Chapter 15: Love and Revelations

10.9K 533 84
                                    

Chapter 15: Love and Revelations

LUMABAS lang si Eunice ng opisina ni Madame Lilou nang na-contact niya na si Terrence para magpasundo.

Her boss' bodyguards escorted her out. Nakita niya sa labas si Terrence at may naghihintay na ring Uber car para sa kanila.

"Merci beaucoup," nakangiting pasasalamat niya sa tatlong bodyguard. Naiwasan niya nang makita ang mga tingin sa kanya ng mga ka-opisina dahil sa mga ito.

Patakbong lumapit siya kay Terrence. Sinalubong naman siya ng mainit nitong yakap. He kissed her forehead, then opened the car's backseat door for her.

"Saan ka galing?" tanong niya rito.

"Kinausap ko si Lucien," diretsang sagot naman nito.

Napakurap siya. "And?"

Pinisil nito ang kamay niya. "He's not the one behind it. He promised to help clear your name. I demanded him to."

There's this defined authority and conviction in Terrence's eyes and voice. Minsan lang 'yon lumalabas. She can't oppose that.

Tumango na lang siya. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob kay Lucien, pero kung ang asawa niya na ang pumayag, ibig sabihin nabigyan ito ng go-signal ng Diyos.

"What did the management tell you?"

Kinuwento niya ang lahat ng napag-usapan nila ni Madame Lilou. Hindi pa rin bumabalik ang sigla ni Eunice, pero kalmado naman na ang emosyon niya.

"So, you'll be jobless after our vacation."

Tumango siya. "It's okay. Mainit ang mga mata sa'kin. Hahayaan ko muna sina Claudine o kung sino pang gustong wala ako doon. This is not a defeat. Or if it is, I don't feel like a loser naman."

Humilig siya sa balikat nito. "I've survived situations worst than this. Chicken feed na lang."

Terrence chuckled. "You're strong, baby," he reassured her. Dumampi ang mga labi nito sa bumbunan niya. "Malalaman din natin kung sino ang nasa likod nito."

Tumango lang siya at saka pumikit. Bahagya siyang napahikab.

"Gusto mo pang tumuloy sa Champagne? I think you need a rest away from this city."

Tumango lang siya at mas sinandig ang katawan sa asawa. She wanted to take a nap, first. Para naman mabawi niya ang sigla at lakas mentally at emotionally...

Eunice felt Terrence secured her inside his warm embrace... Tuluyan na siyang nakatulog.

Pagkagising niya ay nasa loob pa rin sila ng sasakyan. Nakaayos na siya ng higa. Her head resting againts a pillow over Terrence's lap.

Napakurap siya at bumangon. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay mga yellow fields at mountains na ang nakikita niya. She blinked twice.

"Where are we?" lingon niya sa asawa.

He smiled. "We're on our way to Champagne. Tumawag si Geoff sa'kin at nagtanong kung tuloy ba ang stay natin sa villa ng mga Martin. When I said yes, he provided this service car."

Nagala niya ang tingin sa sasakyan at sa driver. Iba na nga iyon sa sinasakyan nila kanina!

"Hindi na kita ginising kanina. I just carried you and loaded our things here when we reached the apartment."

She rubbed her eyes. "Hindi man lang ako naalimpungatan?" Then, she looked outside the window, again. Pababa na ang araw...

"How was your sleep, baby?" he gently asked, hand combing her long hair.

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now