Finale

401 18 4
                                    


"Ms. Klite 5 minutes nalang po" tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pag aayos.

Ngayon kasi yung release ng collab song namin and sa mismong concert namin yon ipe-perform. Yes, we got a concert para sa collaboration namin ng SB19.


Big event 'to kaya pinag handaan ng maigi.  Sobrang dami ng preparations and ang tagal pinag planuhan ng bawat detalye ng concert. Isa kasi ito sa pinaka malaking concert event na mangyayari sa Pilipinas.


Tiningnan kong maigi ang ayos ko at napa ngiti ako.

This is it! kaya ko 'to, kaya naming anim 'to!


Tumayo ako at nag stretching pangpa tanggal ng kaba. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito ang unang concert ko pero bakit sobra yung kaba ko ngayon.


May kumatok sa may pinto, akala ko ay isa ulit sa mga staff pero yung lima ang magkaka sunod na sumilip doon. Nginitian ko sila at sinenyasan na pumasok.

Mga naka ayos na sila mukang ready na ready na. Hindi rin ako maka bakas ng kaba sa mga mukha nila.

Sana all...

"ready ka na ba Klite?" excited na tanong ni Jah.

"hmm oo..ata" naka ngiwing sagot ko.

"bakit ganyan ang mukha mo parang di ka excited?" tanong ni Stell.


"eh kasi... kinakabahan ako kanina pa" pag amin ko. Lumapit sakin si Ken at biglang hinawakan ang kamay ko at iwinasiwas.


"shake off mo lang yan" naka ngiting sabi niya.


"kamay!!" sigaw ni Josh at biglang tinapik yung kamay ni Ken kaya napa bitaw siya sakin.

Napa tawa nalang kami sa ginawa ni Josh. Hayss kahit kelan talaga napaka seloso.

"tara pray muna tayo malapit na mag start"  sabi ni Sejun.


Agad naman kaming pumwesto pabilog at nag akbay-akbay gaya ng kinagawian nila. Nag prisinta si Josh na mag lead for the first time ata.

"Lord guide us to do this concert well and please don't let any bad things happen to us and to all our fans and sana po maging successful yung plan Amen"

Agad naman kaming nag group hug nang matapos si Josh sa prayer.


"We can do this! Get in the zone!" inilagay ni Sejun ang kamay niya sa harap. Agad naman naming ipinatong ang kamay namin don.


"Break!" sabay-sabay na sigaw namin sabay taas ng kamay.



Nag perform na kami ng opening performance namin. Sobrang saya lang dahil maayos ang lahat. Organized lahat at sobrang smooth ng performance namin. Isa pa ay napakadaming tao, oo expect ko na yung kayang i-acoomodate ng event place na ito pero iba parin talaga yung adrenaline rush kapag nakikita ko na ng harapan.



Madami pa kaming nai-perform at sobrang hype ng mga fans kaya nakaka dagdag ng energy. Hindi parin ako makapaniwala na nakaka kuha ako ng ganitong suporta at pagmamahal sa napaka daming tao. Samantalang dati ay si lola lang ang kasama ko sa buhay.



Hindi rin nasagi sa isip ko na mangyayari sakin ito. Ang makapag perform sa harap ng madaming tao kasama yung mga taong importante sakin, na tinuring ko na ding pamilya. Sobrang daming nag bago sa buhay ko nang dumating silang lima at lahat nang yon ay ipinag papasalamat ko.



Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now