Chapter 18

392 23 5
                                    

Sala lahat ng lugar ito yung pinaka hindi ko na-imagine na pag dadalhan sakin nitong si Josh. Artist, Performer at tinitilian ng mga girls pero andito kami ngayon......sa tapsilogan.


Oo yung parang karinderya na kainan tapos may mga set ng pagkain na pwedeng orderin. Pinaka mahal na ay 50 pesos full pack na yon.

Hindi naman sa nag rereklamo ako dahil masarap naman dito kaya lang....di ko talaga ma-isip na yung isang Josh Cullen Santos ay nakain sa ganitong klase ng kainan.

Muka nga lang siyang timang dahil naka shades siya at naka cap habang kumakain. Muka tuloy siyang nag tatago sa mga pulis dahil wanted.

After niya sabihin kanina na mag uhh...d-date daw kami dito na kami dumeretso dahil malapit na daw mag lunch. Nung una di talaga ako pumayag sa 'date' daw na ito pero syempre anong laban ko sa kasungitan ng isang yan diba?


Buti nalang at mahilig din naman ako sa nga ganitong klase ng pagkain. Tahimik lang siyang nakain, parang sarap na sarap pa siya dahil nakaka ilang extra rice na siya. Malakas naman siya kumain pero bakit kaya may abs....payat! oo bakit kaya payat siya?


"stop starring at me and finish your food" mahinang sabi niya. Naka titig na pala ako sa kanya di ko namalayan. Ilang akong napa layo ng tingin at kumain na ulit.

"bakit dito tayo kumain?" dahil ang tahimik namin naisipan kong kausapin siya.

"ayaw mo ba?" kaya ayoko mag tatanong eh tanong din ang ibabalik sakin.

"hindi ah...tinatanong lang ehh" naka pout na sagot ko.

"stop pouting tss hindi ka cute" napa simangot naman ako sa sinabi niya.

Ako hindi cute?! Malabo ang mata mo hangal!

Inirapan ko nalang siya at kumain ulit. Sabi ko nga hindi na ko mag tatanong, hindi na ko mag sasalita tss.

Di ko na siya inimik. Ramdam ko naman ang panakaw niyang nga tingin sakin pero deadma lang ako, bahala ta dyan!


"na miss ko lang kumain sa ganito" mukang di na siya naka tiis at nag salita ulit. Tiningan ko naman siya at tinaasan ng kilay.

"share mo lang?" sagot ko. Bahagya niyang ibinaba yung shades niya para lang tinganan ako ng masama.

"kina-kausap ka ng matino diba?" inis an tanong ni Josh. Napa tawa naman ako ng bahagya hahaha pikon.

"bakit? naka kain ka na ba sa ganito dati?" tanong ko.

"madalas...kada may training kami dati sa mga ganito lang  ako nakain" sagot niya.

Teka dito? ibig sabihin hindi pa sila sikat noon?

"training saan?" tanong ko.

"Training sa star rise company. Nag train kaming lima for 4 years bago kami maka rating sa kung nasan man kami ngayon" grabe naman pala 4 years na training? mukang madami na talagang pinag samahan yung lima.

Bigla ko ding naalala nung nag apply ako sa SR company ay may mga nag a-audition. Hindi kaya....

"nag audition lang din kayo sa company dati?" tanong ko at tumango naman siya.

"Andami naming nag audition noon hundreds ata. Then para kaming nasa bahay ni kuya dahil unti-unting nababawasan. Hanggang sa maging lima nalang kami at ayon nabuo yung grupo namin" wala akong masabi. Grabe ang pinag daanan pala nila.

"wait ibig sabihin hindi kayo magkaka kilala noon?" tanong ko ulit. Sulitin ko na habang nasa mood si sungit.

"Si Stell naka grupo ko na siya sa isang dance group then ako yung nag recruit kay  Jah" napa tango nalang ako.

Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon