Chapter 18: Love and Exposition

11.6K 496 66
                                    

Chapter 18: Love and Exposition

HINDI nag-aksaya ng oras si Eunice at agad niyang tinawagan si Terrence.

"Baby, what's up?"

"Terrence, Minnah needs help!" natatarantang sabi niya habang nakatingin sa cupcake. "I can't calm down, I think she needs help to get out of the gang."

"W-What? Eunice, talk slowly. What do you mean?"

"You're with her, aren't you? Tawagan mo si Matthew. I think something's wrong." Huminga siya nang malalim at pinakawalan iyon para kumalma ang sunod-sunod na hampas sa dibdib.

Kinuwento niya ang tungkol sa cupcake na natanggap mula sa babae. "Minnah's asking for help!"

"I'll call Matthew." Nag-iba ang tono ng boses nito. Tila naalarma na din pero piniling maging kalmado. "Pick-up Cyla from school. After that, umuwi kayo agad. Lock all the doors. I'll double your security. And... please, pray."

"Terrence, please be safe." Kinuha niya ang susi ng kotse at lumabas ng bahay. "Alam kong pumayag tayong magpagamit ka sa misyon na 'to dahil nangako si Matthew na harmless ang magiging operation. But we didn't know Minnah could be in trouble."

Paano kung ayaw na talaga nitong gumawa na ng masama? What if she wanted to go back to a normal life for her children? Pero hawak sa leeg ng gang? Paano kung gusto na nitong tumigil pero hindi alam kung paano makakawala?

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ni Eunice.

"I'll take care of this, Eunice. Huwag mo masyadong isipin. Kay Matthew at sa team niya ang problemang 'to. Pray, alright? Sundin mo lang lahat ng sinabi ko. Huwag kayong lalabas ni Cyla ng bahay hanggang sa hindi ako nakakauwi."

"Okay..."

May mga ibinilin pa si Terrence bago matapos ang tawag. Nagdasal siya para kumalma. Humingi siya ng proteksyon at paggabay sa Diyos.

Maybe Eunice overreacted. But if Minnah's asking for help, what could it mean? May iba pa bang ibig sabihin 'yon? At bakit sa kanya nanghihingi ng tulong?

Pagdating niya sa school ni Cyla ay naghihintay na ito sa kanya. Agad itong sumakay ng kotse at umuwi na rin sila kaagad.

"Wow, cupcakes!" bulalas ni Cyla pagkauwi nila at nakita nito ang cupcakes na bigay ni Minnah.

Kinandado niya ng maigi ang pinto ng bahay. "Don't touch that, sweetie. Let's bake together na lang. We'll make our own."

"Really, Mommy?"

Nilingon niya ito at niyuko. "Change your clothes upstairs. Get your apron, also. Tapos magbe-bake na tayo."

"Okie dokie!"

Ibinaba niya ang window blinds nang masigurong naka-lock na rin ang mga bintana. Pumunta din siya sa kusina at ni-lock ang backdoor. Umakyat siya at ni-lock ang mga pinto palabas ng balcony.

Hindi naman ganoon ka-delikado ang gang dahil low profile lang naman ang mga ito. Pero sinabihan na siya ni Terrence at Matthew na sa oras na kailangan nang hulihin ang gang ay kailangan doble ang pag-iingat.

She sighed when she was able to lock the last door successfully. She won't overthink, but she will keep alert. Hihintayin niyang makauwi si Terrence at hindi gagawa ng mga bagay hanggang sa walang utos ito.

"Mommy, I'm ready to bake!" Lumabas si Cyla ng kuwarto nito. Nakasuot na ng apron at nakatali sa dalawang pigtails ang buhok.

She smiled and held her stepdaughter's hand. "Can you pray with Mommy, first?" Lumuhod siya sa harap nito. "Will pray for your Papa and Daddy Matthew. And you know Miss Minnah, right?"

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now