Prologue

2.3K 48 7
                                    


This story is purely fictional.
Do not copy or repost without the permission from the author. Plagiarism is a crime.
Typos and grammatical errors ahead, sorry in advance.

Writing started: March 2020

Enjoy reading!

"Good morning everyone! My name is Rafina Eam Velasquez. I am 16 years old, grade 11 student," pagpapakilala ko sa mga estudyanteng ka-batch ko, nasa Gym kami ngayon upang magkakilala daw ang lahat.

Umalis na ako agad dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Habang naglalakad papasok sa Canteen may nakasalubong akong lalaki at nagpalipat lipat kami ng pwesto dahil pareho naming di alam kung saan dadaan kumbaga parang nagpatentero kami sa daan

"Hahaha, parang kaylangan muna nating huminto para makadaan tayo pareho," sabi nya kapagkuwan ay ngumiti.

Ang gwapo! Shhh... behave, Rafi!

"Ahh, pasensya na kuya,"
sagot ko at nagbaba ng tingin dahil baka bigla akong mapatitig sa kanya

"Ayos lang. Atsaka, don't call me Kuya. Medyo weird."sagot nya at bigla akong napatingin sa kanya.

"Ahh, he he pasensya." sabi ko at naglakad na palayo sa kanya. Ngunit wala pa ako nakakalayo nang tawagin nyang muli ako.

"Hey! Girl that I almost bumped!" Sigaw nya at tiningnan ko sya.

Seriously? A girl that I almost bumped talaga? Ehh! May tawag sya agad!

Humarap ako sa kanya at tinuro ang sarili kung ako ba talaga ang tinatawag nya at tumango sya.

"Yes?" I asked

"Ummm. What is your name?"

"Ah, Rafina Eam Velasquez. You?"

"Kim Nazer Calabia," he answered and smile. Adik sa smile! Kaya sya mas lalong gumagwapo eh.

"Ah, nice to meet you." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad

"Me too! Miss Rafina!" Sigaw nya at di na ako lumingon pa.

"RAFINA san ka ba galing?" tanong sakin ni Catherine.

"Bumili lang ako ng makakain. Alam mo na, nagugutom na kasi ako," sagot ko at tumango sya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko sa Choco tops na binili ko.

"Good morning everyone! My name is Kim Nazer Calabia. 17 years old, grade 11 student and also, I am transferee student. I am from San Limaco Academy. Thank you!" agad akong napatingin nang mapagsino yung nagsasalita.

Si Kim Nazer!!! Oh my! Ka-batch ko sya! Sana classmate narin! Ang gwapo nya, Im sure marami ring magkaka crush sa kanya. Madami na agad akong kaagaw. Kakahanap ko pa lang nga ng crush. Hayst!

"And by the way. Hi Miss Rafina, the girl that I almost bumped." sabi nya at ngumiti sa akin mula sa stage ng Gym. Nakakarinig din ako ng impit na hiyaw. Anong nangyayari?!

"Hi daw!" Bulabog ni Cath sa akin na nagpagising sa natutulog kong diwa

"Ha... ahh. Hi?" Patanong na sigaw na bati ko at kumaway at pilit na ngumiti dahil di ko alam kung matutuwa ba ako at ngumiti rin sya pabalik at bumaba na sya sa stage.

"Girl, chika naman jan," sabi ni Cath at pabirong siniko ako.

"Wala yun, muntik na kasi kaming magbungguan dun sa papuntang Canteen." simpleng sagot ko para itago ang pagka-medyo-slight lang talaga na- pagkadismaya. Dissapointed dahil sya yung unang crush ko in Senior High magkakaroon agad ng maraming kaagaw.

"Yieeee! The girl that I almost bumped, huh! Kinikilig ako!" impit na pang aasar nya

"Ewan ko sayo," sagot ko at umirap

Between (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora