CHAPTER 31

281 8 1
                                    



"Anong meron sa kaniya?" nagtatakang tanong ko.

"Walang nangyari sa amin. Mali ka ng iniisip. I was desperate, lil sis. Pinasok ko ang cabin na tinutuluyan niya. I stripped and akala ko, ganun siya. Akala ko magugustuhan niya. Akala ko papatol siya sa akin at may mangyayari. Nagkamali ako! Pinagsisisihan ko iyon. I'm sorry. I'm so sorry, Rafi... Sorry dahil sinira ko kayo. Ako ang kay kasalanan. I don't deserve your kindness dahil sinaktan kita." maluha luhang sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Sa huli ay umiling.

"Pati ba naman ikaw? Kinausap ka ba ni, Naze para magpaliwanag sakin ng ganyan?" halos maghisteryang tanong ko.

"Maniwala ka sakin. Wala talagang nangyari. Kahit icheck mo pa yung CD!" aniya at halos mapasabunot sa buhok.

"Wag mo nang pagtakpan pa. T-Tanggap ko na rin naman, Ate." mahinang sinabi ko at iniwan siya. Nasa mukha niya pa rin ang pagtutol ngunit pinabayaan niya ako. Dumiretso ako sa aking silid at agad na humiga.

Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Matapos kong marinig ang lahat ng iyon kay Ate, parang gusto kong maniwala agad. Parang gusto kong, bigyan ulit siya ng chance. Yung last na talaga...

Limitasiyon! Muli kong naalala.

Tama na nga. Hindi na nga pwede ang another chance. Atsaka, anong CD ba ang pinagsasabi niya? Pareho lang sila ni Naze!

Nagising ako sa marahang pagtapik sa akin. Pagmulat ko ay bumungad ang nakangiting mukha ni Mama.

"Anak, tara. Maligo tayo ngayon. Beach tayo!" maligayang sabi ni Mama.

"Sige po," sagot ko at agad na bumangon. Naligo muna ako pagkatapos ay naghanda ng gagamitin sa beach. Lumabas ako at sumalo na sa pagkain ng umagahan.

Mailap pa rin ako sa mga tingin ni Ate. Hindi pa rin kasi naaalis sa isip ko iyon. Ayokong maniwala dahil baka nagsisinungaling lang siya.

"Anak, magpakuha ka ng litrato!" utos ni Mama sa kalagitnaan ng pagsasaya namin sa beach. Hindi kami sa Calle Rusto naligo kundi sa Calle Sagara, unahan ng resort nila Naze.

Naze na naman! Hindi mawala sa isipan! Shems!

"One. Two. Three, smile!" sabi nung kumuha samin ng litrato at sabay sabay kaming napatawa.

Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang litrato namin sa laptop. Ang kauna-unahang family picture namin. Kapwa masaya kaming nakangiti sa litrato.

"Ang ganda ko jan!" sabi ni Ate na nasa likuran ko.

"Pangit!" pang-aasar ko sa kaniya at agad siyang tumawa. Simula kaninang umaga, nang hindi niya na binanggit ang tungkol kay Naze ay naging magkasundo kaming dalawa.

Siguro kung sa ibang sirkumstansiyan kami nagkakilala ay baka mas malapit kami sa isa't-isa.

"Photopaper?" tanong ko ng mapansing wala na nun sa tabi ng printer.

"Ubos na ata." kibit balikat na sagot ni Ate.

"Nasa kwarto namin. Kunin mo dun, Hannah!" utos ni Mama.

"Ako na lang." presinta ko at tumango lang si Ate. Siya naman ang pumalit sa iniwan kong pwesto.

Pagkapasok ko sa kwarto nila Mama ay tinungo ko ang drawer. Pagkahila ko ay nalaglag ang mga libro at nahulog ito sa sahig. Dinampot ko iyon at ibinalik sa pwesto. Kumuha na ako ng photopaper at isinarado ang drawer.

Akmang aalis na ako ng may makitang CD sa ibaba, kung saan nahulog ang mga libro kanina. Natigilan ako at dahan-dahang kinuha yun.

Tinitigan ko ang CD na hawak. Kinuha ko iyon sa bubble wrapper at nahulog ang isang papel.

Kinakabahang kinuha at binuklat ko iyon. Sumasagi na rin sa isip ko ang sinabi ni Naze.

This is the answer and the proof. I did not cheat. I love you. Hope you watch it, honey.

Nanghihinang nabitawan ko iyon. Hindi siya nagsisinungaling! Nagsasabi siya ng totoo.

Pero...

Bakit tinago 'to ng mga magulang ko? Anong dahilan nila para gawin ito? Bakit?!

Agad kong ibinulsa ang CD at sulat niya. Lumabas ako at ngumiti na parang walang nangyari. Mamaya ko ito papanuorin, pagkauwi ko sa San Limaco.

Hapon na ng nagbyahe kami pauwi sa San Limaco. Buong byahe ay tulala ako.

Kapag ba mapanuod ko ito at mapatunayang wala naman talagang nangyari, babalik na kami ni Naze sa dati?

Paano yung limitasiyon ko?

Pero kasi, in the first place yun naman talaga ang dahilan ng hindi ko pagbibigay sa kaniya ng chance, ang kasalanan niya.

Hanggang sa makababa kami ay tulala pa rin at magulo pa rin ang isip ko.

"Anak, okay ka lang?" tanong ni Mama nang makapasok kami sa bahay.

"Opo," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Dito na kami matutulog," aniya at tumango lang ako. Iniwan niya ako ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Dumiretso ako sa aking silid at kinuha ang laptop. Isinalang ko ang CD at sinimulan na ang panunuod.

I saw Ate Hannah, stripping her clothes off. She lay on the bed and she moaned loud.

DESPERADA NGA!

Maya-maya ay nakitang kong lumabas si Naze at nang makita si Ate ay agad na tumalikod. Hindi ko masyadong marinig ang sinabi niya ngunit sigurado akong naiinis siya.

Halos mapasigaw ako ng lumapit si Ate kay Naze at agad na hinalikan.

Then a memory flashed on my mind. Ang picture na ipinasa ni Ate!

Parang nandidiring itinulak ni Naze si Ate at nagmadaling pumasok sa banyo. Malabo ang sigaw ni Naze ngunit maya-maya'y nagbihis at lumabas na si Ate.

Pagkaraan pa ng ilang minuto, lumabas si Naze ng nakabihis na. Tsaka ko lang napansin na nakalatag pala sa kama ang damit na sana ay susuotin niya.

Nagmamadaling lumabas siya at dun na nagtatapos ang CCTV video. Saka ko pa lang napansin na napahinto pala ako sa paghinga. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. I don't care anymore! Wala na akong pakialam sa limitasyon! Besides, ako lang din naman ang gumawa nun.

Bukas na bukas. Kailangan ko ng ayusin ang lahat. Lalo pa't nasaktan ko siya ng sobra nung biyernes.

Humiga na ako at inisip ang mangyayari bukas.

Ganito, lalapit ako sa kaniya at sasabihing patawarin niya ako dahil hindi ako nakinig sa kaniya.

Teka!

Masyadong mabilis!

Uutusan ko nalang si Cassy na sabihan si Naze na alam ko na ang lahat at naniniwala na ako sa kaniya.

Kaso ang pangit nga naman nun. Hindi sincere. Tapos hindi ko pa malalaman ang reaksiyon niya.

Itetext ko siya. Tama! Tapos sasabihin kong magkita kaming dalawa dahil may mahalaga kaming pag-uusapan?

Pero paano kapag di siya pumayag? Lalo na't sinabi kong layuan niya na ako.

Gulong-gulo na ako! Paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat ng nalaman ko?

Ayoko namang magmukha akong desperada sa pagpapaliwanag para lang magkabalikan kami ulit!

Shems! Ano na, Rafi?

Sa maraming pagkakataon, kinatulugan ko na lang ang pag-iisip.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now