Chapter 3: Unacknowledged Love

14.6K 549 43
                                    

Chapter 3: Unacknowledged Love

Year 2019.

"Miss Arguelles!"

Napapitlag si Eunice at nagising sa pagkatulala. When she turned to face the front, she saw her professor looking at her, eyes wide open in annoyance.

"You're not paying attention, Miss Arguelles!" the old woman said in French. "Ito ba ang ipapalit mo pagkatapos kitang tanggapin dito sa klase ko?"

Hindi niya magawang makasagot. Siya naman ang may kasalanan. Hindi talaga siya nakikinig habang nasa klase.

"Je suis desole, madame. I-I'm so sorry..."

"Excusez-moi, madame," sumingit si Addie. "Eunice is just pre-occupied. But you can trust she'll do well in this class."

Umirap ang professor. "Just make sure she'll pay enough attention to my class. I've heard Miss Arguelles is also taking the subjects she dropped last semester." Umiling-iling ito. "Hindi ko iyan tatanggapin kung hindi lang nakiusap ang ibang professors sa'kin."

Eunice's heart is too broken, she can't be offended anymore. Para maka-graduate pa rin siya sa tamang oras, sinabihan siya nina Addie at Soleil na kunin ang mga na-missed niyang mga klase bilang back subjects. Iyong mga major naman ay isabay sa pre-requisites.

Dahil paborito si Eunice ng ilang professor ay pinayagan siya. May iba naman na hindi pumayag, pero nadala sa pakiusap ng ilang professors. Pati sina Addie at Soleil ay kasama sa mga nakiusap para makabalik lang siya...

Kahit papaano, nakatulong ang pagbalik niya sa fashion school with heavy subject loads and a tight schedule. Hindi niya masyado naiisip si Terrence at kung ano na kayang ginagawa nito sa Pilipinas.

Unless, bigla na lang siyang natutulala sa kalagitnaan ng klase katulad ngayon. Ang discussion kasi ay tungkol sa mga telang hindi harmful para sa mga sensitive skin na katulad sa mga baby...

Hindi napigilan ni Eunice ang sarili na isiping nagkabalikan na kaya si Terrence at si Rachelle? Is he taking care of her pregnant girlfriend? Namimili ng mga kailangan para sa baby? Eunice bet he's excited and happy now...

"Eunice..." kalabit sa kanya ni Soleil at tinuro ang kaibigan nila.

Napakurap-kurap siya at nakitang si Addie na ang nakikipag-diskusyon sa professor.

"Addie..." pigil niya sa kaibigan na kaunti na lang ay mumurahin na nito ang professor nila. "Tama na," bulong niya rito sa tagalog. "Tama na, please. Uuwi na lang muna ako."

Tumikom ang bibig ni Addie.

Tumaas ang kilay ng professor. "You, brats, act as if you owe your professors. Learn to respect, especially when you owe someone a favor."

"I'll just leave, Madame," singit ni Eunice. Ngayong naalala niya na naman si Terrence, hindi naman na siya makakapag-focus pa.

"Better, Miss Arguelles. Come back when you're ready to listen," sabi ng professor at bumaling na sa buong klase. "Find a partner, so you can start with your designs."

"Stay here," sabi niya kay Addie. "Mag-partner kayo ni Soleil. Tapos turuan niyo na lang ako kapag tapos na. Nasa apartment lang ako."

Inirapan lang siya ni Addie.

"Are you going to be alright alone, Eunice?" nag-aalalang tanong ni Soleil.

Nagkibit-balikat lang siya. Bahala na.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon