CHAPTER 34

308 12 0
                                    



"Bakit?" nakangiti kong tanong, pinipilit na huwag nang bumagsak pa ang mga luha ko. Isinasawalang bahala ang maling pagtawag sa pangalan ko.

"Wag kang tatalon," aniya at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Wala namang mangyayaring masama, eh."

"Rafina,"

"Naze naman! Eam! Hindi, Rafina!" sigaw ko sa kaniya.

"Para sa sarili ko iyon, Rafina. Para makalimutan kita agad." aniya at nag-iwas ng tingin. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko ng marinig ko ang sinabi niyang kakalimutan niya na ako.

"Kaya ba, todo ang pakikipag-usap mo dun sa Elle na yun? Huh, Naze?" naiinis na tanong ko at hindi siya umapila sa sinabi ko.

"Nag-usap na tayo at tinatanggap ko na iyon." aniya, malayo ang sagot aa tanong ko.

"Oo, nag-usap na tayo pero binabawi ko na iyon." sagot ko ng hindi ko na napigilan. Wala nang ibang panahon para sabihin pa sa kaniya ang totoo dahil baka pagbaba namin dito, sa iba na naman ang atensyon niya. Kaya mas mabuting ngayon na lang.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.

"Alam ko na ang lahat. Alam ko nang hindi mo ako niloko, na wala naman talagang nangyari sa inyo." paliwanag ko at bakas ang gulat sa kaniyang mukha. "Itinago iyon sakin ni Mama at hindi ko alam ang dahilan niya. Pero, Naze alam ko na at pinapatawad na kita." agad kong sinabi at ngumiti siya sa akin ng tipid.

"Mabuti naman at napanuod mo na," aniya at nagulat ako dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. Ni hindi man lang siya naging masaya! Ngumiti lang siya ng tipid!

"N-Naze?" kinakabahang tanong ko habang unti-unti nang bumubuo ang luha sa mga mata ko. Marahan niyang inilipat ang tingin sa akin.

"You know what, Rafina. I am thankful that finally... finally I survived from drowning by the love I had given to you."

"Naze? Anong pinagsasabi mo?" tanong ko, nag-uumapaw ang kaba at sakit.

"H-Hayaan mo muna ako,"

"No! Naze naman!" saway ko at tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa mga mata ko.

"Makinig ka sa akin! Hayaan mo muna ako, Eam. Naubos ko kasi ang sarili ko. Masyado kong inalay at inubos ang panahon ko para sayo. Iyon ang mali ko, dahil hinayaan kong makalimutang mahalin ang sarili ko." puno ng hinanakit ang kaniya boses.

"Naze, please?" pagmamakaawa ko. Alam ko na ang papatunguhan nito at hindi ako papayag na mangyari iyon!

"Eam, katulad ng gusto mong tawag ko sa iyo." malungkot siyang ngumiti. "Siguro kasi, hanggang dito na lang tayo. Ginawa ko naman kasi ang lahat, di ba?" at biglang tumakas sa kaniyang mata ang kaniyang mga luha na siyang mas nagpasakit sa dibdib ko.

"Naze..."

Ginawa ko, Eam pero bakit hindi mo pa rin ako tinanggap?" napahagulgol ako sa kaniyang tanong at nang nagtama ang tingin naming dalawa. "Bakit di mo ako pinatawad?" halos bulong na lang yon, " And realization hit me. H-Hindi tayo para sa isa't-isa." aniya at lumakas pa lalo ang hagulgol ko. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

"Naze? Hindi... please? No!" patuloy na pagmamakaawa ko.

"Hindi, Eam. Katulad ng paninindigan mo sa sarili mo na huwag akong patawarin at bigyan ng pagkakataon, ganun din ako, Eam."

"Naze!" I beggingly shouted.

"Tama na, okay? Hanggang dito na lang tayo. Hindi na ako maghahabol at sana ganon ka rin. Paalam, Eam..." aniya at naglakad palayo. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Gusto kong sumigaw! Gusto kong magalit, magalit sa sarili ko! Bakit? Bakit umabot na dito?

Sana pala binigyan ko na siya ng pagkakataon. Sana pinatawad ko na lang siya. Sana...

Napahawak ako sa dibdib ko. Damang-dama ko ang sakit ng bawat tibok nito. Lubos akong nagsisisi sa ginawa ko pero ano nga bang magagawa nun? Huli na ang lahat.

Napasigaw ako ng madulas ako sa bato. Hindi ako handa at wala akong naipon na hangin para sa pagbagsak ko. Napangiti ako ng mapait bago tuluyang lumubog ng mabilis ang katawan ko sa kailaliman ng tubig.

Hindi man sinasadya, nakalunok at halos mabulunan ako nang makainom ng tubig. Binibilisan ko ang paglangoy paitaas dahil unti-unting nauubusan na ako ng hininga. Ngunit katulad sa isang pelikula, nawalan na ako ng pag-asang makaahon pa. Lalo pa't nanigas ang aking binti at hindi ko na iyon maigalaw pa.

If this is my end, I'll take it...

Unti-unti kong ipinikit ang mata lalo na ng maramdaman kong ako'y pumapailalim na. Wala ng pag-asa. Ito na ang wakas ko. Paalam sa mga maiiwan ko.

"Eam!" malakas na tinig ang narinig ko at siya ring pag-ahon ko. Nakapulupot ang kaniyang bisig sa bewang ko. Napangiti ako ng sa wakas, nailigtas niya ako.

"Eam?" tawag niya ulit bago tuluyang nawala ang malay ko.

Nagising ako sa marahang paghaplos sa kamay ko. Pagmulat ay nakita ko ang puting kisame. Napatingin ako sa paligid, nasa isang kwarto ako ng hospital. Napatingin ako sa humahaplos sa kamay ko at nakita ko ang saya ng makitang gising na ako.

"Eam!" aniya at niyakap ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap.

"N-Naze," pagtawag ko halos malat ang boses. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at inabutan ako ng tubig. Uminom ako para mawala sa pakiramdam ang pagkatuyo ng lalamunan.

"Anong masakit? Sabihin mo sakin. Saglit, tatawag ako ng doktor." aniya at akmang aalis ngunit agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"Huwag na," mahinahong sabi ko at tumango siya. Umupo siya sa silyang kinauupuan niya kanina.

"Sobrang saya ko at gising ka na, Eam." aniya at hinawakan ang aking kamay. "Patawarin mo ako dahil iniwan kita. Patawarin mo ako kasi ng dahil sa akin nagkaganyan ka."

"Ayos lang, Naze. Wala ka namang kasalanan. Nadulas ako kaya bumagsak ako sa tubig."

"Kasalanan ko pa rin..."

"Naze, wala kang kasalanan. Naiintindihan ko kung bakit naging ganun ang desisyon mo." nakangiti kong sabi.

"Eam,"

"Naze, wala nga. Wag mong sisihin ang sarili mo. Okay na ako, di ba?" nakangiting pagpapagaan ko sa loob niya. "Nga pala, anong araw na ngayon?" nagtataka kong tanong at napayuko siya.

"Martes,"

"Talaga? Ang haba naman ng tulog ko!" natatawang sabi ko at agad siyang nagsalita.

"Anim na buwan kang tulog." aniya na siyang nagpagulat sa akin.

"Huwag kang magjo joke!" nakanguso kong sinabi.

"Eam, makinig ka sakin. Anim na buwan ka ng walang malay. Kaya sobrang saya ko ng magising ka ulit."

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now