CHAPTER 8

324 20 2
                                    



"Pupunta ako sa inyo mamaya. Magdadala ako ng makakain. Dun ako sa inyo kakain ng hapunan para sabihin na natin kay Tita na tayo na." nakangising sabi nya habang bumabyahe kami pauwi.

"Eh, kung bukas nalang kaya?"

"Ayoko. Dapat di natin pinagpapaliban yung ganitong mga mahalang pagkakataon. Haha! Bukas! Ipapakilala kila Mama!" masayang sabi nya.

"Ayoko, nakakahiya." sambit ko. Iniisip ko palang na makikita ko ang parents ni Naze. Shems! Kakaba!

"Sus! Mabait si Mama, Honey."

"Ayoko nga!"

"Please."

"Okay! Sige!" pagsang-ayon ko.

"I love you, hon." biglang sabi nya.

"I love you too, honey." at niyakap ko sya.

"Ang lambing mo ngayon, ah."

"Ay. Ayaw mo, honey?" panlalambing ko.

"Hon, kinikilig ako." natatawang sabi nya.

"Baliw! Haha! Bye bye na! See ya later." paalam ko ng makababa ako sa motor nya.

"Bye, hon. Wala bang kiss jan?" nakangising tanong nya. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi.

"Wala! Shuu! Alis na!" pagpapaalis ko at tumawa lang siya.

"Nagba blush ka, honey."

"Tse!" tanging sinabi ko at umalis na sya.

Nang makarating ako sa loob ng bahay ay nagbihis agad ako ng medyo maayos na damit. Pang ready to mamaya sa pagsabi namin ni Naze kay Mama na kami na. Pagkalabas ko ay nakita kong malalim ang iniisip ni Mama.

"Ma? May problema ba?"

"H-huh? Wala! Nako! Magluluto na ako."

"Wag ka na pong magluto, Ma. Dito kakain si Naze, magdadala daw sya ng pagkain."

"Huh? Bat naman?"

"Basta! Ma, magrelax ka lang jan. Maya maya nandito na yun." nakangising sabi ko kahit na halatang naguguluhan na si Mama.

7:30 P.M nang dumating si Naze. Mayroon syang dalang bag at tiyak kong pagkain yun. Agad ko syang pinapasok sa bahay.

"Good evening, hon." nakangiting bati nya.

"Shhhh! Wag ka ngang maingay!"

"Oopps... Sorry."

"Ma, nandito na si Naze!" agad na sigaw ko nang marating namin ni Naze ang kusina.

"Akin na yang mga dala mo. Ihahain ko na."

"Hindi. Dalawa tayong maghahanda nito para kay Tita." nakangiting sabi nito. Di ko pinatulan pa. Mukha talaga itong masaya ngayon samantalang ako ay kinakabahan sa sasabihin ni Mama. Pano ba naman, eh first time to!

Inihanda na namin ang mga pagkain na dala nya. Adobo, Menudo at Afritada ang dala nya.

"Sinong nagluto?" tanong ko.

"Si Mama"

"Huh? Eh, anong sinabi mo bat nagpaluto ka ng ganyan karami?" nagtatakang tanong ko.

"Secret, hon."

"O, Nazer? Andami naman ng pagkain na yan. Ano bang meron?" naguguluhan na ring tanong ni Mama.

"Kain muna tayo, Ma." nakangiting sabi ko at napilitan nalang syang tumango. Kumain na kaming tatlo at si Naze ang unang nagsalita sa gitna ng aming pagkain.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now