CHAPTER 25

291 11 1
                                    




Umiling ako. Naninindigan sa desisyon. Hinding hindi ako magpapadala sa nais niya. Ano pang dahilan ng pag-uusap? Wala naman eh. Tapos na. Tinapos ko na.

"Eam..."

"Please, Naze! Wag kang umarte ng ganyan!" naiiritang turan ko.

"K-Kahit ngayon lang."

"Hindi nga!" sagot ko at umalis na sa pwesto. Nang makakita ng tricycle ay agad akong lumapit dun para sumakay. Papasok pa lang ako ng bigla ako higitin ni Naze paalis dun. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin na halos lahat ng estudyanteng naroon. Napapikit ako ng mariin. No way in the earth I'd make a scene!

Hinayaan ko siyang hilain ako. Kahit na labag na labag iyon sa kalooban ko. Napakunot ang nuo ko ng huminto kami sa isang sasakyan. Kulay abo ito at sa tingin ko ay Mitsubishi ito. Binuksan niya ang pinto nun at maingat akong isinakay sa loob ng kotse. Sa paraang parang mababasag ako kung sakali mang tumama ako roon.

I guess, umangat na ang business ng Mama niya or baka meron na talaga silang kotse noon pa man. Kelan pa siya natutong magdrive ng kotse? Well, I don't care anymore.

Tahimik siyang sumakay at pinaandar na ang sasakayan. Tumulak na kami paalis ng parking lot ng school. Pinipigilan ko ang sarili kong punain ang simpleng bagay na ito. Mahirap na, baka mag-assume siya. Baka isipin niya pang interesado pa rin ako sa buhay niya.

Sa buong maikling byahe ay kapwa tahimik kami. Ako nag-iisip, habang siya naman ay tila nag-oobserba habang nagmamaneho.

Inihinto niya ang sasakyan sa isang kainan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan akong bumaba. Halos mapairap ako. Seriously? Anong tingin niya sa akin? Bata?

"Tigilan mo nga yan!" saway ko ng hindi na mapigilan. Naiinis na ako sa mga kilos niya.

"Hayaan mo ko. Kahit ngayon lang." aniya habang nakatitig sa aking mga mata. Halos mapunit ang puso ng makitang seryoso at halos magmakaawa ang kaniyang mga mata.

"Sige." tanging nasabi ko. Nang makapasok kami sa isang restaurant ay agad siyang nag-order ng pagkain para sa amin. Umupo naman ako sa bakanteng lamesa na para sa dalawang tao lang.

"Anong sasabihin mo?" tanong ko pagkabalik niya. Inayos niya ang paglalagay ng pinggan at kubyertos sa aming mesa.

"Kumain muna tayo." aniya at aangal pa sana ako ngunit piniling huwag na lang.

Maya maya'y dumating na ang pagkain na siyang dahilan ng pagsinghap. Kanin at adobo ang inorder niya.

Hirap na hirap ako sa bawat pagsubo agad akong lumunok dahil sa mga luhang nagbabadya sa aking mata.

Nasasaktan ako ngunit may halo iyong kasiyahan. Alam niya pa rin kung anong gusto ko. Kaya pala hindi niya na ako tinanong.

"C-Comfort room... muna ako." paalam ko ng hindi ko na mapigilan. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Dumiretso ako sa banyo at hinayaang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa ipinipilit itago.

Napahawak ako sa aking dibdib, dinadama ang sakit. Pinipigilan ang sarili na mapahikbi dahil baka marinig ako sa labas.

"Kapag ba pinakinggan kita, Naze mawawala itong sakit?" mahinang tanong ko na para bang masasagot niya iyon samantalang wala siya sa harap ko.

Nang kumalma ay inayos ko ang aking sarili. Tumingin ako sa salamin. Bakas pa rin doon ang natuyong luha at ang pamumula ng aking mga mata. Bahala na!

Lumabas ako at bumalik sa aming pwesto. Hindi ko na ginalaw ang pagkaing hindi ko naubos ng makitang tapos na siyang kumain.

"Ubusin mo muna yan." aniya.

"Hindi na. Busog na ako." sagot ko at tumango lang siya. Nananatiling nakatitig sa akin. Pinagmamasdan ang aking mga kilos. Napalunok ako. Wag niya sanang mapansin na kagagaling ko lang sa pag-iyak!

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Uh, oo! Napuwing lang kanina kaya medyo natagalan. Alam mo na... medyo masakit sa mata." paliwanag ko, tunog defensive. Nakakainis naman!

"Hmm..." almost teasing me

"Ano bang pag-uusapan natin?" agad na tanong ko.

"About us..."

"Aalis na lang ako kung ganon." agap ko at tumayo na.

"Please..." pakiusap niya at hinawakan ang aking kamay. Bumagsak ang tingin ko doon.

Nakakatawang isipin na umiiyak ako sa pangyayaring iyon, ni hindi ko alam ang buong pangyayari. Pero, masisisi niyo ba ako? Kung naduduwag ako na baka sakaling tama ang kutob ko, na baka totoong ginawa nga nila yun. Naduduwag ako...

"Naze."

"Eam, please?"

"Para san pa ba ang paglayo at pagkalimot ko sayo kung uungkatin natin? Can't you see? I am happy!"

"Okay! Sabihin na nating nakalimot at masaya ka na. Pero that past will make your mind clear from the questions you have!"

"Ano namang pakialam mo dun? I already answered that! Manloloko ka lang talaga!" inis na inis na ako. Agad akong lumabas ng kainan para sana maglakad na lang pauwi. Nabigo lang ako ng bigla niyang ipinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang at sapilitang hinila. Kahit na anong palag ko ay hindi niya ako pinakawalan, sa halip ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak
ngunit hindi naman ako nasasaktan.

Kulang na lang ay sumigaw ako para makawala sa kaniya. Pero, anong silbi ng sigaw ko kung walang makakarinig sa akin? Malayo na kami sa mga tao dahil palapit na kami sa sasakyan niya.

"Nazer, stop this." I said, almost begging.

"No! I won't stop until you know what really happened!" he reasoned.
Napailing nalang ako. Wala na talaga akong kawala sa kaniya. Isinakay niya ako muli sa kaniyang sasakyan. Ikinabit niya na rin ang seatbelt habang nakatitig ng mariin sa aking mga mata. Puno iyon ng pagmamakaawa at kalungkutan. Nag-iwas ako ng tingin at tumitig sa manibela na parang may inaabangan.

Nang matapos na siya sa kaniyang ginagawa ay umikot na siya at sumakay na. Binalot kami ng katahimikan. Walang nagtatangkang magsalita. Tumikhim ako dahil sa nakakabinging katahimikan.

"Eam, just hear me out..."

"Pinalayo kita diba? At sinabi ko rin na wag ka nang magpakita sa akin!" asik ko.

"But you also said, sa buong school year. Tapos na yun, Eam... Nagtiis ako kahit na gustong gusto ko ng magpaliwanag sayo! Pero alam kong galit ka sakin! Your rational thoughts will be clouded by the anger you have! That's why I let you go... hoping that you will listen to me when this time comes. Hindi kita pinilit na pakinggan ako kasi alam kong masakit pa rin. Hindi ako nagpakita sayo kasi ayokong mas magalit ka sa akin. Pero, Eam hindi ko na matitiis na hindi sabihin sayo ang totoong nangyari." mariin niyang paliwanag at nanatiling tahimik lang ako.

"Honey, stop running away from me because I will always chase you..." he softly said. Halos magkasugat na ang labi ko sa kakakagat. Pinipigilang huwag mapaluha. Hinahanda ko na ang aking sarili sa mga paliwanag niya dahil wala na akong kawala.

"Explain." tanging nasabi ko at tumango siya.

Shiela's Note

Hello, Shimies!!! Ang susunod na chapter ay point of view ni Naze. Sabay sabay nating alamin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa gabing iyon. Sabay sabay nating basahin kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ni Nazer. Totoo bang may nangyari kay Nazer at Hannah o wala naman talaga? Hmmm! Abangan!!!

Between (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang