CHAPTER 17

258 11 2
                                    




"Karupukan!" sigaw ni Cath na umalingawngaw sa apat na sulok ng aking kwarto. "Akala ko nakita mong ganun yung ginagawa? Bakit di ka nakipagbreak?! Rafi naman! Napaka... napakarupok mo!" pangaral nito sa akin at nagtalukbong nalang ako ng kumot.

Sa pangyayari kahapon ay nagkaroon ako ng sakit. Dala siguro ng sobrang pagkapagod, physically at mentally.

"Hoy! Kinakausap pa kitang babae ka! Akala ko di ka marupok? Napaka... talaga!" inis na sabi ni Cath at hinila hila ang kumot ko.

"Cath naman... Isang pagkakamali palang yun. Baka naman nagsasabi siya ng totoo," pangungumbinsi ko sa kanya at maging sa sarili ko. Maging ako man ay hindi pa lubos na naniniwala sa mga nangyari. Masyadong padalos-dalos ang naging desisyon ko kagabi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mali, baka nga marupok ako.

"Ang tanga mo! Di ba ikaw na ang nagsabi sakin? Na alam mo ang kilos ng lalaki kapag lolokohin ka? Anong nangyari sayo mahal kong kaibigan? Rupok!" sigaw muli nito.

"Wag kang maingay! Baka marinig ka ni Mama," saway ko sa kanya.

"Hindi! Dapat marinig ni Tita na kaya ka nagkasakit kasi tumakbo ka sa ulanan dahil sa nakita mo ang panloloko ni Nazer! Napakatanga mo! Ano yung idinahilan mo? Nabasa ka kasi naglakad ka pauwi?! Buwiset ka talaga!"

"Cath, please... wag ka nalang maingay kila Mama." pakiusap ko sa kanya.

"Ewan ko sayo! Pero ito ang tatandaan mo ah? Hindi ako nagkulang nang pagpapaalala sayo! Kapag napatunayan ko lang talagang niloloko ka ng lalaking yan! Nako! Rafi, hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko." aniya at napayuko nalang ako.

"Cath, isang chance lang. Promise... kapag sinira niya yun. Hindi ko na ulit siya bibigyan pa." nakatungong sabi ko at napabuga na lang siya ng hangin.

"Anak, nandito na si Nazer." anunsyo ni Mama nang makapasok siya sa aking silid.

"Ok po, Ma," sagot ko at maya maya'y pumasok na si Naze. Agad namang napataas ang kilay ni Cath.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" malambing na tanong nito sa akin.

"Ayo—"

"Tanga ka ba? Sa tingin mo okay lang kalagayan niya? Eh, may sakit nga diba? Napakatanga!" asik ni Cath at agad ko siyang tinabig.

"Cath, sorry. Alam kong mali ang nagawa ko kahapon. Pinagsisisihan ko na yun..." nagsusumamo ang kaniyang mga mata.

"Hindi, Nazer! Okay lang na saktan mo yung iba pero yung kaibigan ko? Hindi! Ako nga, hindi ko siya magawang saktan, mga magulang niya, hindi siya sinasaktan. Pero ikaw? Anong karapatan mo?" emosyonal na lintanya ni Cath. Agad ko namang hinila si Cath palapit sa akin at niyakap siya.

"Hayaan mo lang siya, Cath." bulong ko sa kanya.

"Aalis muna ako dahil hindi ko alam kung ano pang pwede kong masabi," at agad na lumabas si Cath sa kwarto ko. Kaming dalawa lang ni Naze ang naiwan ngunit nananatili kaming tahimik. Umupo siya sa paanan ng aking kama at inabot ang aking kamay. Nasa pagtutol ako at naramdaman niya iyon kaya binitiwan niya ito.

"Hon, galit ka pa ba sakin?"

"Hindi."

"Iba ang sinasabi ng mga mata mo,"

"Anong gusto mong mangyari? Patawarin kita agad? Binigyan na kita ng pagkakataon at sinabi ko na rin sayo na wag kang aasa na babalik tayo sa dati. Tandaan mo, ikaw ang sumira sa atin..." mariing sabi ko. Iniingatang wag marinig ni Mama kung ano ang tunay na nangyari. Kahit na nagkaroon sakin si Naze ng kasalanan, hindi pa rin maaalis nun ang katotohanang mahal ko pa rin siya.

Between (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora