Chapter 10: Beautiful Love

13.1K 584 114
                                    

Chapter 10: Beautiful Love

MAYBE the only good thing that day was it's Saturday. Eunice does not have to get up early for work. The sun was obviously proudly up, but she can't seem to find her energy to start the day.

Hindi magawang madilat ni Eunice ang namumugto pang mga mata. She cried for five hours straight while Terrence tried his best to console her. Nang naibuhos niya na lahat ng lungkot at sakit sa mga nangyari at sinabi ni Addie, nagawa na siyang pakalmahin ng asawa.

Hindi niya alam kung paano siyang nakatulog. The last thing she remembered was Terrence was praying for her.

"Father God..." she whispered. She wanted to pray, but, "Lord..." that's all she can utter.

Nagtalukbong siya ng kumot, binalot niyang mabuti ang sarili hanggang ulunan. She curled up and tried to sleep, again. Ngayong araw lang. She just wanted to rest and put everything in silence.

Ang sabi sa kanya ni Terrence ay gagawin daw nito ang makakaya para makapunta agad ng Paris para sa kanya. But, she also realized how selfish and unpractical it was for her to demand something like that.

Sa huli, napagkasunduan nila na mas maaga na lang itong bibisita. Imbes na dalawang linggo pa ang hihintayin niya ay next week, darating na ang asawa. Alam naman ni Eunice na lahat ay gagawin ni Terrence makapunta lang sa kanya ngayong araw. But, it's too much for a bother.

Wala namang malalang nangyari sa kanya. Hindi naman niya ikamamatay ang mga sinabi ni Addie at ang desisyon nitong mas piliin si Caelan.

"Ouch..." mahinang daing niya nang may kumurot sa dibdib niya. Pero inignora niya iyon. She just want to... rest. From every emotion, from every understanding, from every... thing.

Nakabibingi ang katahimikan. Mag-isa lang si Eunice sa kuwarto niya at sa buong apartment. Naririnig niya na ang nangyayari sa labas ng bintana.

Madalas kapag ganito katahimik, masarap kausapin ang Diyos, magbasa ng Bible, mag-record ng devotions niya... However, Eunice was low in spirit. Alam niyang bilang Kristiyano, hindi dapat ganito...

Dapat alam niya kung paano lalong kumapit... She experienced worst than this... She lost a child, but conquered it.

What should be the difference now, right?

She sobbed. Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang maiyak habang nag-iisa.

The difference was obvious.

Terrence is not here.

Tita Gena is currently in Italy to visit her children and grandchildren. Soleil has her own way of coping. Her Dgroup members have their own troubles that Eunice does not want to add to their load...

Sa tingin siguro ng iba, mababaw lang ang problema niya. Hindi naman siya ang nag-iisang taong iniwanan ng kaibigan...

But that's not just the case. She can feel herself wanted to hide from God. To run away when she knew she should not.

She's alone...

Napahagulgol na siya nang iyak. "God, I'm sorry...Please, send someone for me," she begged like a child. "I know You are always with me... Just please, my Father, use someone to be with me. So, I can feel You more."

Nakatulugan na naman ni Eunice ang pag-iyak. Nagising lang siya nang kumalam ang sikmura. It's already twelve in the afternoon.

Wala siyang lakas para gumalaw at gumawa ng sarili niyang pagkain. Tumayo lang siya para uminom ng tubig... She also checked her phone, Terrence texted her. May tatapusin lang daw itong urgent issue sa construction site at pagkatapos ay tatawagan siya nito.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon