CHAPTER 13

265 18 1
                                    


"Paano?" yun agad ang tanong na lumabas mula sa bibig ko. Patay na si Papa! Si Mama mismo ang nagsabi nun!

"Anak, makinig ka muna. Nagsinungaling ako sayo." sabi ni Mama at napayuko. Unti unti namang bumuo ang mga luha sa mga mata ko. Bat nagsinungaling si Mama?

"Sabihin mo Ma, pano?" halos mapiyok na tanong ko at bumuhos ang luha sa mata ko. All my life I wanted a father! Kahit di ko sinasabi, gusto ko yun! Gusto kong maramdaman kung pano magkaroon ng ama. Tapos malalaman ko na meron pala at nagsinungaling sakin si Mama!

"Anak, Im sorry... It is for your safety and for Carol. My business life before is a mess and I dont want to involve you in that kind of living. All I want is you to have a peaceful life." biglang sabi ni Papa. Agad naman akong bumaling sa kanya. Now, that's enough for me. Di naman sarado ang utak ko sa ganung sitwasyon. Niyakap ko si Papa at naramdaman ko na niyakap nya ako pabalik.

"Im sorry my baby, sorry my Rafina..." madamdaming sabi ni Papa. Lalo lang akong naiyak at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Nakakatakot dahil baka bawiin sya sa akin.

"Shh... Don't cry, okay? Dapat masaya ka dahil nandito na ulit ako. Babawi ako anak." si Papa

"Anak, Sorry." sabi ni Mama. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Papa at binuksan ko ang aking dalawang braso para yakapin din si Mama. Nakiyakap din si Papa sa amin. I don't care about the people who's looking at us. I am happy that I have a complete family.

Maraming regalo na ibinigay sa akin si Papa. Sa lahat ng mga achivements ko ay mayroon din. Habang tinitignan ko ang bawat regalo ay lagi akong napapasinghap sa pagkamangha. Halatang mamahalin! Feeling ko, kada isang gamit na ibinigay sa akin ay libo libo ang halaga! Nakakalula para sa mahirap na tulad ko.

"Anak, dito kayo matutulog." sabi ni Papa. Tumango lang ako. Nandito kami ngayon sa bahay niya. Napakalaki at napagkaganda!

"Papa, sayo talaga to?" tanong ko kay Papa at tumawa lang siya. I really can't believe na mayaman siya! Ayokong akuin kasi parang masyadong sobra para sa akin.

"Hindi anak. Sa atin. Sa atin ang lahat ng ito. Pasensya na dahil hindi ko kayo agad nabigyan ng maganda at marangyang buhay." si Papa.

"Papa naman! Wala lang yun! Move on na tayo dun! Ang mahalaga ay makakasama ka na namin. After all these years akala ko wala na talaga akong tatay. Pero, pano kayo nagkakausap ni Mama?" tanong ko kay Papa. Nasa kusina si Mama para magluto ng hapunan namin. Nandito ako ngayon sa kulay asul na silid na sabi ni Papa ay akin.

"Tuwing nasa paaralan ka o kaya ay tulog ka." nakangiting sabi ni Papa. Agad naman akong napasimangot.

"Ang daya naman!" pagmamaktol ko. Humalakhak lang si Papa.

"Papa naman!" saway ko nang di sya tumitigil sa pagtawa.

"Sorry, anak. Nagmana ka talaga sa Mama mo. Ganyang ganyan din sya noon." sabi ni Papa namg tumigil na sya sa pagtawa.

Masaya kami habang kumakain ng hapunan. Ang niluto ni Mama ay hindi pamilyar sakin pero sigurado ako na isa yung dish ng mga mamahaling resto. Im a cookery student and that explains why I knew it.

"May boyfriend ka na." sabi ni Papa. Agad akong nabilaukan kaya naman inabutan nila ako ng tubig.

"Papa naman!" saway ko dahil tumawa sya nang mabilaukan ako.

"Anong pangalan nya?" tanong nya ulit.

"Kim Nazer Calabia po." sagot ko habang nahihiyang tumingin.

"Hmm, familiar sa akin ang apelyido niya." sabi ni Papa.

"Hmm, yung Mama nya po kasi business related din." sabi ko at tumango sya.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now