EPILOGUE

557 15 3
                                    


Hello, Shimies! Thank you dahil po umabot kayo hanggang dito sa dulo. Hope y'all love it. Enjoy reading!😘❤️


"Ready na?" narinig kong sigaw ni Cassy. Pebrero ngayon kaya busy ang lahat sa pag-asikaso sa kani-kanilang mga booth.

"Hindi pa!" balik ni Lupe. Inaayos namin ngayon ang jail booth na naka-assign sa section namin.

"Rafi, ikaw muna dito," pakiusap ni Lupe at agad ko siyang nilapitan. "Wag kang aalis jan ah?" dagdag niya at tumango ako. Marami nang lumapit sa booth namin para sa kanilang mga ipapahuli.

Pitong buwan na rin ang nakalipas at sa wakas, hindi kami naghiwalay pa katulad nung una.

"Rafi, alis ka na jan!" sigaw ni Cassy.

"Sabi ni Lupe, wag akong aalis?"

"Basta! Umalis ka na jan! Hindi ka namin pala kailangan dito. Lakad-lakad ka na lang." aniya.

"Pano kayo?"

"Wag ka ng makulit! Punta ka na lang sa mga booth na nandito!" sigaw niya at hindi na ako nakipagtalo pa dahil may lumapit na sa kaniyang panibagong customer.

Katulad ng kaniyang sinabi. Umalis ako sa jail booth at naglakad lakad. Dalawang booth pa lang ang nakikita ko ng tawagin ako ni Lupe. Lumapit ako sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ito, isuot mo yan. Ikaw kasi yung magkakasal sa mga nakulong na pyinansahan ng nasa labas." aniya at iniabot sa akin ang isang paper bag.

"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko.

"Wala ka namang gagawin, di ba?"

"Oo."

"O sya! Magbihis ka na!" at umalis na siya sa harapan ko. Pumunta ako sa room namin para doon makapagbihis. Nang makapasok sa comfort room ay kinuha ko ang laman ng paper bag.

Isang puting bestida na lagpas sa tuhod at isang sapatos na angkop para dito. Mayroon ding flower crown at katulad ng sinabi ni Lupe, sinuot ko iyon kahit nagtataka na ako.

Ang taray ng Pebrero ng San Limaco!

Nang matapos kong suotin iyon ay lumabas na ako. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaang nakalugay iyon.

Naglakad ako palabas at halos lahat ay napapatingin sa akin. Nahihiya na ako! Dahil siguro nakaputi at flower crown ako kaya ganyan sila makatingin. Papunta na ako sa jail booth ngunig natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag mula sa stage.

Dahil sa kuryosidad, pumunta ako sa may stage. Sa gitna ako dumaan dahil parang nahawi iyon ng makita nila ako. Shems! Naloloka na ako.

"Rafina Eam?" tanong na mula sa naglalakihang speakers. Nagulat ako ng tumambad sa stage si Naze at katulad ko, nakaputi rin siya!

Lumapit siya sa akin at nagulat ako sa bigla niyang pagluhod.

"Rafina Eam? Will you marry me?" tanong niya at inilabas ang isang singsing. Sinagot iyon ng mga estudyante.

"Yes! Yes!" sigaw nila na may kasamang tilian.

"Narinig mo na yung sigaw nila." natatawang sabi ko.

"Dapat sayo galing, ikaw naman ang papakasalan ko eh, hindi sila."

"Yes!" sagot ko at nagulat ako ng bigla niya akong hinila at tumakbo kami, patungo sa hindi ko alam. Ni hindi ko pa nga nasusuot ang singsing!

Nang makahinto kami ay saka ko lang nalaman kung nasaan kami. Nasa wedding booth!

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong.

"Let's get married!" masayang sabi niya at pumwesto na sa unahan.

"Nandito na ang crush ng bayan! Ikakasal sa isang mapalad na dilag! Isang espesyal na kasal na dapat matunghayan ng lahat!" boses ng isang bakla ang nagsasalita at rinig iyon sa lahat ng sulok ng school.

Kaya nakakainis rin kapag Pebrero! Estudyante ang nasusunod dito.

Maya maya ay napalibutan na ang wedding booth ng mga tao. Open space iyon kaya kitang-kita ang ganap.

Katulad ng totoong ikinakasal, naglagay sila ng karagdagang tela sa aking damit at ang parang kulambo na inilalagay sa mukha kaya nagmukha iyong traje de boda! Dagdag pa ang flower boquet na hawak ko

Mabilis ang kilos ng nandoon, inilatag nila ang red carpet na dadaanan ko. Nakaupo na rin ang mga invited guest. Shems! Mukhang kasal nga ito lalo pa't puti rin ang designs ng paligid.

Nang tumugtog ang isang pyesa ay naglakad na ako ng dahan dahan. Hindi pinuputol ang tingin sa kaniya. Puno ng saya ang kaniyang mga mata at sa wakas nakalapit na ako sa kaniya.

Nagsalita ang magkakasal at hindi ko na iyon naintindihan pa dahil nakatitig lamang ako sa kaniya.

"Honey, baka matunaw ako niyan?" natatawang sabi niya at nagtawanan ang lahat.

"Baliw!" sagot ko.

"Baliw sayo!" aniya at nagtilian ang lahat.

"Sa pitong buwan na nagdaan tandaan mo, hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko para sa iyo. As the day goes by, mas nadaragdagan iyon. I'm not promising anymore, but I'll try my best to not hurt you. I love you, honey." aniya at napangiti ako.

"I love you is enough. I love you, honey." nakangiti kong sinabi.

I still remember how destiny played us. Kung paano kami nagkasakitan. Kung paano naging masaya ang pagsasama namin dalawa kahit na may humahadlang sa amin.

"Hindi ka man lang nagsalita kanina!" nakangusong sabi niya habang pinapaulit-ulit ang pagsabi ng hindi ko pagbibigay ng speech sa wedding booth kanina.

"Hindi naman nila dapat marinig yung sasabihin ko." sagot ko at tumitig sa hampas ng alon. Nandito kami ngayon sa dalampasigan ng San Limaco.

"Ano bang sasabihin mo?" suplado pa ring tanong niya ngunit halata namang atat siyang marinig ang sasabihin ko.Napahalakhak ako.

"Dapat sa totoong kasal ko yun sasabihin, eh." sagot ko.

"Eam, naman! Sabihin mo na!" pamimilit niya at mas lalo lang akong natawa.

"I love you more!"

"Eam!" natawa ako lalo.

"Naalala mo ba nung niloko mo ako?"

"Hindi kita niloko!" depensa niya.

"Okay! Hindi nga."

"Sasabihin mo ba?" naiinis na tanong niya. Tumango ako at hinila siya papunta sa malayo-layong parte ng dalampasigan.

"Gusto mo talagang malaman?" tanong ko at agad siyang tumango. Lumapit ako sa kaniya.

"Hindi mo naman ata sasabihin--"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang siniil ko siya ng isang halik na agad naman niyang tinugon.

The kiss that can make him know and understand what I really feels, what I really want to said.

Maraming beses na dumaan sa isip ko na iwan na lang siya. Hayaan na lang na masaktan kaming dalawa kasi pareho naman kaming makakalimot.

But I never choose leaving and loving without hurting. I always choose him, because he is my between. Nazer is my between.

"I love you, Naze..."

-End-


Finished: July 29, 2020

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now