Chapter 20

345 22 8
                                    


"okay back up na tayo guys!"


Isa-isa namang nagsi- alisan yung nga empleyado. Habang yung lima ay kina kausap pa nung director.

Nag shoot kasi sila ngayo ng isang endorsement. Nandito lang ako sa isang gilid, inaantay sila matapos.

Makalipas ang ilang minuto nilang pag uusap ay lumapit na sakin yung lima. Naka ngiti silang lahat sakin maliban kay Stell na ilang araw na matamlay. Hindi ko nga alam kung dahil ba dun sa nangyari samin or may iba pa siyang problema.



Nag aalala ako...



"Hoy misis nandito na ako sa tabi mo kung saan saan ka pa naka tingin" bulong sakin ni Josh. Nag tuloy-tuloy na yung apat papuntang dressing room. Inirapan ko muna si Josh bago mag lakad.



Ramdam ko naman siya na nasa likod ko pero di ko nalang nilingon. Kanina pa ako hindi mapakali, medyo masakit kasi ang puson ko. Pero sa pagkaka tanda ko ay next week pa ko magkakaron. Hayss may nakain kaya akong mali?


Pag pasok ko ng dressing room ay nag aayos na ng gamit yung apat. May ibang staff din ng company kaming kasama. Malaking project kasi ito kaya kailangan.



Umupo muna ako dun isang sulok dahil medyo nasakit na din ang ulo ko. Naka kunot ang noo ni Josh habang papalapit sakin. Medyo yumuko siya ng konti para magka pabtay kami at saka hinawakan ang noo ko.


"Bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong ni Josh.


"wala masakit lang ang ulo ko" sagot ko pero mukang di siya kuntento sa sagot ko.


"tara na...para maka uwi na tayo" tumayo na ako, lalampasan ko na sana si Josh kaya lang ay nahawakan niya ako sa may pulsuhan kaya napa tigil ako.


Nilingon ko naman siya pero yung mukha niya mukang gulat na gulat at di alam ang gagawin.

"napapano ka?" tanong ko.


"a-no...m-may ano.." hindi niya maituloy ang sasabihin niya


"ano nga?!" inis na tanong ko.


"labas!" sigaw ni Josh kaya napa tingin samin lahat.


"anong labas?" nag tataka kong tanong. Bumaling siya sa mga kasama namin na nag tataka din.



"lumabas muna kayong lahat! now!" sigaw ulit ni Josh kaya dali-daling nag labasan lahat pati na yung apat.

Hala! bat' niyo ko iniwan dito?!


"bakit mo sila pinalabas? anong balak mo ha?!" sigaw ko.


h-hindi kaya may balak sakin ang isang 'to? Wahhh jusko wag!!!


"m-may dugo ka" hindi ko alam pero bat' parang mas namumutla sa 'to sakin?



"malamang! alangang wala!" inis na sagot ko.


Mabubuhay ba ko ng walang dugo adik 'to!


"I-I mean...sa pants mo may dugo" nanlaki ng literal ang mata ko dahil sa sinabi niya.


Tiningnan ko naman sa mirror na nasa likod ko at shit! meron nga! Puti pa naman ang pants ko kaya kitang kita.



"labas!" pag papalabas ko kay Josh dahil nakaka hiya!



"anong?! bat' ako lalabas?!" kontra niya.

Hayst antigas ng ulo!


"basta labas!" sigaw ko pero nag matigas parin ang loko.



Living with the Five Idols (Idol Series #1)Where stories live. Discover now