Chapter 37

317 21 3
                                    

Nag ring ang phone ko, sinagot ko iyon pero sa kalsada parin naka tuon ang paningin ko.

"hello?"

"[tinawagan namin ang mama ni Josh, wala daw dun sa Cavite]" boses ni Stell ang narinig ko sa kabilang linya.


"what?! maybe he's on his way there?" tanong ko.


"[no, natawag yon kay tita kapag uuwi siya don, just go back here Klite]" napa buntong hininga ako dahil sa sinabi niya.


"no hindi ako babalik hanggat hindi ko nakakausap si Josh...san pa siya pwede pumunta?" desididong sabi ko.



Hindi ako pwedeng sumuko ngayon. Kailangan ko maka-usap siya ngayon ayoko ng ipagpaliban pa dahil baka mahuli na ang lahat.


"[hindi na namin alam, i-try mo sa mga pinuntahan niyo na dati]" tumango ako sa sinabi ni Stell kahit hindi niya nakikita yon.


"Just call me kapag may balita kayo" ibinaba ko na yung tawag at nag u-turn ng mabilis.



Buti nalang at walang nag babantay ngayon dahil kung hindi ay malamang nahuli na ako. Wala pa akong lisensya dito sa Pilipinas at ambilis ng pagpapa takbo ko ngayon.




"where the hell are you Josh?!" napa hampas ako sa manibela sa sobrang frustration.




Una kong pinuntahan ay yung sea side na pinagdalhan niya sakin noon. Pero kahit anino niya ay hindi ko makita doon. Nag tanong-tanong pa ako sa ilang tao don pero  walang nakakita sa kanya. Muntik pa akong mapag kaguluhan buti nalamang ay naka sakay agad ako ng sasakyan at naka alis agad.




Sunod na pinuntahan ko ay yung night market na pinag kainan namin dati. Wala pang masyadong tao dahil mag bubukas palang yung ibang  stalls pero nag baka sakali parin ako na makita doon si Josh. Nag suot ako ng shades at hat para hindi ako makilala ng mga tao. Pero nalibot ko na ang buong lugar ay hindi ko parin siya makita.






Pati ang tapsilogan na kinainan namin ay hindi ko pinalampas. Umasa akong nandon si Josh dahil paborito niyang lugar yon pero wala siya don. Sunod na pinuntahan ko ay yung mataas na lugar na kitang-kita ang buong city lights kung saan kami nag celebrate ng 8th monthsary pero ganon nalang ang dismaya ko ng hindi ko siya makita doon. Pagod akong sumakay ulit ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig.



Hindi ako pwedeng sumuko, hindi ngayon. Pilit kong itinatak sa utak ko iyon.

Isang lugar nalang ang hindi ko napupuntahan. Yung lugar kung saan ko sinagot si Josh. Kung saan naging kami.



Nag drive ako papunta doon. Andaming sasakyan na naka park sa labas ng event place na yon. Bumaba ako at saka lumapit sa may entrance ngunit hinarang ako nung  guard.


"Ma'am invitation po?" tanong niya, mukhang may event nga ngayon dito kaya madaming sasakyan sa labas.


"ahm kuya may hinahanap lang po kasi ako baka kasi napa punta siya dito"


"imbitado ba dito ang hinahanap mo?"



Agad akong nag search ng picture ni Josh sa internet. Wala naman kasi siyang picture sa phone ko.



"hindi ako sigurado kuya pero ito po yung picture niya" ipinakita ko kay
kuya at mukhang namukaan niya dahil sa pag iiba ng reaksyon niya.






"kilala ko ito, si Josh 'to ng SB19 diba? teka...ikaw yung kasama niya dati nung nagpa bati ako sa kanya para sa anak ko!" pilit ko namang inaalala ang sinasabi ni Kuya.

Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now