Chapter 13

395 23 3
                                    

Dedicated to Sb19fanatics



Simula nung nag talo kami ni Josh nung may guesting sila hindi na niya ako pinansin. Kung dati bibihira niya ako imikan, ngayon ay kahit isang salita hindi niya na ginagawa. Todo iwas pa sakin, napansin na din nung apat yon. Nag tanong sila sakin kung magka away ba kami ni Josh pero di ko sila masagot, dahil hindi ko alam ang isasagot ko.




This past few days si Stell lagi ang nakaka usap ko sa bahay. Si Jah kasi laging nasa kwarto ni Josh nag lalaro ng computer games. Si Sejun laging nasa music room, ayoko naman siya abalahin dahil sa pagkaka alam ko ay nag co-compose siya ng bagong kanta. Si Ken laging nanonood ng anime, sinubukan kong makipanood sa kanya pero di ko talaga maintindihan.





Pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Josh. Yung manhid daw ako. Pinipilit kong isipin kung bakit ako naging manhid pero wala, naisip ko pang baka may gusto siya sakin pero bigla akong natawa sa naisip ko. Hahaha yun na ata ang pinaka imposibleng mangyari sa mundo. Lagi ng kaming pang away tapos magkaka gusto siya sakin? No way napaka imposible.



Gabi na ngayon, nandito na ako sa kwarto ko. Nakapag palit na din ako ng pantulog ko na pajama at sando. Nanonood ako sa laptop ko ng mga previews performance nung boys na naka upload sa youtube. Actually ilang gabi ko na din pinapanood yung mga video content nila, nagiging fan na ata ako hahaha.


Nag ring yung phone ko na nasa may tabi ko. Tiningnan ko kung sinong natawag at nakita kong si lola yon kaya napangiti ako. Bakit kaya tumawag si lola ng ganitong oras? Baka na-miss ako.


Pagka sagot ko nung phone ay bigla ako ng nag taka. Hindi boses ni lola yung nag hello. Tiningnan ko pang maigi yung name nung tumawag pero kay lola talagang number to.


"hello sino po kayo?" tanong ko. May namumuong kaba sa loob ko hindi ko alam  kung bakit.

["Hello Klite iha?"] sagot ng nasa kabilang linya.


"opo, sino po ito?"


["kapitbahay niyo ito, ang lola mo inatake sa puso kailangan mong pumunta dito sa ospital malapit sa atin"]


Kusang nagpatakan ang luha ko sa narinig ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko nadampot ko nalang yung wallet ko sa may side table at dali-daling lumabas ng kwarto.


Habang nag lalakad ako pababa ng hagdan ay tulo ng tulo ang luha ko. Hindi ko na makita ng ayos ang dinadaanan ko pero deretso padin ako sa pag takbo.

May humablot ng kamay ko kaya napa hinto ako, kinusot ko ang mata ko para makita kung sino yon at nakita ko si Josh na may dalang baso ng tubig mukang galing siyang kusina.

"San ka pupunta?" panay parin ang hikbi ko at singhot. Hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko ngagyon.

"k-kailangan ko umalis" tatalikod na sana ako ng hablutin niya ulit ang kamay ko.

"bakit ka naiyak?" may nakita akong concer sa mga mata niya.

"s-si lola *huk*" di ko na mapigilan umiyak na ako ng sobra.

"tara ihaharid kita" hinigit ako ni Josh papalabas ng bahay.


"Intayin mo ko dito okay?" tumango lang ako at patuloy na umiyak.

Pano kung may mangyaring masama kay lola? Hindi ko pa kayang mawala siya, siya nalang yung pamilyang kasama ko eh. Hindi pwede, di ko yata kakayanin.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now