CHAPTER 7

350 21 0
                                    



Maaga akong nagising para di malate. Kahit na halos di ako makatulog kagabi dahil sa pangyayari na yun. Ang first kiss ko, wala na. Naligo na agad ako bago kumain. Nagtatakang napatingin sakin si Mama habang kumakain ako.

"Nak, wala ka bang tulog?" tanong nya habang tinititigan ako.

"Huh? Natulog kaya ako." totoo naman eh, kaso unti lang.

"May eyebags ka. Medyo malaki. Bat ka naman napuyat, anak?"

"Di ko rin po alam, Ma. Basta po mahirap makatulog kagabi."

"Aba'y baka naman iniisip mo si Kim Nazer. Nako! Papaluin ko yun kapag nalaman kong nakakasira sya sayo."

"Ma naman. Walang ginagawang masama sakin yung tao." meron! Yung first kiss ko.

"Siguraduhin mo lang." sabi nya at muling lumabas sa bahay. Tinapos ko na ang pagkain ko at nagtoothbrush. Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan ang reminders ko para sa araw na ito. Halos manlaki ang mata ko ng makita na ngayon ko sasagutin si
Naze! Jusme! Sasagutin ko pa ba? Ninakawan na ako nun ng halik.

"Anak! Nandito na si Nazer sa labas!" sigaw ni Mama at agad akong lumabas ng bahay.

"Good morning, Rafina Eam!" nakangiting bungad nya. Ni hindi ko man lang kayang ngumiti sa kanya dahil lamang ang pagkairita ko dahil sa panghahalik nya!

"Period days?" bulong nya habang naglalakad kami papuntang kalsada. Inirapan ko lang sya. How could he act normal? Bwesit sya!

"Bad mood ka, Eam?" tanong nya ulit at inirapan ko sya.

"Sino bang matutuwa sa ginawa mo, huh? Mahalaga sakin yung first kiss ko! Ibibigay ko lang kasi yun sa harap ng altar. Kasama yung lalaking kasama ko habang buhay. Yun ang gusto ko! Pero wala na! Sira na yung pangarap ko." kalmado ngunit mariing sabi ko.

"Eam, sorry."

"Sorry? Ok lang!" inis na sabi ko at inunahan sya sa paglalakad.

"Eam, sorry. Gagawin ko lahat para mapatawad mo ko."

"Bahala ka jan! Tara na! Male late na tayo." pagtataray ko at umangkas na sa motor nya. Pagdating sa room ay di ko pa rin sya pinapansin. Agad akong hinila ni Cath nang papaupo palang ako. Tsk. Alam nga pala nila na ngayon ko sasagutin si Naze. Dinala nya agad ako sa Canteen at tama ang hinala ko, nandun si Denver. Umupo na kami ni Cath sa upuan dun sa table ni Denver.

"Anong plano?" tanong ni Denver habang nakatingin sakin.

"Di ko nalang muna ata sya sasagutin." pag-amin ko.

"Bakit?!" in chourus na tanong nila.

"Naiinis ako sa kanya." tanging sinabi ko.

"Alam nya ba na galit ka sa kanya?" tanong ni Denver.

"Oo! Malamang!"

"Hmmm... May sinabi ba syang gagawin nya ang lahat?" aniya at tumango ako. Malademonyong ngumiti si Denver.

"May plano ka?" tanong ni Cath kay Denver.

"Meron." nakangiting sabi nya at agad nyang ibinahagi samin ang plano kung pano ko sya sasagutin. Bumalik kami sa room at saktong pagdating lang yun ng aming guro. Hindi ako tumabi kay Naze dahil alam kong kukulitin ako nun para mapatawad ko sya. Alam ko rin sa sarili ko na mapapatawad ko yun agad kapag nag effort na.

Natapos na ang klase namin para sa umaga. Di pa ako nakakatayo nang bigla akong ikulong ni Naze sa upuan ko gamit ang dalawa nyang braso. Napatingin ako sa kanya at inirapan ko.

"Eam, sorry."

"Papatawarin kita kung gagawin mo ang mga gusto ko. Alis!" pagtataboy ko at tinulak ko sya. Hinablot ko kaagad ang bag ko at tumakbo palabas. Hinila naman ako nila Cath at Denver. Pumunta kami sa rooftop ng building at nakita kong naka assemble na yung table para samin.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now