Chapter 19: Love and Chances

12.2K 584 93
                                    

Chapter 19: Love and Chances

THE CLAN of Lanza in Monte Amor never fail to welcome a family with warmth and laughters.

"Welcome back, Eunice!" sigaw nina Peter at Jude, nagpaulan pa ng confetti na gawa sa tuyong dahon.

Natawa siya at yumakap sa dalawang pinakamakulit na pinsan ng asawa. "I miss you both!"

"Bakit si Eunice lang wine-welcome niyo?" ani Frances habang buhat ang isa sa triplets.

"Welcome back, Frances! Kahit palagi ka naman dito!" bati nina Andrew at Titus, nagsaboy din ng tuyong dahon bilang confetti.

"Uncles, me too! I like confetti!" ani Cyla at bumitaw kay Terrence para lumapit sa mga tito nito.

"Of course, baby girl!" ani James. "We never forgot about you." Nagsaboy ito ng makulay na confetti. Cyla giggled and twirled around.

"Sa dalawa naming pinsan diyan na mga ulirang husbands, welcome din sa inyo!" nakatawang pagbati ni Peter kina Terrence at Matthew.

"Kailan ka ba mag-aasawa, Peter?" tanong ni Matthew na karga ang dalawang lalaking baby sa triplets. May suot itong baby carrier sa likod. At isa pa sa harap.

"Uy, tatay na tatay na dating mo ngayon, ah!" sabi ni Titus at saka kinuha ang isang baby dito. "Parang kailan lang, torpe ka."

Nagtawanan ang magpipinsan, pero poker-face si Matthew.

"Sino 'yon?" turo ni Jude nang makita ang police car na nasa likod ng ginamit nilang van na sumundo kanina sa kanila sa airport.

Lumingon si Terrence. "It's Minnah. Siya ang sinasabi ni Matthew sa inyo na ilalagay muna sa safe house."

"'Yung ex-girlfriend mong church girl dati?" kumpirma ni Titus.

Tumawa si Peter. "Frances, the first love present," sabay turo kay Frances.

"Rachelle, the angel, present," ani Andrew, sabay turo sa langit.

"Minnah, the good girl, present," sabi ni James sabay turo sa police car.

"Eunice, the true love, present," sabi naman ni Jude sabay turo sa kanya.

"Aba, Pastor Terrence, hindi mo naman sinabing may reunion ka ng mga babaeng bumihag sa puso mo?" sabi ni Peter.

Nagtawanan ang magpipinsan, pinakamalakas ang kay Matthew. Natawa din si Eunice kasi ngayon niya lang din na-realize 'yon.

"Aguy!" daing ni Matthew dahil siniko ito ni Frances.

"Bakit ka tumatawa diyan?" mataray na sita nito sa asawa.

Terrence turned to her. Nakakunot ang noo.

Nahinto siya sa pagtawa at napalabi.

Umakbay si Titus kay Terrence. "Pambato ka talaga ng lahi natin. Ang brown-eyed lover boy ng Monte Amor, Engr. Terrence David Lanza Aranzamendez!"

Nagtawanan na naman ang mga ito.

"Happy na kayo?" sarkastikong sabi ni Terrence. "Happy na?"

Tawa pa rin ng tawa sina Peter, Jude, Andrew, Titus, at James. Pigil ang tawa ni Matthew dahil ang sama na ng tingin dito ni Frances.

Eunice can feel her husband's irritation. Alam niyang makikitawa din ito sa biro kung nasa mood lang. Pero alam niyang masama ang timpla ngayon ni Terrence.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon