like her...a lot."

Hindi ako sanay sa mga tanong na ganyan. Nabigla ako sa sinabi ko. Gusto ko si Micah? Kung kaharap ko yung babae na yun ngayon  malamang halos mamatay na yun sa katatatawa.

Nagulat ako nung ngumiti ang daddy niya. " I like your honesty young man." sabi nito. " Pero kilala ba talaga ng anak ko ang isang Hans Saavedra?" makahulugang tanong nito.

Anong ibig niyang sabihin. Wala naman akong kailngang itago kay Micah kung saka sakali. Tsaka wala namang pakialam yun saken. Kahit ano pa ako. Hindi naman niya kasi ako boyfriend.

" Hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa. Nagsisimula pa lang kami. I want to know more about her. At alam ko ganun din siya."sagot ko.

Seroy itong tumingin saken.

" So staying together, was that part of your knowing each other plan?" sarcastikong tanong nito.

Tangina napipikon na ako ah.

" We both decided to stay together. You can ask Micah about it. " malakas ang loob kong sabi. " Pwede naman po siyang umalis anytime, but she preferred to stay in my place."

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon