Chapter 12

417 24 3
                                    

"Jah yung damit mo naka ready na ba?"


"opo kaya lang yung belt ko hindi ko makita"


"teka hahanapin ko" nag pa ikot-ikot ako sa  may sala kung saan naka lagay lahat ng gamit ng SB. Actually kagabi pa namin inihanda ito, nag double check lang kami ngayon. 



May guesting kasi sila sa isang show ngayon. Syempre bilang P.A ako eto ang trabaho ko talaga. Ayun! may nakita akong black na belt na naka pulupot nasa may likod ng sofa.




"ito ba?" itinaas ko at tumango naman si Jah. Inihagis ko yung belt papunta sa kanya at nasalo naman niya yon.



"Sejun yung gamit mo okay na?" tanong ko kay Sejun na prentang naka upo dun sa isa pang sofa.



"yes kagabi pa" sagot niya. "ikaw Ken?" tumango lang sakin si Ken at isinuot na ulit ang earpods niya.



"oks ka na stell?" nag thumbs up naman siya bilang sagot.




"Josh ikaw?" tanong ko pero di siya sumagot, naka upo lang siya sa may tabi ni Sejun. Mukang inaantok pa, 5:00 palang kasi ng umaga medyo malayo kasi yung set  and 3 hours and byahe. Kailangan before 9 nandun na kami.





"Hoy mister kinaka-usap kita!" sigaw ko kay Josh at lumingon naman siya sakin habang namumungay ang mata niya.




"bakit misis?" tinaasan ko siya ng kilay, at nakuha niya pa talagang mag biro ha!




"nakaka tawa yon?" bored na tanong ko pero inirapan lang ako at nag tss.



Mukang okay naman na yung gamit niya kaya di na ko nag abala tanungin pa siya ulit. Biglang nag ring yung phone ko, tiningnan ko muna kung sinong tumatawag bago ko sinagot.



"Good morning po Ma'am" bati ko





["Good morning Ms. San Juan....yung service is on the way na dyan. Make sure na ready na ang mga kailangan ng boys"] bilin ni Ma'am sa kabilang linya.




"Yes ma'am ready na po kami, intayin nalang po namin yung service then good to go na po kami" sagot ko





["Ms. San Juan paki loudspeaker ng phone may sasabihin lang ako sa boys"] napa lingon ako sa may sofa kung saan sila naka siksik ngayon. Ni loudspeaker ko na yung phone at itinapat sa kanila.




["Good luck boys! I know you can do it!"] masiglang sabi ni Ma'am sa linya. Kita kong napa ngiti yung lima sa narinig.





"THANK YOU MS. HONG!" sabay-sabay na sabi nung lima at nag end na yung call.




Ms. Hong pala ang pangalan ni Ma'am. Sabi na Koreana siya eh, napaka ganda ni Ma'am sa totoo lang. Grabe yung clear skin niyaz yung ilong, mata, labi ahh basta perfect! Sana all maganda!





---------





Pag dating namin sa set andami ng tao, lahat sila abala sa kani-kanilang ginagawa. May  nag aayos ng camera, may mga may bitbit na props, meron ding nag aayos ng mga kable ahh basta madami.




Panay ang bati nung ilan naming naadadaan dito sa lima kong kasama at bunabati din naman sila pabalik. May lumapit saming isang babae at itinuro kung saan ang dressing room nila.




Sa pinto na tinigilan namin may naka dikit na bondpaper may naka print doon na SB19, mukang dito na yon. Nagpa salamat mun ako kay ateng nag dala samin dito bago pumasok.





Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now