CHAPTER 21

266 12 0
                                    



"Anak, na pano ka?" bungad ni Mama nang makarating ako sa bahay. Sa sobrang okupado ng aking pag-iisip, hindi ko man lang namalayan na nakauwi ako nang basang-basa.

"Wala po." mahinang tinig na sabi ko at nagpatuloy na sa palalakad.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Mama ngunit umiling lang ako. Hindi pwedeng malaman ni Mama o ni Papa ang nangyari.

"Anak!" parang kulog na sigaw ni Papa. Humarap ako sa kanila at nakita nila ang pag-agos ng mga luha ko.

"Jusko!" tanging nasabi ni Mama at niyakap nila ako ng mahigpit kahit na basa ako ng tubig dagat.

"M-Ma..." agad na nabasag ang boses ko nang tawagin ko siya.

"Shh... Anak..." pang-aalu ni Mama. Nananatili silang nakayakap sakin hanggang sa kumalma na ako. Pinakawalan nila ako upang makapagbihis at pinapabalik rin agad.

Nakatitig ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Paulit-ulit ang senaryo kanina sa isip ko. Paulit-ulit ring nadudurog ang puso ko.

So that's the end of us? Ang bilis naman. Pero ano nga bang aasahan mo? Mabilis na lumilipas ang oras kapag hindi mo napapansin. Bumabagal naman kapag itinuon mo dun ang iyong pansin.

Napatingin ako sa aking cellphone na kanina pa tumutunog. Kinuha ko iyon at nakita ang maraming missed calls ni Naze at Denver. Mayroon ding mga messages ngunit isa lang dun ang nakakuha ng atensyon ko.

Isang larawan iyon na mula sa hindi kilalang numero. Agad ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang isang larawan na mas dumurog sa puso ko.

Dalawang taong naghahalikan. Nakatapis ng tuwalya si Naze sa bandang bewang at hubo't hubad ang babae. Nakahawak si Naze sa magkabilang braso ng babae at ang babae na iyon ay ang ate ko! Ang pagkakagawak niya doon ay parang mas pinapalapit niya pa si Ate sa kanya. Nakapulupot ang braso ni ate sa leeg ni Naze.

Nabitawan ko ang aking telepono. Agad na lumandas ang mga luha na galing sa mga mata ko. Nanghihinang napaupo ako sa aking kama.

Bakit? Ano bang nagawa kong kasalanan para saktan ako ng ganito? Ano bang pagkakamali ang nagawa ko? Nanloko ba ako? Nanakit ba ako? Wala naman eh!

Napahikbi ako ng malakas. Kung kanina ay narinig ko iyon ay nasaktan ako ng sobra. Dumoble pa dun ang nararamdaman ko nang makita ang larawan na iyon.

Napahawak ako sa dibdib ko. Literal na masakit at marahas ang pagpintig nito. Parang hindi pa nakuntento dahil pati baga ko ay apektado. Nahihirapan akong huminga. Kinalma ko ang sarili ko pagkaraan ng ilang minuto at tumayo. No one can break me. I cheered to myself.

Lumabas ako ng silid at nakita ko agad si Ate na may ngiti sa labi. Agad na kumulo ang dugo ko at agad siyang pinuntahan sa kusina.

"Oh? Lil sis, akala ko may date kayo?" natatawang tanong niya. Napakasama niya!

"Ano bang problema mo?" tanong ko at pinukol siya ng masamang tingin.

"Anong pinagsasabi mo?" nagmamaang-maangang tanong niya.

"Ano bang nagawa kong kasalanan sayo at ganyan ka sakin?" may diinang bawat pagbigkas ko sa aking tanong.

"Wala naman..." nakangiting sabi niya at akmang lalapit sakin para yumakap. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Agad ko siyang nasampal dahil sa tindi ng galit ko. Napahawak siya sa kanyang pisngi at pinukol rin sa akin ang matalim na tingin.

"Ano bang problema mo?!" aniya at halos pasigaw na.

"Ikaw ang problema ko! Bakit ba ginagawa mo to sakin?! Masaya ka bang nakikita akong nasasaktan?"

"Hm! Oo! Sobrang saya Rafina, sobrang saya. Ang saya saya kokapag nakikita kitang ganyan. Miserable!" napatawa siya. "Sayang nga at nakalimutan kong maglagay ng camera sa kwarto mo para sana makita ko ang expression mo nang makita mo yung picture." pang-aasar niya.

"Ate..." nanghihinang tawag ko sa kanya.

"Wag na wag mo kong tatawaging ate! Dahil ni minsan, hindi ko ginusto na magkaroon ng kapatid! Ikaw ang dahilan kung bakit halos walang atensyon sakin si Papa! Tapos, kasama mo rin si Mama! Ano, Rafi? Tingin mo matutuwa akong makita ka? Minsan nga... hiniling ko na sana hindi ka nalang nabuo. Hindi ka nalang nabuhay... kaso ano nga bang magagawa ko? Wala diba? Kaya ito lang ang paraan ko para makita kang nahihirapan! At nagtagumpay ako! Kontento na akong makita kang ganyan. Masaktan lang kita, masayang masaya na ako..." aniya at napatigil ako.

"Hindi ko kasalanan yun, Ate. Pero bakit sakin ka gumaganti?"

"Stop your drama!" angil niya.

"Bakit mo ginawa yun sakin? Bakit mo inagaw sakin yung b-boyfriend ko?! Bakit?!" tanong ko, tunog disperado dahil gustong-gusto kong malaman ang sagot niya.

"Hindi ko siya inagaw!" sigaw niya na umalingawngaw sa bahay.

Naramdaman ko ang mga mabilis na yapak patungo rito. Sila Mama yun, sigurado!

"Anong nangyayari dito?!" tanong ni Papa

"Pa, paalisin niyo na po dito si Ate... H-Hindi ko po siya kayang makita..." nanghihinang sabi ko at yumakap kay Papa.

"Anong bang nangyari?" istriktang tanong ni Mama.

"Ma... wala na po kami ni Naze. At siya ang dahilan..." sagot ko

"Totoo ba yun, Hannah?!" nanggagalaiting tanong ni Papa. Tumango siya at napapikit ako nang marinig ang malakas na hampas ni Papa sa mesa.

"Bakit mo iyon ginawa?!"

"She deserves it." tanging sagot ni Ate.

"Ganyang ba kita pinalaki?" puno ng hinanakit ang boses ni Papa nang sandaling yun.

"Hindi..." mahinang sagot ni Ate.

This time, parang gusto ko siyang yakapin. Now I understand what she feels. Na kahit ako ang nasa kalagayan niya, mahihirapan ako ng sobra pero hindi aabot sa puntong maninira ako ng relasyon.

"Pa, tama na..." pigil ko at tumango si Papa. Agad kong nakita ang pagdaan ng sakit sa mata ni ate.
Siguro iniisip niya ngayon na pinapanigan ako nila Papa at wala siyang kakampi.

"Ako po ang aalis..." mahinang sabi ko na nagpagulat sa kanila.

"Hindi pwede!" tutol ni Mama. Ngumiti ako sa kanya. Ngayon ko lang nabuo ang desisyong ito. Ako ang dapat na lumayo dahil kung mananatili ako rito,mananatili ang sakit na naranasan ko. Kapag nandito ako, baka hindi ako makakausad dahil nasa paligid ko lang siya. Ako ang aalis... palayo sa lahat... palayo sa kanya...

"Buo na po ang desisyon ko Ma, Pa. Aalis po ako, wag po kayong sumunod... si Ate ang bigyan niyo ng pansin. Kayo ang kailangan niya..." at biglang tumulo ang luha ko.

"Anak..."

"Marami kayong pagkukulang sa kanya. Sakin? Sobra sobra. Kung ano man pong nararamdaman ko ngayon, wag niyo nang isipin pa. Si Ate ang isipin niyo." paliwanag ko.

Not because my sister hurt me I'll do the same. Kaya niya nagawa iyon sa akin dahil nakulangan siya sa pagmamahal nila Mama at Papa. Galit ako sa kanya pero hindi nun natakpan nun ang tamang pag-iisip ko.

Mahirap magpatawad... lalo na sa taong sumira sa atin. Pero kailangan pa rin nating magpatawad. It takes many times pero time will always heal the pain. At yun ang kakapitan ko... ang oras.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now