Chapter 30

324 22 14
                                    

A/N: Expect some typos hehe.


"Ate Klite are you okay?" tanong ni Risha, yung pinsan ko.

Nandito kasi ako ngayon sa dorm niya. Day off ko naman ngayon kaya umalis muna ako ng bagay. Ngayon na nga lang ulit ako umalis ng bahay na day off ko. Dati kasi ay madalas nandon lang ako sa bahay nung lima at kung ano-anong ginagawa namin.


Pero ngayon na magka away kami ni Josh, or galit ako kay Josh ay umalis muna ako. Simula pati nung nangyari kahapon ay hindi pa siya umuuwi ng bahaya kaya mas nang gigigil ako.


"yeah I'm fine....why?" tanong ko kay Risha.


"You look so problematic, may problema na naman ba sa family natin?" oh diba halatang halata na family lang namin ang madalas namin problemahin.

"no...ano kase.."


"lovelife no?" napa tango nalang ako.


Hindi ako makapag open up sa kanya ng deretso dahil nahihiya ako. Mas matanda ako sa kanya pero siya pa yung mag bibigay ng advise sakin? Kahit naman college na siya eh mas matanda parin ako.




"ano bang problema ate?" umiling lang ako sa kanya at nag iwas ng tingin.


"come on ate, mas bibigat yang nararamdaman mo kapag hindi mo nailabas yan" isa-isa nang nag tuluan ang luha ko. Lumapit naman siya sakin para yakapin ako.



"s-si Josh..." at ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Lahat-lahat pati yung pag papanggap nang bruhang Monique na yon.



"Ate sinabi mo ba sa kanya na nag panggap lang yung impakta?" umiling ako. "that's it ate! kilala mo si Josh masyadong matulungin yon baka nag worry lang talaga siya dun sa impakta"



Ganon ba yung dapat na ginawa ko? Bakit nga hindi ko sinabi yung totoo? Na misunderstand ko nga lang ba?



"alam mo ate sa relationship ang unang nakaka sira ay ang misunderstanding, dapat pinakikinggan niyo muna ang side ng bawat isa bago mag conclude o gumawa ng desisyon" nginitian niya ako pero pinaningkitan ko siya ng nata.



"teka, san mo nalaman yan?" nanlaki yung mata niya dahil sa tanong ko.


"n-nabasa ko lang yan sa wattpad!" pinaningkitan ko pa siya lalo ng mata.


"oo nga! bahala ka nga dyan!" at ayon nag walkout na ang pikon hahaha.


Napa ngiti naman ako dahil doon. Narealize ko din na baka nga nag over think lang aki at na misunderstood ko lahat.  Kailangan ko umuwi para magka usap kami ni Josh, siguro naman naka uwi na yon.



"alis na ko Sha! thank you!" sigaw ko narinig ko naman ang sagot niya, mukhang nasa banyo ang bruha.




Pag labas ko ng dorm ni Risha ay nag abang ako ng taxi na masasakyan. Medyo bihira ang nadaan dito dahil 8:00 na ng gabi. Tumunog ang phone ko, pag tingin ko ay may nag message sakin na unknown number. Pag bukas ko at may naka lagay na address at may kasamang pictute ni Josh kasama yung apat na nasa bar. Pero mas naka agaw ng pansin sakin yung babaeng kasama nila, si Monique.



Saktong may dumaan na taxi at agad ko namang pinara yon. Sinabi ko sa kanya yung address na sinend sakin ng kung sino man yon.



Ambilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko kung kinakabahan ba ako o natatakot. Pakiramdam ko napaka bagal ng takbo namin.



Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now