Chapter 23: Your Love Chose Me

13.2K 614 126
                                    

Chapter 23: Your Love Chose Me

One week earlier...

ALAM ni Eunice na kung hindi siya babalik ng Paris ngayon, hindi na siya makakaalis na lang basta-basta.

Tinapos niya ang sinulat na note para sa asawa. Pagkatapos ay iniwan iyon sa ibabaw ng Bible nito para agad nitong mabasa.

Pagkatapos niyon, kahit mabigat sa dibdib, dahan-dahan siyang umalis ng bahay habang natutulog pa si Terrence.

Sorry, baby. I'm so sorry. I promise, I'll come back. I'm sorry...

I'm sorry. For tricking my husband. I'm sorry. Last na po talaga.

Paulit-ulit iyon sa utak niya hanggang sa makalabas siya ng bahay, makarating sa airport, at makasakay ng eroplano papuntang Paris.

Nagdadasal lang siya buong oras na nasa eroplano siya. She turned off her phone, so that she can have peace. And that she can evaluate herself more.

Sa lahat ng inamin at sinabi kahapon ni Terrence sa kanya, totoong nagulat siya. Nanikip ang dibdib niya. Eunice was not aware that Terrence felt and thought that way...

But she was moved by his honesty, sincerity, and faith.

Kaya siya nagdesisyong tuluyan pa ring bumalik ng Paris ngayon—kahit isang linggo lang. Isang linggo lang.

Eunice knew she got to settle down things first. By her own.

Like Terrence, she had her own personal battle to face, to overcome...

Nang nasa Paris na, iniwan niya ang dalang maleta sa apartment at pagkatapos ay dumiretso kay Tita Gena.

Agad siyang sinalubong ng ginang nang makita siya nito sa gate. Mahigpit siya nitong niyakap.

"Nakabalik ka na agad, hija!"

"It's nice to see you, again, Tita."

"I didn't expect you'll come to see me first." Masuyo nitong hinawakan ang kamay niya. She felt like her late mother was holding her. "Halika sa itaas. Let's have some tea."

Wala pa man siyang sinasabi pero naramdaman agad ni Tita Gena na may kailangan silang pag-usapan.

Tita Gena served Eunice's favorite lavender tea. May sliced baguettes din at French macaroons. Nakaramdam siya ng gutom kaya't kumain agad siya. Muntik nang mawala sa isip niya na baka nagugutom din ang baby niya!

"Alright, I know you want to say something," Tita Gena softly said. Umupo ito sa tabi niya. "Go ahead, hija."

"I'm pregnant, Tita."

Napasinghap ito at agad na kumalat ang saya sa buong mukha. "Congratulations, hija!" maligaya nitong bati at niyakap siya. "How many weeks?"

"Six weeks po..." Nangilid ang luha sa mga mata niya.

Natigilan ito at hinaplos ang pisngi niya. "This is a blessing, hija. Because you obeyed the Lord."

Napayuko siya. "I need to go back to the Philippines, Tita. I need to leave the church... the ministry... the kids..."

"Don't be sad, Eunice. Leaving us does not mean you're leaving God."

Eunice bursted into tears.

Niyakap siya ng ginang at maingat na inugoy na parang isang ina sa anak.

"H-Hindi ko po alam ang mararamdaman ko, Tita. Masaya po ako p-pero... pero natatakot po ako. What if this will end up in a miscarriage because of my condition? What if I won't get to hold of my baby, again?" iyak niya. Iniyak niya ang lahat ng takot.

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now