Chapter 22

345 22 1
                                    

"bumalik ka dito!!! kukutusan kita!!!!"

"wag po! wag po! nag biro lang naman ako ehh!!!! Wahhh Ken tulong!!!!!!"

Pag labas ko ng kwarto at yan agad ang bumungad sakin.


Nag sisigawan kasi sila habang si Josh ay hinahabol si Jah at si Jah naman ay masama na ng itinakbo. Nahingi siya ng tulong kay Ken pero wala naman siyang napala dahil nanonood ng anime si Ken.


Tumigil naman si Josh pag takbo ng makita ako. Ngumiti siya sakin ng pagka laki at dali-daling lumapit.

"Good morining misis ko!!!" *humpp*

Bigla nalang niya akong niyakap ng sobrang higpit, kulang nalang ay pisain ako.



"g-good moring" sagot ko at inalis ma niya yung yakap.


"I love you" napa ngiti naman ako dahil sa sinabi niya.

First day na mag on kami, ansarap pala sa feeling.



"I love you too" sagot ko habang maka ngiti sa kanya.



"HEH! WALANG FOREVER!" sigaw ni Jah na nanonood pala samin.


"aba't..." rinig kong sabi ni Josh



"namumuro ka na sakin humanda ka!!!" sigaw niya at hinagad na naman si Jah, eto namang isip bata karipas na ng takbo.



Napa iling nalang ako. Pag baba ko sa may kusina ay nandon na si Stell at Sejun nag luluto ng umagahan.



"good morning bati ni Sejun" nginitian ko naman siya at nag good moring din.


"sorry ah late ako nagising, tulungan ko na kayo dyan" kinuha ko yung hotdog at hiniwa.


"okay lang yon...congrats nga pala" nag taka ako sa sinabi ni Stell.


Congrats daw? nanalo ba ko sa lotto? pero hindi naman ako nataya imposible.


"kayo na ni Josh ah" dugtong ni Stell dahil mukang nahalata niya yung pag tataka ko.

Wait lang....bakit..?


"alam niyo?" tumango naman yung dalwa sakin.


"kahapon pa hehe nandun kami eh" sagot ni Sejun kaya nanlaki ang mata ko.

"EH?!"

"di mo namukaan yung driver?" tanong ni Stell.



Naalala ko naman si kuyang driver kagabi na naka face mask at saklob. Sobrang tahimik niya lang sa byahe kaya di ko na siya napansin.



"Si Ken yon" literal na napa nganga ako sa sinabi ni Stell.



"Tapos yung waiter...si Jah yon"



Naalala ko din yung waiter na nag dala ng pagkain namin after nung moment namin ni Josh. Si Justin pala yon!



"Tapos yung tumugtog ng music....kaming dalawa yon" walaa akong masabi sa ginawa nila.


Ibig sabihin naka plano talaga yung kagabi? Alam nila?....



"eh bakit hinayaan niyo ko mag iiyak dahil sa sinabi ni Justin kahapon!" agad namang nag iwas ng tingin sakin yung dalawa. Mukang wala akong mapapala dito ah.



Nag lakad ako papalabas sa may living room. Nilapitan ko si Ken at tinabihan dun sa may sofa, habang nanonood siya ng anime.



"Ken....bakit hinayaan niyo kong umiyak at mapraning kahapon?" tanong ko. Mukhang natigilan pa siya dahil napa gala ang mata niya kung saan saan pero di nalingon sakin.



Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now