Chapter 12: Love and Secrets

10.1K 485 15
                                    

Chapter 12: Love and Secrets

EUNICE was still processing what she saw until the next day.

Sumasama ang loob niya sa paglilihim ni Soleil. Pero may kabilang parte ng puso niyang gustong maniwala na may ibang kuwento ang kaibigan.

Oo, may ibang kuwento. May kuwento naman talaga sa lahat ng bagay.

Pero kapag tinanong niya ba si Soleil ay sasabihin nito ang totoo? O gagawa lang ng kuwento para lang mapagtakpan ang namamagitan dito at kay Lucien?

Eunice, Soleil is not like that! Mind your thoughts. Calm yourself.

Napapikit siya at napabuntong-hininga.

"Why are you so bothered about it?" tanong ni Terrence habang sabay silang nag-aagahan.

Iyon pa ang isa sa kinaiinisan niya sa sarili. She was too bothered! Naapektuhan pati ang quiet time niya kanina. Nagdasal na siya pero hindi pa rin natatahimik ang loob ng utak niya. Nagbasa na rin siya ng Bible pero hindi naman related sa current situation niya ang nabasa.

"I just can't..." Eunice sighed. "I don't know. Para akong... na-manipulate or what."

"Dahil?"

Napaangat siya ng tingin dito. "Soleil's my closest friend, Terrence. Alam niya kung paanong malaking abala sa'kin ang mga pangungulit ni Lucien. Pero wala man lang siyang nabanggit na matagal na pala silang nagkikita nang palihim? At pumapayag lang si Sol na binu-buwiset ako ng ka-date niya?"

Anong klase naman iyon? Anong klaseng pagkakaibigan ang mayroon sila?

Napakunot-noo ito. "Sigurado kang matagal na silang nagde-date? Sigurado kang pumapayag lang si Soleil sa mga ginagawa ni Lucien sa'yo?"

Napakunot-noo na rin siya. "Why are you grumpy?"

He sighed. His tone gentler. "You're concluding things and worrying too much, Eunice. Hindi mo pa nakakausap ang kaibigan mo pero masama na agad ang iniisip mo sa kanya," diretsang pananaway nito sa kanya. "Aren't you aware you're subtly judging your friend, too?"

Napakurap siya. "I-I just have too much questions in my head. Katatapos lang nang nangyari kay Addie, and then I saw Soleil kissing a man who tried to—," bigla siyang natigilan. Hindi pa pala nito alam na pinagtangkaan siyang halikan ni Lucien.

"Who tried to what?"

"T-to flirt with me even though I'm married." Napayuko siya. Her heart felt heavier. "B-But maybe you're right. I was judging Sol already. I need to ask her properly..." Tumayo na siya at hindi na tinapos ang pagkain.

"Eunice, you're not finished with your food yet."

Sumama na nang tuluyan ang loob ni Eunice. Ang babaw pero parang sa tingin niya, nasa ibang tao pa ang simpatya ng asawa niya. Na mas kampi pa si Terrence kina Lucien at Soleil.

Huwag mababaw, Eunice.

She ignored that voice inside her head. Sinuot niya ang trench coat at kinuha ang shoulder bag at briefcase.

"I'm going to work," mahinang paalam niya.

Narinig niya ang pag-urong ng upuan. "Ihahatid na kita."

"No," she said with conviction.

Hindi kumibo si Terrence.

Palabas na siya ng pinto nang yakapin siya nito mula sa likod. His strong arms wrapped around her waist.

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now