Chapter 14

411 25 9
                                    

"Ate wala na atang candy dun sa may labas"


Pangalawang araw na ng burol ni lola ngayon. Dito sa may malapit na chapel ko ipina ayos dahil walang space masyado sa bahay at isa pa ayoko ng bumalik sa bahay na yon.



"Sige mag pahinga ka na muna ako naman" sagot ko sa pinsan kong si Risha. Tumango naman siya sakin at umupo doon sa may sulok.



Siya lang ang nakaka tulong ko sa pag aayos ng lahat ngayon. Dahil kahit isa sa pamilya namin ay walang nagpapakita dito. Pero mas mabuti na yon dahil hindi ko alam ang gaggawin ko sa kanila pag nagkataon.



Kumuha ako ng candy at inilagay sa isang paper plate. Lumapit ako dun sa  mga nakikilamay sa may malapit sa pinto para dalhin ibigay ang dala dala ko.




Pagka lapag ko non ay sumilip ako sa may labas dahil parang may tumigil na sasakyaan. Tiningnan ko pa kung sinong bababa doon sa van na tumigil.



Pag bukas ng pinto ng van sunod-sunod na nag labasan ang limang lalaki. Mga naka kulay itim na damit at mga naka shades pa.


Anong ginagawa ng limang ito dito?




Medyo naka agaw na sila ng pansin sa mga taong nakikilamay. Marami-rami pa naman ang tao baka pagka guluhan sila dito.



Lumabas ako at lumapit sa kanila. Tatanggalin sana ni Josh ang salamin niya ng maka lapit ako ngunit pinigilan ko siya.



"wag baka makilala nila kayo" hininaan ko pa ang boses ko para walang ibang maka rinig.



Napa tingin naman sila sa paligid at mukang na realize yung sinabi ko.



"condolence Klite" pakikiramay ni Sejun pati na rin yung apat. Umalis na din yung van. Hala anong sasakyan ng mga ito pag uwi? ang hirap pa naman ng sakayan dito samin kapag gabi.



"bat umalis na yung service niyo?" tanong ko


"nakisabay lang kami don may ihahatid na iba yon" sagot ni Stell



"Pumasok na kayo baka may iba pang maka kilala sa inyo" yakag ko sa kanila sa loob.



Agaw atensyon naman talaga yung lima habang papasok kami. Buti nalang at di pinagkaka guluhan.



Lumapit yung lima sa may kabaong ni lola at mukang nag dasal. Pinag mamasdan ko naman sila kabukod tanging si Josh ay himas ng himas sa kabaong ni Lola.



Nagka sama na nga pala yung dalawa hindi katulad nung apat. At mukang napa lapit na din siya kay lola dahil kita ko ang lungkot niya nung araw na nawala si lola.



"bakit parang may kamuka yung lima na yon?"

"mukang mayayaman"

"Parang artista ehh"



Rinig kong bulungan nung mga nasa likod. Kaya pala di pa pinagkaka guluhan dahil kinkkilala pa nilang maiigi kung sino yung lima. Yari 'to pag nagkataon.



"dun nga muna kayo sa loob dali" hinigit ko sila dun sa kwarto namin ni Risha.



May kasama kasing isang besroom ang chapel para bihisan at pahingahan. Nadaanan pa namin si Risha na nasa may kusina. Napa tulala siya nung makita yung lima.



Isa kasi yan sa fan pala ng SB19. Siya yung sinasabi kong nakapag banggit na sakin nung SB19 kaya parang familiar sakin.



Deretso lang kami hanggang kwarto. Pag pasok ay naka tingin lang sila saking lima na nag tataka kung bakit kami nasa kwarto.




Living with the Five Idols (Idol Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora